2nd year H. S ng maging kaklase ko si Case. Well, obviously di ko siya ganun kakilala dahil bagong kaklase. Ganun naman yon, every year may bagong mukha sa section, ibig sabihin, sila yong nag excel dun sa section nila kaya nalipat sila sa star section.
Di naman sa pagmamayabang, nakakasabay naman ako kahit papano, di ngalang kasing gaming ng top 1 naming.
Isang project ang di inaasahang gagawin namin, gagawa kami ng isang story or script sa Filipino at ang mapipili ay siyang isasadula sa Linggo ng Wika. At bibigayan I to ng buhay ng mga magagaling sa "tiatro club".
Noong time na yon, mga mapangarap naming mga writer, lahat excited, akala mo ang tatalino at ang gagaling magsulat. At kami nga ni Case ang magkapartner.
Dahil mga di kami masyadong close, palitan lang kami ng ideya na isinusulat sa papel. Wala kaming, magkikita or magkita tayo sa sabado para sa project natin. Sa madaling salita di namin sineryoso, di ko mga Alan kung gagawa pa kami.
Kahit yong iba kong mga kaibigan ay nakikita Kong abala sa project nila, di naman ako nag-aalala, kasi iniisip ko, madali lang naman yon gawin.
Kami, wala pa, kundi puro putol na ideya. Wala pang mga pangalan tauhan at walang iisang konsepto.
Hang nagbigay na ng deadline ang teacher naming. Isang linggo nalang ang meron kami. Para maipasa at yon na din ang magiging First Periodical Exam namin. Seryoso?
Pag-uwi namin gaming school. Hindi na muna ako gumala kasama ang mga kaibigan ko, kailangan Kong puntahan si Case sa Manila, kailangan na namin magplano sa project namin, dahil kung Hindi baka bumagsak kami.
Kinagabihan ay nagpaalam ako sa Titanay ko. Pupunta ako sa bahay nila Case, dahil sa project namin, pinayagan naman ako basta wag lang lang daw magpapagabi. Nakikitira si Case sa tita niya dahil malayo ang barangay nila sa bayan.
Ng makarating ako sa bahay nila Case, ay tinawag ko si Case. Lumabas ang tita niya at tinanong ako kung ano sadya ko. Hinanap ko si Case at kung pwedi ko ba siyang makausap.
Pinapasok naman ako ng tita niya at pinaupo ako, kumakain pa raw kasi si Case. Umupo muna ako habang hinihintay si Case.
Kilala ko ang tita ni Case isa itong guro at nag-iisa lang ito sa buhay, kadalasan ay mga pamangkin lang ang kasa-kasama nito sa bahay.
Di naman nagtagal lumabas na si Case pero sumenyas na magtotooth brush lang daw siya. Ilang minuto pa akong naghintay bago nakita kong papalapit na si Case. Umupo siya sa harap ko.
" Sorry, mukhang gabi na. Gusto ko lang sana tanungin kung may bago ka ng nagawang script. Malapit na deadline. "
Tumawa siya ng bahagyaat tumingin sa akin....
"Akala ko mga di na tayo gagawa, ayoko kayang bumagsak sa first grading, lagot ako kay Nanay. "
Bigla along nahiya, ako naman talaga kasi ang may kasalanan pagmagkataon.
"I'm sorry Case!!!! Seryoso na to, ayoko run bumagsak... "
"Ano ka ba, Biro lang. Alam ko naman yon, consistent ka kayang nasa top noong first year, tas hahayaan mo lang yon mawala ngayon. "
" hahaha! Di naman! Nagkataon lang yon!! So ano, kailan tayo mag-uumpisa gumawa ng matino? "
"Matino talaga?!! Anyway, may mga pangalan an akong ginawa, at gagawin ko na yong buong script mamaya. Ganito nalang, gawa ka rin ng iyo tas compare nalang natin bukas, okay ba sayo? " paliwanag ni Case sa akin.
" Actually, yon di sana sa-suggest ko. Madami na din akong
nagawa, dadalhin ko nalang bukas para mabasa mo. "" So saan tayo bukas? " tanong ni Case.
"Sa bahay nalang, pagkatapos ng klase natin, tas pag okay na, sundutan nalang natin pagnagka vacant tayo. "
Pumayag naman siya at nagpaalam na din ako, medyo natagalan na din pag-uusap namin. Nagpaalam na ako sa Tita niya at hinatid niya ako sa labas ng bahay nila.
Kinabukasan nauna siyang dumating sa school, napuyat ako kagagawa ng script at kakabasa noong unang ginawa ko.
Sa school di naman talaga kami magbarkada, may ibang cycle of friends siya at iba din yong sa akin. Pero nagngingitian naman kami, it's just may kanya kanya lang kaming hang out pag may vacant, at ito yong unang activity na partner kami.
Yong mga friends ko ay sila na din yong kasakasama ko since first year, kaya madalas maingay kami lalo na si Grail, kasi nga baklesh ito.
Nasa top 7 si Grail at nasa top 4 naman ako. Siguro nagtataka yong iba, kung bakit di ako close kila top 1 top 2, at top 3. Well, gusto ko naman, I mean friends naman kami, iba ngalang yong level ng buhay nila, kasi maaalwan ang kinagisnan nila, at di kaya ng bulsa ko yon. Ang kaya ko lang, ang sabayan sila sa academics minsan.
Nagkataong wala ang isang guro namin, nagkatime kami mag-usap ni Case at naging madali ang lahat, nakagawa na kami ng magandang konsepto at konti nalang ang sa script. Yong pamagat at mga tauhan ay naayos na din.
Pumunta siya sa amin pagkatapos ng klase namin. Inayos na yong script at ililipat nalang sa bond paper para maayo ang pagkaka sunod sunod.
Nanghiram na din ako ng type writer kay Titanay para magsalitan kami sa pagtatype ng script. Nagkasundo kaming sa bahay nalang siya matulog at kailangan magpaalam sa tita niya.
Pinayagan naman siya at ginawa namin ang project ng maaga para di kami abutin ng madaling araw, may pasok pa kami kinabukasan at may iba pa kaming assignments sa ibang subject.
Naging masaya ang ang gabing yon, kwentuhan, tawanan, minsan naman tahimik lang habang tipa lang ng type writer ang naririnig. Pagbaba ni Titanay ay gising pa din kami halos nangangalahati palang kami, pero pinapatulog na kami ni Titanay total may isang araw pa naman daw kami para gawin yon.
Kinabukasan ay tinapos nga namin bago mag-uwian ay nakapagpasa na kami. Tagumpay ang isang linggo, pinagpuyatan pero kinaya naman.
BINABASA MO ANG
CASE & CADY
Non-FictionI was inspired to write their story after watching THE RICH MAN'S DAUGHTER. Magkaiba man and kwento nila, pero parehong di nila sinasadya magmahal ng isang Tao, na mali sa paningin ng iba. Ang puso di natuturuan..... Walang pinipili..... Ititi...