IV. Girls...girls...girls...

23 0 0
                                    

NAGPATULOY ang liga. Nakarating sa semi-finals ang team nila, pero hanggang doon na lang ang naabot nila. Lahat sila ay nalungkot pero hindi nawalan ng pag-asa. Right after nilang matalo balik sila sa practice. Practice ng practice. Lahat talaga sila ay determinadong makabawi next season.

            Madaling lumipas ang mga araw at buwan at ngayon nga ay opening na ng latest season ng liga. May game agad sila. Marami ang nanood, marami-rami na rin kasi ang fans nila. Unti-unti na ngang sumisikat ang dalawa. May kanya-kanya na nga silang fans club. Pati charm sa mga babae ay unti-unti na ring nagiging kapansin-pansin.

        Nasa library ang dalawa noon. Free time nila at kasalukuyan silang gumagawa ng assignment. Halata ni Alfred ang mga babaeng kinikilig sa paligid nila, lalo na ang mga babaeng nagpapapansin sa kaibigan. Sa kanilang dalawa, di hamak naman kasi talagang mas gwapo si Alex.

             "Uy," Pasimpleng tawag ni Alfred sa kaibigan.

            "Ha?" Hindi siya tinitignan ni Alex na busy sa ginagawa.

            "Pansinin mo naman 'yang mga nasa paligid mo. Kanina pa nagpapapansin ang mga 'yan."

            Napatingin si Alex sa paligid niya.

            Kilig naman ang mga girls.

            "Busy pa ako, wala akong time para dyan." Dedma  ni Alex.

            "Naks! Suplado mo talaga."

            Napangiti si Alex.

            "Kaya ka gusto ng mga girls eh,"

             "Bakit? Inggit ka?"

             "Hindi ah!" React ni Alfred.

             Napatigil sa ginagawa si Alex at napatingin sa kaibigan.

             "Bakit?" Tanong ni Alfred.

             "May girlfriend ka na ba?"

             "Bakit mo naman naitanong?"

             "Wala lang, may girlfriend ka na?"

             "Wala pa, bakit?"

             Napaisip si Alex.

             "Parang may tumatakbo sa isip mo ah, ano 'yon ha?"

              "May ipapakilala kasi ako sa'yo."

              Napangiti si Alfred. "Sino?" Halata ang excitement sa mukha nito.

              "Basta, you'll meet her."

              "Kelan? Kilala mo ba 'yan?"

              Tumango si Alex. "Anak sya ng friend ni Daddy."

              "Mabait? Maganda? Ano?"

              Pinagtripan namang bitinin ni Alex ang kaibigan.

              "Hoy!" Panay ang pangungulit ni Alfred na lumipat na ng tayo at tumabi sa kanya.

              Tanaw na tanaw iyon ng isang babae na naroon rin sa library. Kitang-kita niya ang saya ng pagkukulitan ng matalik na magkaibigan. Natutuwa talaga sya sa samahan ng dalawa. Matagal na syang nanonood ng game ng team nila. Nasubaybayan nya ang pagsali ng dalawa sa team at naging tagahanga na sya ng dalawang ito sa paglalaro man o sa pakikipagkaibigan. Palagi syang nanonood ng practice at nakikita nya ang magandang samahan ng dalawa. At ang isa pang dahilan, crush niya kasi si Alex. Grabeh! Gwapong-gwapo siya rito! Pero alam yata ng lahat na suplado sya at hindi naman sya ang tipo ng babang harap-harapan kung magpakita ng affection sa isang lalake kaya hanggang sunod at tanaw sa malayo na lang ang nagagawa niya. Gaya ngayon, doon sya naupo sa malayo sa dalawa. Natatakpan pa nga sya ng ilang mga girls na naghahabol din kay Alex. Pero nakita niya ng saglit na napatingin si Alex sa gawi niya. Wish nga lang n'ya, s'ya talaga ang tinitignan ni Alex.

Ang Alamat ng Isang SamahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon