Chapter Four

498 24 2
                                    

[Author's POV]

Hinila ni Jelai ang kaibigan papuntang CR.

"Sis, umamin ka nga sakin. Kilala mo ba yung lalaking yun?"

"Hindi"

"Eh bakit ganun nalang siya kung makatitig sayo?"

"Hindi ko alam, saka bakit parang natataranta ka diyan?"

"Sis, kung nakita mo lang kung ano naging reaksyon ni Borj nung makita kayong dalawa na magkalapit"

"Eh sis, hindi ko naman kasalanan yun eh. And besides wala naman akong pakielam dun. Binigay ko lang yung certificate at bigla nalang siya tinulak  papunta sakin"

"Hmmm I smell something fishy, obvious na type ka nung cute guy na yun"

"Huh? Ako?"

"Oo ikaw sis, napakaganda mo kasi e. Putulin ko kaya tong buhok mo? masyado ng mahaba e" pag bibiro nito sa kaibigan.

"Tsk! Jelai, tigilan mo ko ah. Anyway, nasan sila kuya?"

"Ayun sinamahan si Borj. Pinalamig ang ulo"

"Hay nako, samahan mo nga ako puntahan natin sila"

Hinatak niya ang kaibigan palabas ng banyo. Hanggang makabangga nila muli ang grupo nila Ivan.

"Woah!" sambit ni Ivan ng makita kung sino ang nakabangga niya.

"I-I'm s-sorry" nauutal na sabi ni Roni.

"Uhmm, pasensya ka na pala kanina sa  kaibigan ko ah" nahihiyang sabi niya sa dalaga.

"Teka teka teka, eherm! Excuse me lang ah, pasingit lang ako. Anong pangalan mo nga pala Mr. Pogi?" Sabi ni Jelai at pinagitnaan ang dalawa.

"Ivan"

"Nice name, anyway, pero may I ask you something?"

"Sure"

"Do you like my bestfriend?" Diretsahan na tanong ni Jelai sa lalaki.

Parang nasamid naman si Ivan sa tanong ni Jelai sa kaniya.

"Jelai!" Pinandilatan naman ni Roni ang bestfriend. "Uhmm, sorry ah. Sige alis na kami" nagmamadali na naglakad paalis si Roni kasama si Jelai.

"Yes! I do like her!" Pahabol na sigaw niya kay Jelai. Lumingon naman si Jelai pero inagapan na ni Roni ang pag responde nito sa lalaki at pumunta na sila kung nasaan ang barkada.

Nasa isang classroom sila. Tahimik lang si Borj sa sulok habang naka ekis ang mga braso.

Nakaupo naman sa lamesa si JunJun bitbit ang gitara, si Yuan naman ay pabalik balik sa pag lalakad habang iniisip ang pagkatalo nila. Natigil lang sila sa ginagawa ng dumating sina Roni at Jelai.

"Hi guys!" Masayang bungad ni Jelai.

"Guys, congrats nga pala" bati ni Roni sa kanila.

Di naman agad nila pinansin ang dalawang babae.

"Oh bakit ang lungkot niyo? Dapat diba nag ce-celebrate tayo?" saad ni Jelai.

"Paano kami mag ce-celebrate? Eh talo nga kami" sabi ni Yuan.

"Hay sayang talaga chance na sana natin sumikat e" pang hihinayang ni JunJun.

Dahil napansin ni Roni na walang imik si Borj, nilapitan niya ito.

"Borj okay ka lang?" ngunit di man lang siya nito kinibo.

"Naku Roni, mainit ulo niyan! paano nag seselos!" Pang aasar ni JunJun. Binato naman siya ni Borj ng hawak na ballpen.

Bring it all back [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon