Chapter Eight

408 19 2
                                    

Naputol ang kasiyahan ng magbabarkada sa pool ng biglang pumasok ng Lola nila Yuan at Roni.

"Roni hija" tawag niya sa apo. Tumayo naman si Roni mula sa pag kakaupo. Nakuha naman nila ang atensyon ng iba lalo na si Borj na kasalukuyang nakalublob sa tubig.

"Bakit po Mommy Luzy?"

"May gusto akong ipakilala sayo. Gabriel halika dito"

Lumapit ang lalaki ng nakangiti at humarap kay Roni. Pinakilala sila sa isa't isa ni Roni.

Habang si Borj naman ay lumapit malapit sa kanila para marinig ang usapan.

"Mag usap lang kayo ah, iiwanan ko muna kayo. Kausapin mo siya hija"

Bago makaalis ang matanda tumingjn ito kay Borj na parang nang aasar pa at tuluyang umalis. Ngitian lang siya ni Borj. Pero pag kaalis na pag kaalis nito saka lang siya umahon sa tubig at tumabi sa dalawa.

"Heeey! Bro zup!" Pumagitna siya sa dalawa.

"Uhmm, may gusto ba kayong inumin? Pwede ko kayong dalhan dito" alok ni Gabriel.

"Ah sige paki dalhan naman kami ng buko juice gusto ko yung fresh ah yung galing mismo sa puno tapos ikaw yung aakyat"

"Borj~" pananaway ni Roni sa pilyonh si Borj.

"Joke lang pare he-he-he. Ah! Ganito nalang. Sumama ka nalang samin mga boys dapat kami yung kasama mo hindi yung girls mas masaya" inakbayan pa niya ito.

"Salamat ah, uhmm siguro mamaya na ko makikijoin sainyo kasi tutulungan ko sila Tita--"

"Sinong Tita?" Mabilis na tanong ni Borj sa lalaki

"Yung Mom ni Roni"

"Bakit Tita tawag mo?"

"Yun kasi sabi ni Tita Marite, sige ha tulungan ko muna sila mag prepare. Uhmm Roni mamaya nalang"

"Ah okay lang, sige" pagpapaalam niya sa lalaki.

Nagpalit palit naman ang tingin ni Borj sa dalawa. Nakataas na ang isang kilay niya ng tumingin siya kay Roni.

"Ang bait niya nuh? Isipin mo imbis na sumama satin mag relax mas pinili niyang tumulong kina Mommy"

"Tsss! Nagpapasikat lang yun. Di talaga yun ganun, masyadong pakitang tao"

"Hmm. Tingin ko naman mukhang ganoon talaga siya"

"So? Kinikilig ka? Gusto mo na siya?"

Kumunot naman ang noo ni Roni sa sinabi ni Borj.

"May sinabi ba ko? Tsss! Dyan ka na nga" iniwan niya na si Borj.

Sa inis ni Borj ay umalis na rin siya sa pool at dumeretso sa kitchen kung saan nandun ang magulang ni Roni.

Bumalik naman si Roni sa tabi ni Jelai.

"Oh, anong nangyari? Bakit may pag walk out na naganap sa inyo dun? At sino yung lalaki na pinakilala sayo?"

"Ah, si Gabriel. Anak ni Manang Puring"

"Ay talaga? Infairness cute siya, bagay kayo"

Hindi naman sumagot si Roni.

"Oh? Eh ano naman yang mukha mo? Bakit nag away kayo ni Borj? Hmm. Nag selos nanaman nuh?"

"Nakakainis kasi siya, lahat nalang kasi"

"Well, ganun talaga kapag mahal ka gagawin ang lahat wag ka lang mapunta sa iba"

Napatingin si Roni sa kaibigan.

Bring it all back [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon