Magaan na ang pakiramdam ko, pero alam kong pagmakita ko si Case, alam kong magbabago lahat, pero buo na ang desisyon ko.After naming makapag-usap, sabi ko kay coach na babalik na kami ng Manila, pero sana maging maayos ang pag-uusap namin ni Case.
Naputol ang pag-iisip ko ng may humalik sa pisngi ko. Napatingala ako at nakita ko si Case. Wala akong makitang emosyon sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at umupo sa tabi ko.
" Kumusta sa office? " umpisa ko.
Humarap ito sa akin at huminga muna ng malalim.
" I accepted the offer Cadz!! I wanna save the career na pinaghirapan ko, but Cadz, it doesn't mean, I'm breaking up with you... We can still communicate, I can visit you in Manila, it's just one plane ride..... "
Pinutol ko ang sasabihin pa niya. I put my finger on her lips. I traced those red thin lips....
" I'm glad you did!! But I think we have to go a separate ways Case, we need to find ourselves, nababaon na tayo pareho, at natatakot akong baka isang araw ay wala na pala tayong lilingonin, eventually, maghihiwalay di tayo. At ayoko umabot pa tayo dun. " pinisil ko ang kamay niya.
Tiningnan niya ako. Ever since naging kami, ni minsan ay di ko siyang nakitang umiyak. Sana yong story namin ay kagaya lang ng nababasa ko, para mabasa ko din ang POV niya sa oras na yon.Pinapatay ako ng pananahimik niya, gusto kong malaman ang nararamdaman niya sa oras na yon, ang saloobin niya, pero alam ko din na sosolohin lang niya kung ano man ang nasa puso niya.
Sa totoong buhay ang hirap manghula, lalo na kung pilit itong ikukubli ng isang tao. Hindi siya umimik, tahimik lang siyang nakatingin sa akin.
" Case... "
" I understand... " at nagbaba ng tingin.
Tumulo na ang luha ko.... Pero bago pa ako makapagsalita ulit, hinila na niya ang kamay niya at naglakad palabas ng gym.
Pero hinabol ko siya at naabutan ko ang braso niya. Pagharap niya ay isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ko. Pumutok ang labi ko at may konting dugo na lumabas.
Para naman siyang binuhusan ng malamig ng tubig ng makita niya ang dugo.
" Oh my God! Oh my God!! I'm sorry!! " kinabig niya ako niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak na ito.
Ng hikbi nalang ang naririnig ko. Dahan dahan akong humiwalay sa kanya. Pinunasan ko ng thumb ko ang mga luha sa pisngi niya.
" I'm sorry!! " kasabay ng pagtulo ulit ng mga luha ko.
Inilagay ko ulit ang dalawang kamay ko sa beywang niya at hinila ko siya papalapit sa akin.
Hinimas niya ang mukha ko, pababa sa may pumutok na labi. Hinalikan niya ito ng marahan hanggang sa umabot sa labi ko. Hindi ako makagalaw, parang gusto magbago ng isip ko, parang ayoko siya bitawan sa oras na yon.
" I'll be fine...!! " sabi niya.
Dahan dahan niyang inalis ang mga kamay ko sa beywang niya at tuluyan na ito umalis.
Pagkalabas ni Case ay pumasok agad si coach at niyakap ako ng mahigpit. He told me to fix myself at babalik na kami ng Manila. Hindi ko alam kung paano naayos ang mga gamit ko. Paano ba naman ako makakakilos kung pakiramdam ko ay masakit lahat sa akin. Lalo na yong bahaging nasa may dibdib ko.
The next thing I knew, nasa Manila na kami... Pagdating ko sa bahay ay dumeretso na ako sa kuwarto, gusto kong matulog, ayoko ng umiyak, pagod na pagod na pagod na ako. Pati utak ko, parang tumigil na din sa pag-ikot.
Nagising ako sa kalam ng sikmura ko. Hapon na pala, madaling araw kami dumating ng Maynila. Bumangon ako, pero sumagi bigla sa isip ko si Case. Paano ko ba sasanayin ang sarili ko na sa susunod na mga araw ay di na magiging bahagi si Case...
Life, life must go on.....
Akala ko straight talaga ako, akala ko normal lang naman magka crush sa kapwa babae, yong may mga bagay ka lang na hinahangaan sa kanya kasi dun siya magaling, dun siya the best....
Parang di ata sumagi sa isip ko na magkakaroon ng intimate moments sa kapwa babae, mangyari man yon, iisipin kong kapag ka ginawa namin yon eh, iimaginin ko na lalaki ako, or lalaki siya. Para carry ang moments na yon.
Pero nababago nga yata lahat kapag ka nagmahal ka ng isang tao, ng totoo. Parang nagiging automatic lahat, gumagaling ka sa isang bagay kahit na first time mo palang gagawin yon. Nagkakaroon ng sariling isip, gumagalaw ng kusa, sumasakto lahat kahit pa nakapikit ang mga mata mo.
TWO WEEKS AFTER NAGING KAMI
It was raining so hard ng dumating si Case, kasalukuyang umalis si Coach pa Manila. Pinilit kong magpapawis para makabawi sa mga kinakain namin. Nag boxing ako.
And I heard the " click " sounds at napalingon ako bigla. I smiled when I saw her, holding her camera. Tinago naman niya agad ito.
" Sus!! Wag na!! Kitang-kita ko na, pats na pats ka talaga!! "
" Anong pats na pats? " kumunot ang noo nito.
" Wala po!! " tumawa ako.
Lumapit ito sa akin at humalik sa pisngi ko.
" Dito ka matutulog? " kinindatan ko siya.
" Baliw!! " tumawa ito.
Tinapos ko na ang ensayo ko at nagshower na ako habang busy pa siya sa phone niya.
Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako ng hatakin niya ako bigla at inihiga sa kama.
" Be mine tonight... "
I will never forget her voice, ginising nito lahat ng maliliit na hibla ng katawan ko.
That night, may nangyari sa amin.
Pagkagising kinabukasan ay dumeretso na ako ng gym. Nauna na ako kay coach. Halos di ako magpahinga, pawis na pawis na rin ako. Nagulat na lang ako ng nasa harap ko na pala si coach.
" Kalma lang, wag mong bugbugin ang katawan mo... " saway ni coach sa akin.
" Kaya ka nakipaghiwalay dahil gusto mong matupad ang mga pangarap mo, hindi para saktan ang sarili mo. Di bato yan, ikaw din magsa suffer sa ginagawa mo. Alalahanin mo, andito pa kaming umaasa na maitatawid mo to. Andito pa si Titanay mo, si Hero, ako wag mong suluhin, magtulungan tayo.
Wag mong sayangin yong sinakripisyo mong saktan siya para masave at maayos mo to.
Ipakita mong worth it yong pananakit mo sa kanya, dahil baka manlang doon eh mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Pinili niyang lumayo at magparaya, pilitin mong lumaban, para sa susunod na magkikita kayo eh kapwa niyong natupad ang mga pangarap niyo kahit magkahiwalay kayo, kahit na di kayo magkasama. " the last time I checked, umiiyak na ako.
BINABASA MO ANG
CASE & CADY
Non-FictionI was inspired to write their story after watching THE RICH MAN'S DAUGHTER. Magkaiba man and kwento nila, pero parehong di nila sinasadya magmahal ng isang Tao, na mali sa paningin ng iba. Ang puso di natuturuan..... Walang pinipili..... Ititi...