DUMATING ang unang game nila with the team. Maraming naonood, live telecast kasi ang laro nila sa isang sports network. Ang school kasi nila ay kalahok sa isang sikat na liga diton sa Pilipinas. Kinakabahan na ang dalawa. Ito ang first time nilang maglalaro. Just before the game starts, sabay silang nagdasal at nag-handshake (iyong malimit nilang gawin) bago nagkangitian.
"Goodluck!" Anila sa isa't-isa.
Kasama sa mga nanonood ang pamilya ni Alex at Alfred kaya naman lalong naging espesyal sa kanila ang first game nilang ito.
When the game begins, eventhough hindi sila starting five ginawa talaga nila ang lahat para makatulong sa team. Panay ang hiyawan ng mga tao. Sa gitna ng laban ng dalawang school, lamang sila at nagpapakita sila ng isang magandang laban. Nakaagaw agad ng pansin sa mga nanonood ang galing ng bagong pointguard ng team at ang swabeng mga tira ng baguhang guard/forward. Idagdag pa ang kagwapuhan nitong nagpapatili sa mga kababaihang nanonood. Maingay ang mga tao. Lalo na kapag hawak ng dalawa ang bola. Walang dudang gusto sila ng mga tao. After the buzzer has sounded, lalong nagkaingay ang lahat. Panalo ang team nila. Masayang-masaya sina Alfred at Alex. Nakatulong sila sa panalo ng team. Panalo agad sila sa first game nila. It was indeed a sweet victory for them.
Ilang mga game pa ang lumipas, lalong nahahasa ang talento nila sa paglalaro. Natututo na rin sila sa mga pagkakamaling nagagawa nila during a game. Dumadami rin ang mga fan nila. Marami na ang nakakapansin sa kanila. Marami na rin ang nagkakagusto sa kanila. Pati ang mga classmate nila na dati ay ayaw kay Alfred ngayon bilib na sa kanya at gusto na rin siyang maging kaibigan. May ilan pang nagkakagusto na rin sa kanya.
Minsan ay nakita ni Alex si Alfred na kausap ang mga classmate nila, yayayain niya na sanang mag-lunch ito pero marami itong kausap kaya lumayo na muna siya.
"Alex!" Nakita na pala siya ni Alfred at hinabol.
Nilingon siya ng binata.
"Kanina pa kitang hinihintay, gutom na ako ah! Tagal mo!"
Napangiti sa kanya si Alex. "Busy ka kasi."
"Anong busy? Hindi ah!"
Naglalakad na sila noon papunta sa paborito nilang kainan.
"Gusto ka na nila ngayon. Tanggap ka na nila. Marami nang maging gustong kaibigan ka." Sabi ni Alex sa kanya na ang tinutukoy ay ang mga kaklase nila.
"Kung hindi pa ako naging player, hindi sila magiging ganyan sa akin." Pagiging prangka ni Alfred.
"Nagtatanim ka ba ng sama ng loob sa kanila?"
"Hindi naman. Ewan..pwede talagang dumami ang mga kaibigan ko, pero minsan kahit anong dami nila iisa lang 'yong totoo." Napatingin siya kay Alex. "Para sa akin, tama na ang isang Alexander Ferranco na tumanggap ng pagkatao ko sa simula pa lang."
Napangiti si Alex. For the first time binuksan niya ang pinto sa pakikipag-kaibigan at si Alfred lang ang pinapasok niya sa buhay niya. Natutuwa siyang hindi sya nagkamali. Alfred is indeed a very good true friend. People says true friends are like treasures that are hard to find, and indeed, he seems to find a treasure out of Alfred. "Hindi talaga ako nagkamali sa'yo."
"Ha??" Halos pabulong ang sinabi ni Alex na hindi masyadong narinig ni Alfred.
"Wala! Akala ko ba gutom ka na, bilisan mo na dyan."
Humabol pa si Alfred kay Alex. "Hoy, anong sabi mo kanina?"
"Wala! Ang baduy mo lang kasi."
Naghabulan pa ang dalawa at nag-unahan sa carinderia.
DAYS passed by. Lalong nagkalapit ang dalawa. Kahit hindi sabihin, para kina Alex at Alfred, bestfriends na ang turing nila sa isa't-isa. Sabay silang pumapasok, maingay na nag-aaral. Magkasama sila kahit sa library at sa pagkain sa paborito pa rin nilang carinderia at sabay pa rin silang uma-attend ng practice.
Habang tumatagal ang kanilang pagkakaibigan, lalo silang napapalapit sa isa't-isa at lalo nilang nakikilala ang bawat isa. Wala pang away na namamagitan sa kanila, ang kaunting tampuhan ay madaling nalilimutan at maya-maya lang ay sila na naman ang magkasama.
Kilala na ng pamilya ni Alex si Alfred, kung minsan pa nga ay doon nag-o-overnight ang binata. Kung minsan naman ay si Alex ang nagpapalipas ng gabi kina Alfred. Halos araw-araw na nga ang bonding nila.
Alfred seems to be a brother para kay Alex at ganun din naman si Alfred sa kanya. Kung may nakakasaling man ng temper ni Alfred, sa school man o sa game, si Alex ang laging umaawat sa kanya. NIlalayo siya sa gulo at pinapakalma. Si Alex ang protector niya.
Si Alfred naman ang takbuhan ni Alex kapag naglalabas siya ng sama ng loob. Ang kaibigan lang ang pinagsasabihan niya ng problema at gusto niyang nakakasama. Kung minsan, magdamag silang nag-iinuman at nagkukwentuhan sa bubungan.
Minsan nga sa practice nila ay di maiwasang biruin sila ng mga kasama. Palagi kasi silang dalawang magkasama.
"Pare, sigurado ba kayo sa isa't-isa?"
"Ha?!" Taka ang dalawa.
"Sigurado ba kayong walang...ganun sa inyo?"
Tawanan ang mga kasama nila.
Gets na naman sila ng dalawa. Nakangiti lang ang mga ito.
"Hindi pare, joke lang."
"Hindi ko pa yata kayo nakikitang nag-aaway."
"Hindi pa nga." Sagot ni Alfred.
"At hindi mangyayari 'yon." Dugtong pa ni Alex.
Bilib talaga sa samahan ng dalawa ang mga ka-teammate nila.
"Sana nga mapanindigan nyo yan." Sabi ng isa sa kanila. "Wala kasing magkaibigan na hindi dumadaan sa mga matitinding pagsubok."
"Kung baga, 'yon ang nagiging sukatan kung hanggang saan ang tatag ng samahan nyo."
Nagkatinginan ang dalawa.
May darating nga kayang pagsubok?? Ano kaya 'yon?
Iisa sila nang naiisip ng mga sandaling 'yon.