V. Cupid's another victim

17 0 0
                                    

      Alex can't seem to forget her. Hanggang sa pagtulog ay hawak-hawak niya pa rin at pinagmamasdan ang picture sa ID ni Gena. Nagagandahan siya talaga rito. Matagal na noong huli siyang nagkaganito. Iyon ay sa babaeng huli niyang niligawan pero hindi na uli naulit pa. Nawala rin kasi agad ang pagkagusto niya rito. Pero kay Gena....ang lakas ng dating nito sa kanya.

              Kinabukasan, hinintay ni Alex ang pagdating ni Gena sa may main gate. Sigurado kasing hindi ito makakapasok kung hindi nito suot ang ID. Ilang sandali lang ang hinintay niya at nakita n'yang muli ang babaeng hindi nagpatulog sa kanya. Alam niyang nakita na rin siya nito kaya umiba ito ng direksyon.

             "Gena, Gena sandali," Hinabol niya ito.

         Takang-taka namang hinarap siya ni Gena. "K...kilala mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito.

             Nginitian siya ni Alex. "Nabasa ko dito." Inilabas niya ang ID ng dalaga.

             "Ah!" Kinuha iyon ni Gena. "San mo nakita? Salamat ha."

            Alex is not sure, pero parang may nakita siyang dismaya sa mukha ng dalaga.

            "Kahapon, nahulog mo."

            "Thank you," sinuot na ni Gena ang ID, tapos ay napatitig sa kanya.

             Ilang sandali rin iyon.

             "Sabay na tayo."

             Nahihiyang tumango ang dalaga, but deep inside her tuwang-tuwa siya. Feels like heaven, having Alex walking beside her.

            Not knowing, Alex feels exactly the same. Feeling niya pa, si Gena ang superstar sa campus at naiinggit ang lahat na magkasama sila.

             Before maghiwalay, kinausap pa siya ulit ni Alex.

             "May game kami tomorrow, manood ka ha."

             Hindi kaagad nakapagsalita si Gena. "S..s...sure."

             Nginitian siya ulit ni Alex. "Sige," paalam nito.

             "Bye,"

     Baon-baon ni Alex ang inosente at napaka-among mukha ni Gena. Hindi lang siya nagagandahan sa dalaga, natutuwa pa siya sa pagiging simple at pagiging mahiyain nito.

            Si Gena naman, kanina pa pinipigil ang mapasigaw sa tuwa. Kinikilig siya kanina pa! Alex smiles at her two times and he treats her so special. Wow! Pulang-pula na ang mukha n'ya. Sobrang kinikilig s'ya!

 Kinabukasan. Malapit nang magsimula ang game at panay na ang practice shooting ng mga players. Kanina pa napapansin ni Alfred na parang may hinahanap si Alex sa crowd.

             "Sinong hinahanap mo?" Tanong niya rito nang mapadaan sa tabi ng kaibigan after a jump shot.

             Napatingin pa saglit sa kanya si Alex bago nag-aim ng shot. "Wala,"

             Hindi naman siya paniwalaan ng kaibigan pero hindi na rin siya nito kinulit pa at nag-focus na lang silang dalawa sa practice.

              Minutes later, nagsimula na ang game. Hindi pa rin nakikita ni Alex si Gena. He's expecting her to come. Sana makarating s'ya.

              Tinawag na siya to play and though sad na hindi pa nagpapakita ang fan niya, finocus na lang niya muna ang sarili sa game. With his shots on the aim, malaki ang naitulong niya para manalo ang team. After the game, nilapitan siya ni Alfred at tinapik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Alamat ng Isang SamahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon