I. Friendship is knocking...

125 0 0
                                    

SECOND year na si Alexander o mas kilala bilang Alex nang makilala ang transferee na si Alfred. Galing sa isang public school,naging mahirap para sa binata ang makisalamuha at makibagay sa mundo ng isang private school. Parehong Interdisciplinary Studies ang course nila at malimit na magkatabi pa ang dalawa.Ganunpaman, mas madalas na hindi sila nag-iimikan. Si Alfred, nangangapa pa sa pakikisama at si Alex, likas na suplado at tahimik.

           Lumaking mayaman si Alex, simula elementary pa lang sa eksklusibong paaralan na siya pumapasok, hindi naman siya mayabang, suplado lang talaga at hindi palaimik kaya napapagkamalan. Hindi rin siya palakaibigan, ang totoo wala siyang kaibigan mula pagkabata.

           Kabaliktaran ni Alfred, lumaki sa isang malaki at masayahing pamilya ang binata at kahit na mahirap lang sila mahalaga sa kanila ang pagsasama-sama at ang dugong nagbubuklod sa kanila. Marami ring kaibigan ang binata dahil likas itong palakaibigan at palabiro. Masayahin siyang tao at makwelang kasama. Ngayon nga lang na napunta siya sa mundo ng mayayaman tila nagkakaproblema siya sa pakikisama, hindi naman kasi siya sanay. Lumaki siyang mahirap at hindi pa nagkakaroon kailanman ng kaibigan mayaman.

          Panay tango at ngiti lang ang nagagawa ni Alfred. Nakakaimik lang siya kapag tinatanong at kung may mahalaga siyang sasabihin. Sinusubukan niyang kausapin ang taong lagi niyang katabi pero hindi siya nito pinapansin. Palagi lang tuloy siyang napapahiya rito. Pinapagana niya ang pagiging makwela niya at palabiro pero nababaduyan lang sa kanya ang mga kaklase. Iniiwasan siya ng mga ito, pinaparamdam nila sa kanya na hindi nila ito ka-level, pero ganunpaman, sige pa rin si Alfred. Palagi siyang may ngiti para sa lahat, pilit niyang inuunawa ang mga ito at ipinipilit niya pa rin ang pakikipagkaibigan sa mga ito.

          Pero tila hindi ganun kadali mapasok ang mundo nila, malimit nilang ipahiya at pagtawanan ang binata. Pinamumukha nilang trying-hard itong mapabilang sa kanila. Of course, nasasaktan si Alfred, pero hindi niya ito pinapahalata. Nakangiti pa rin siya. Sa lahat ng ito, nanatiling tahimik na saksi si Alex. Hindi niya kinokonsenti ang ginagawa ng mga kasama pero hindi rin siya gumagawa ng paraan para pigilan sila.

          One day, isang surprise oral recitation ang ginawa ng estriktong professor nila. Marami ang hindi prepared, isa na doon si Alfred. Nagsimula ng magtawag ang guro nila. Napapansin ni Alfred, nakakasagot ang lahat dahil nagbubulungan at nagsesenyasan ang mga ito, palihim na nagtutulungan. Napaisip siya. Dehado siya sa labang ito. Wala naman kasi siyangka-close sa mga kasama, malamang-lamang na siya lang ang mapahiya rito. Kinakabahan na siya!

         "Mr. Tecson."

         "Sir?" Napatayo na siya. Lagot na!

         "Name the branch of mathematics which deals with the collection, analysis and presentation of numerical data."

         Nag-isip agad si Alfred. Branch of Mathematics...?? Collection...analysis....ano 'yon???

         Naghihintay ng sagot ang professor nila. Nagngingitian at palihim namang nagtatawanan ang mga kaklase niya.

          Patay!

          "Mr. Tecson?" Tawag ulit ng professor nila.

          "Sir!" Medyo nagulat pa si Alfred.

          Hagikhikan na ang mga kaklase niya.

          "Do I need to repeat?"

          "No sir."

          "Statistics."

         Nakarinig ng mahinang bulong si Alfred.

          "Statistics." Ulit pa ng bulong.

Ang Alamat ng Isang SamahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon