Hindi rin natuloy ang balak naming umupa ng apartment ni Grail. Nabago bigla ang plano ko ng makilala ko si Hero.
Nakilala ko si Hero sa isang event. Pareho kaming volunteer doon. Well, honestly crush ko talaga siya una ko palang nakita. Umiral yong pusong babae ko. Naman kasi ang flawless, ang clean, ang ayos ng damit walang gusot at ang kuko, walang nagmumurang dumi.
Nagkasundo kami agad at pasinsiya nalang din ako kasi gay siya! Gay na gay!! So wala na akong magagawa doon, inaasar at kinukulit ko nalang.
It was just a short period of time, pero feeling ko ang tagal na naming magkakilala. Ang sarap lang din kasi kausapin ng mga taong open minded/baliw.
At dahil sa kanya napunuan ang pagkamiss ko kay Grail, siguro magkakasundo talaga tong dalawang to. Halos di na kami magkita ni Grail, di na din madalas magkatext. Masyadong busy na, lalo na ng maging G. M na siya.
At aminado siyang malabo na siyang maglaroon ng love life. Siyempre career muna. Nahihiya din siya sa sakripisyo ng ate niya makapag-aral lang siya.
Isang beses lang ako nakarating sa bahay nila Hero. Huge! But sabi nga niya, sa laki noon di na sila magpangita.
Siguro isang pinaka common sa amin ay dahil wala kaming nanay pareho. Kaya alam namin ang kadramahan sa likod nito. Mas maswerte pa nga ako actually, kasi may Titanay na umako sa responsabilidad ng mama ko, kay Hero, lumaki siya na katulong at driver/coach ang kasama niya araw-araw.
At noong nagkakilala kami ay halos paalis na din siya papuntang London. Andun ang maliit na negosyo ng Dad niya at sa ayaw at gusto niya siya na mamahala nito.
Ng bumalik na siya ng London, we remained friends, kahit busy siya, gumagawa naman ito ng paraan to keep in touch. And that time i was finishing my masteral.
Gang isang araw, he called me. He told me about the competition ng isang magazine ng friend niya. A transformation to become fit.. Well sige na nga, medyo chubby ako.... stressed I swear.
But a lot of things to sacrifice. Well, may compensation naman every month, not bad. Parang nagwowork out ka at the same time parang nagwowork na din. We have one and a half years bago ang competition. After the pictorial saka lang ang announcement ng winner.
Madaling sabi, pumayag ako. Abs-abs, biceps and triceps. Gusto ko yon, wala lang talaga akong oras.
Hindi lang yon, pagmanalo, 6 months tourist visa in London lang naman. Another dream ang matutupad pagmagkataon.
Siyempre, may coach ako. At si coach Regor na nga yon slash driver. I don't know what's their deal basta ang alam ko, we need to win. So prepare for the intense training and the more masungit coach na muna.
After my masteral, mag-uumpisa na ang training namin. Honestly, kinakabahan ako, pumayag si Titanay pero kailangan itigil kung hindi ko kakayanin. Malakas ang loob ko, kakayanin ko., dahil alam ko at tiwala ako kay coach.
Basic lang muna kami sa first week, stretching and basic work out. Honestly, parang lalagnatin ako, sobrang sore lahat ng muscle ko.
Pero sabi nga ni coach wag akong titigil. Alalay lang para di mabogbog ang katawan ko, kailangan daw talaga pagdaanan ang stage na yan. Pa unti-unti hanggang sa masanay ako sa mga routine namin at higit sa lahat ang disiplina sa pagkain.
Nakakagutom honestly.... pero kailangan. Gusto ko na nga maiyak sa sobrang gutom pero naumpisahan ko na, wala ng atrasan pa to.
After one month nakapag-adjust na din ako. Next month will be intense kaya kailangan ko mag prepare, tatargetin namin yong abs and legs ko.
Thank to Hero for motivating me and to coach for the unlimited patience. There were times talaga na ayaw ko na, ayoko ng bumangon sa sakit ng katawan, but he pushed me to go on.
BINABASA MO ANG
CASE & CADY
Non-FictionI was inspired to write their story after watching THE RICH MAN'S DAUGHTER. Magkaiba man and kwento nila, pero parehong di nila sinasadya magmahal ng isang Tao, na mali sa paningin ng iba. Ang puso di natuturuan..... Walang pinipili..... Ititi...