YOURS

131 11 2
                                    

Na extend ang stay namin in Cebu for 6 months,  anim na buwan na nasa alapaap,  kumakanta at sumasayaw sa saliw ng nag-uumapaw na kaligayahan sa aming mga puso.

Maligaya,  masaya!  Kung may iba pang kahulugan ay maari bang malaman at mabigyan ng isa pang salita ang nadarama sa mga panahong iyon.

Pero sabi nila kapag nagmahal tayo,  dapat itinataas tayo ng pagmamahal,  nagiging positibo sa lahat ng bagay,  nagiging matapang (kahit sa itak ng tatay!!)  at nagiging matatag humarap sa mga pagsubok na dumarating.

Dahil kung itoy hinihila tayo pababa,  ito ay hindi na pagmamahal. Ang pagmamahal ay di nakakalason,  hindi nakakasira,  bagkus ito ang bumubuo sa mga wasak na wasak at gasgas na gasgas na mga puso.

Sa anim na buwan na lumipas ang pakiramdam namin ay sa amin nalang umiikot ang mundo ng isat-isat. Di na ako nakakabuo ng training ko dahil madalas puyat ako at tanghali na nagigising. Pati diet ko ay nasisira na dahil halos araw-araw sa labas na kami kumakain and worst pati trabaho niya napapabayaan na niya,  madalas na din siyang absent.

Nagulat ako ng paglingon ko ay nasa may pintuan si Case at nakangiti. Lumapit ako at niyakap ko siya. Sa araw na yon ay sinubukan kong bumalik sa training,  at nakuha ko naman ang goal ko sa araw na yon.

" Kanina ka pa? " tanong ko.

" Di naman,  kadarating ko lang din. "

Napansin kong parang may malalim na iniisip ito.

" Hey!!  Bakit? "

Hinila niya ako sa kuwarto at isinara ang pinto. Umupo ito sa gilid ng kama.

" Baka masuspend ako Cadz!! "

" What?  Anong grounds?  " gulat kong tanong.

" Ahmmm.... Dahil sa mga absences ko,  napadalas na kasi lately. "

Na guilty ako bigla.... Di ko napansin halos na araw-araw kaming magkasama. Di ko naisip na may trabaho pala siyang dapat atupagin.

Napaisip ako bigla. Bawat araw masaya,  walang duda doon,  pero di ko na din pala napansin na napapabayaan niya ang isang bagay na mahalaga sa mga pangarap niya. Gumawa kami ng sariling mundo at wala kaming pinapasok doon kundi kami lang. Hindi namin naisip na maliban sa aming dalawa ay may ibang bagay pa sa paligid namin,  at bahagi pa din ito ng mundong ginagalawan namin.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

" Di ka na ba pwede makiusap ang tagal mo ng nagtatrabaho sa company na yon. "

" Actually,  dati pa na warningan na ako... "  tumungo ito.

Nabahala ako isang sagwan na lang at maabot na yong pinapangarap niyang posisyon,  pero kung magkaka record ay baka mawala sa kamay niya ang pagkakataon na yon.

Tinanong ko siya kung may ibang option.

" I-aasign ako sa Aklan... "

Oh no!!  Humirap yata!!  Wala akong mahagilap na isasagot sa kanya. Dahil sa totoo lang,  di ko din alam,  ayokong malayo sa kanya pero paano yong pangarap at career niya?

Kinabukasan ay gimising ako na punong-puno ang utak ko. Pinilit kong bumangon,  may training ako at huling-huli na naman ako. Alam ko nakikiramdam lang si coach pero wala akong naririnig mula sa kanya.

Dumeretso ako sa gym at ibinuhos ko lahat sa punching bag. Lahat ng mga alalahanin at pinabayaan lang ako ni coach. Tumigil lang ako ng wala na akong maramdaman sa kamay ko sa sobrang manhid kasusuntok.

Napalingon ako ng tawagin ako ni coach. May bisita daw ako,  imposibling si Case yon,  ang alam ko may lalakarin daw siya. Wala akong isinagot kay coach,  parang ayokong humarap sa ibang tao sa araw na yon. Ng di ako umimik ay umalis nalang si coach.

Pero napalingon ako ulit ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin at may tao sa likod ko.

" Bree... "

" Pwedi ba tayo mag-usap? "

Tumango ako...

" Okay lang ba kung maligo muna ako saglit? "

" No,  Cadz,  saglit lang to,  may pasok ako and I won't take long. "

Niyaya ko siyang umupo...

" Hmmm... No wonder!!  Yong huling kita natin eh noong nag-oojt kami nila Case sa Tacloban. " tumawa ito.

" At medyo chubby ka pa noon,  ngayon look at you,  kung dati head over heels na sayo si Case eh ano pa kaya ngayon "  huminga ito ng malalim at nagsalita ulit.

" Look Cady,  di na ako magpapaligoy-ligoy pa.  Well,  I'm happy to both of you,  alam kong masaya si Case,  pero si Case nasisira na yong pinaghirapan niya. Trabaho niya napapabayaan na niya. Cadz alam mo kung ano mayroong buhay si Case,  may pinapaaral pa siya,  saka yong pinaghirapan pinaghirapan niya ng matagal eh ganun ganun nalang mawawala.

Sayo nalang umiikot ang mundo niya. At ni isa sa amin ay ayaw papasukin,  nag-aalala ako,  baka kung saan kayo dalhin ng sobrang pagmamahal niyo. "  madiin ang mga salita ni Bree.

" Naintindihan kita,  at inaamin ko  din na di ko na namalayan,  dahil nabulag kami pareho sa pagmamahal namin sa isat-isa. " sagot ko kay Bree,  halos di ako makatingin sa kanya.

" Gusto ko mag-usap kayo. Para mabigyan niyo din ng time yong ibang bagay. " tumayo na ito at lumapit sa akin.

" I have to go,  mali-late na ako. Basta andito lang ako kung gusto niyo ng kausap,  okay? " at niyakap ako bago umalis.

Lumapit si coach!!  Umupo sa harap ko.

" Ito ang impact sayo ni Case,  naging invisible kami bigla. " tumawa ito.

" Cadz,  we're not against Case,  ang ganda niyo tingnan,  bagay na bagay kayo,  pero di lang siya ang nasisira pati din ikaw. Ang buhay ay di lang umiikot sa iisang tao,  dahil kapag nangyari yon,  di mo na maapreciate yong ibang magagandang bagay sa paligid mo. "

Tumulo na ang luha ko.

" Coach,  anong gagawin ko? "

" Kailangan niyong hanapin muna ang mga sarili niyo ng di magkasama,  kung kinakailangan putulin muna kung ano man mayroon kayo para mapa buti niyo ang mga sarili niyo.

Pareho niyong inilulubog ang mga sarili niyo sa isang kumunoy na kayo din ang may gawa.. "

Umiyak na ako,  bakit parang ang sakit yata ng maaring mangyari sa aming dalawa. Pero tama sila,  kailangan namin maghiwalay ng landas na bitbit ang mga pangarap. Landas na hindi kami pweding magsabay.

Hindi na muna ako nag training pero nasa gym lang ako. Ang haba ng panahon na nasa tagong lugar ng mga puso namin ang pagmamahal namin sa isat-isa,  pero noong ibinigay na namin sa bawat isa ay kailangan din palang bitawan at bawiin ito.

I texted Case...

Please come later after work,  we need to talk...

CASE & CADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon