II. Game?

34 0 0
                                    

LUMIPAS pa ang mga araw at tila nagiging natural na ang pagkakaibigan ng dalawa. Tumatawa na si Alex sa mga jokes ni Alfred. Tinuturuan na niya si Alfred sa mga aralin. Sabay na lagi silang kumakain, nag-aaral at umuuwi.

           Sunday noon. Niyaya ni Alfred si Alex sa kanila. Pinakilala niya ito sa mga tito at tita niya na kumukupkop sa kanya ngayon at ng hapong 'yon ay nagkayayaan silang maglaro ng basketball. Kalaban nila ay mga taga-roon din. Unfair pa nga ang laban dahil lima ang kalaban tapos dalawa lang sila.

           Nagkatinginan pa sila.

           "Kaya mo ba?" Tanong pa ni Alfred.

           "Kulang pa nga sila!"

           Napangiti si Alfred.

           Nagsimula na ang laban. Kahit dehado sa bilang, nagpamalas naman ng kanya-kanyang galing sa paglalaro ang dalawa. Kapwa sila bumibilib sa kakayahan ng bawat isa. Magaling magdala ng bola si Alfred. Pwedeng-pwede itong maging pointguard. Maliksi at mabilis ang kamay. Si Alex naman, nakakabilib ang shooting moves nito, either jump shot o perimeter shot, pasok lahat ang tira nito. At the end of the game, natalo pa rin sila ng lima pero may nalaman silang sport na magbubuklod pala sa kanila. Parehas nilang hilig ang basketball.

            "Ang galing mo ah!" Naroon sila sa may gymnasium ng school. "Ba't di ka mag try-out sa varsity team?"

           "Marunong lang ako." Sagot naman ni Alex. Nanonood sila no'n ng practice game. "Hindi ako magaling."

            "Kung hindi pa magaling ang tawag mo sa laro mo, anong tawag mo sa laro ng mga 'yan?"

            Pinapanood nila noon ang palyang mga tres ng players.

           Natawa tuloy si Alex sa kanya.

           "Teka. ba't di kaya tayo mag try-out?" Maya-maya ay suhestyon ni Alfred.

           "Tayong dalawa?"

           "Oo! Malakas ang kutob kong matatanggap tayo."

          Natawa ulit si Alex sa kanya. "Bilib din naman ako sa self-confidence mo!"

          "Aba, syempre! Dapat malakas ang loob mo! Dapat hindi ka negative!"

           Napatingin ulit si Alex sa mga players. May point si Alfred. Sa totoo nga lang naman kasi, gusto niya talagang maging player.

HABANG hinihintay ang announcement of try-out ay panay naman ang practice nina Alfred at Alex. Sa barangay man nina Alfred o sa subdivision nina Alex, dumadayo sila ng practice at laban na rin. Marami silang nakakalaban. Iba't-ibang klase. May mahina at madaling talunin. May mga payat at meron ding malalaki ang katawan. May magagaling at mauutak at meron ding mandaraya. Sa lahat ng 'yon, magkasama at magkakampi ang dalawa.

NANG dumating ang araw ng try-out, panay ang dasal ng dalawa. Excited silang maglaro at makasali sa team, pero sympre hindi maitatanggi ang takot sa rejection. Hindi lang naman kasi sila ang magagaling sa mga nag try-out.

         "Pano kung hindi tayo tanggap?"

         "Bilib pa naman din ako sa self-confidence mo, asan na 'yon ngayon?"

         Napangiti si Alfred. "Nakakakaba pala."

      "Huwag kang mag-alala. Kailangan ng team ngayon ng isang magaling na pointguard, malakas ang chance mo."

     Napatingin sa kanya si Alfred. "Aanhin naman ang magaling na pointguard kung walang magaling na shooter. Sino magiging recepient ko?" Aniyang nakatingin na ulit sa mga naglalaro sa court.

          Si Alex naman ang napangiti.

          "Kung hindi ka matatanggap, ayoko na rin. Sabay tayo di ba? Dapat tayong dalawa ang makapasok."

          Nakatingin si Alex kay Alfred na nakatalikod pa rin sa kanya. Mukhang hindi nga siya nagkamali sa pakikipagkaibigan sa kanya. Unti-unti niya kasing nakikita ang ugali ng binata at nagugustuhan niya ito. Mukhang nakakita nga siya ng tunay na kaibigan sa katauhan ni Alfred.

AFTER three days lang, matapos ang excitement, intense, tension at drama ng try-out, nalaman na nila ang resulta. Ganun na lang ang tuwa ng dalawa nang malamang pasok sila sa team. Kasama sila sa limang napili. Nagtatatalon at nagsisi-sigaw ang dalawa sa sobrang tuwa! Masayang-masaya sila!

DUMATING ang araw ng pagpa-practice nila kasama ang varsity team ng school. Yon pa lang wish granted na para sa kanila. Ok makisama ang teammates nila. Tanggap sila agad ng mga ito. Madali rin nilang malapitan ang coach at ang coaching staff. Sa tingin nila, mag-eenjoy sila sa paglalaro not only for the school but also for pure fun!

          Pero syempre hindi maiiwasan ang mga pagkakamali nila as rookies. Tinuturuan at tinutulungan naman sila ng team, pero mas madalas na sina Alfred at Alex ang nagtutulungan sa isa't-isa. Nagsusuportahan at nagdadamayan.

Ang Alamat ng Isang SamahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon