Nag-umpisa na ang program, nagkainan na din ang iba, ang iba ay nag-uumpisa ng mag-inuman, habang abalang -abala ang mga host sa mga palaro.
Tahimik lang ako, nasa harap ko lang si Case, kausap niya yong ka batch namin pero ibang section.
Ang dami kong iniisip, ang daming gustong sumiksik sa utak ko. Ang daming nabuhay na naman na mga ala-ala. Halos isang taon na din ng huli kaming nagkita. Pagkikitang pinuno ng mga luha at sakit ang mga pusong kailangan ng paglayuin muli.
Hindi ako magaling magbasa sa nararamdaman ng isang tao. Hindi ko maaninag sa mukha ni Case ang nararamdaman niya sa di sinasadyang pagkikita na yon.
"Hoy!! Cady!!, Case!! Nag-away ba kayo? Kung dati eh di kayo mapaghiwalay, ngayon, ang cold ha?! " nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Grail at tumawa ito.
Tumawa din ako at sinulyapan ko si Case. Wala akong mahagilap na mga salita! Guilty ba ako? Guilty nga siguro.....
Gang sa tinagayan kami pareho ni Grail.
"O, uminom kayo, para magkalakas ng loob!! " at sabay kindat sa akin.
Inabot ko na yong bado at ako na nagsalita.....
"Cheers..... Para sa ekonomiya! "
At nagtawanan lahat.
" Cad's kailan ka balik ng Manila? "
" Di ko pa alam Grail, punta pa kami ng Ormoc ni coach.... gusto kong tamakbo dun! ""Swimming muna tayo nila Case. "
"Ikaw Case, kailan ang balik mo? " tanong ni Grail.
" Depende, one week naman leave ko, so okay pa ako.. " sagot ni Case.
" O sige, text ko kayo ha!! " pahabol ni Grail, sabay tayo at hila kay Case para sumali sa mga games.
12:30 am
Nagtext na si coach para umuwi na, medyo malayo pa biyahe namin para makarating ng city proper. Nagreply ako na magpapaalam lang ako.
Nagpaalam na ako sa mga kabatch namin at hininge ko na din ang mga contacts nila for more balitaan since, medyo bitin nga stay ko. Masaya akong makita sila ulit, kahit madami ang di nakarating, masaya akong makita si Grail at si.... Case.
Pinuntahan ko na si Grail. Hinila ko muna siya sa tabi at di kami magkarinigan.
"Alis na kami Grail. "
"Hala! Ang aga naman. "
"Malayo pa biyahe namin!! "
"Okay, pero magsiswimming tayo ha? "
"Oo, promise!!!! " pangako ko.
Paalis na ako ng hinila ako ni Grail.
"Si Case? "
Tumango ako at lumapit kay Case para magpaalam. Hinawakan ko ang braso niya at lumingon sa akin. Binulungan ko siya...
"Uwi na ako.. " paalam ko.
Tumango siya at ngumiti. Tumayo siya niyakap ako. Nagulat ako ng naramdaman ko ang paghawak niya sa batok ko. At pinatong ang ulo niya sa balikat ko, bago tuluyan kumawala.
Tumingin ako sa kanya..... same habit.
May mga bagay na mahirap itapon nalang basta, kahit na dumaan pa ang mahabang panahon. Nanatili itong nakasilip at nag-aantay ng pagkakataon para magpakita uli.
Tinapik ko si Grail at tuluyan na akong umalis.
Gabi ng isang sorpresa. Sorpresang hindi ko talaga inaasahan. Madaling araw na pero lumilipad at naglalakbay pa rin ang utak ko.
Bumaba ako at nagtungo sa paborito kong parte ng kusina. Nakasanayan ko ng sumandal sa lababo kapag may iniisip ako, para bang sa pamamagitan ng pagtayo doon ay nakakatulong marelax ang isip ko.
Wala naman dapat isipin, wala na, tapos na dapat, pero yong sulyap ng nakaraan ay nakakabulag pa rin, gusto ko man pumikit para hindi ko na makita, pero trinatraidor naman ako ng utak ko.
Nagulat ako ng tumikhim si coach. Gising pa pala siya.
" Lalim ma'am! Sisirin ko? "
"Bat gising ka pa? "
"Tinapos ko yong schedule natin next week para maisingit yong swimming niyo. " sabay kindat sa akin.
Ngumiti lang ako.
"Kayo ma'am, bat gising pa kayo?! "
Inabot ko yong phone sa kanya at ipinabasa ko ang text. Tumingin siya sa akin, at huminga ng malalim.
" Pupunta po kayo ?"
"Di ko pa alam coach ."
Ng pauwi na ako kanina, di pa ako nakakalabas ng gate ay biglang may nagtext sa akin.
" Cads, let's meet please!!! In the city, malapit lang sa inyo. Yong bagong tayong resort. Text me asap if its okay with you. "
-Case-Napalingon ako bigla ng nabasa ko ang text. Nakita ko siyang nakatingin din sa akin. Parang sasabog ako, uminit ang dalawang tenga ko, binilisan ko nalang ang paglalakad at sumakay na ako agad ng sasakyan.
Ang mga nangyari sa amin ni Case ay alam ni Coach Regor at ni Boss Hero. Silang dalawa ang nakakaalam mula umpisa hangggang sa pinilit na pagwawakas nito.
Pag-uumpisang wala sa mga dapat na pahina, pero nangyari, kaya dapat tahiin at maisama sa aklat kasama ang mga bagong pahina at yugto.
" Ano pa kaya ang pakay niya Coach. Tapos na dapat lahat, tapos na dapat ang pahina namin, pero bakit parang may hindi pa naisusulat. "
"Pangmakata ma'am ah" tumawa ito ng mahina at sinuntok ko siya sa braso.
"Seryoso ma'am, baka may gusto lang siyang sabihin. Anyway, friends pa rin naman kayo. At yon ay hindi na mawawala sa inyo. " paliwanag ni coach.
Friends. We've been friends for almost 20 years..... Except sa isang taong muntikan ng magkakulay ng rainbow. Sa totoo lang, nagkakulay naman talaga ng rainbow, bigla ngalang nagkaulap, kaya nawala yong ibang kulay ng rainbow.
O baka, may ulap na talaga, pagnagmahal kasi walang ibang kulay na nakikita sa paligid kundi ang gusto lang natin makita, dahil siguro sinisimbolo nito ang nararamdaman natin.
Yong ibang kulay nakikita lang natin kapag ka nasaktan tayo at nababahiran ng kirot ang mga nararamdaman natin.
"Natatakot ako coach, baka di ko mapanghawakan ang nararamdaman ko. Kanina kasi ng nakita ko siya, nawala ako bigla sa sarili ko. "
Tinapik ako ni coach sa balikat.
" Matulog na po kayo at ihahatid kita bukas. Naging matapang ka sa lahat ng training, kahit noong unang kita ko sayo eh, mukhang iyakin at lampa ka, pero kinaya mo. Malapit na matapos ang training natin, inaasahan ko na may matatapos ding pahina diyan sa puso mo. At kapag mangyari yon, mananalo tayo ma'am. Goodnight ma'am! "
Tumalikod na ito at pumasok na sa kwarto. Naiwan akong nag-iisip sa mga sinabi ni coach.
Bago ako humiga ay nagreply ako kay Case. Ayoko na mag-isip. Makikipagkita ako.
"Okay, I will come.... See you at 2pm.... "
Hindi ko na inantay ang reply ni Case.
Let's get it on Cad's.
BINABASA MO ANG
CASE & CADY
Non-FictionI was inspired to write their story after watching THE RICH MAN'S DAUGHTER. Magkaiba man and kwento nila, pero parehong di nila sinasadya magmahal ng isang Tao, na mali sa paningin ng iba. Ang puso di natuturuan..... Walang pinipili..... Ititi...