Violet&Juls

974 37 0
                                    

A/N: This is an extra chapter kung papaano ang naging usapan nila Juls at Violet sa reunion tungkol sa gamot.

✴✴✴✴✴✴✴

"Hey, can I sit?" Pangangambala ni Juls kay Violet.

"Nasa bahay nyo ko, bakit nagpapaalam ka pa d'yan?" Tugon naman ni Violet na ikinatawa ng kaibigan.

"Ang seryoso mo kasi, baka ayaw mo ng istorbo dito sa garden ko di ba? Look Serena, alam kong ayaw mo ng mga ganitong party so... thank you dahil nagpapilit ka." Si Juls with matching kindat pa.


"Psh. Silly.. Come, tabihan mo muna ko. Konti palang naman tao sa loob, samahan mo muna ko rito."





"Pwede umusog ka?" Napailing-iling si Violet sa nasabing ito ni Juls.



"Sorry naman ha?" Hindi nakaligtas ang matalim na pag-irap ni Violet kay Juls na syang ikinatawa nyang muli ng malakas.



"Bitch." Dagdag pa ni Violet.

Marahang umupo si Juls sa tabi ng kaibigan at agad na hinawakan ang kanang kamay nito.


Kapansin-pansin ang pagkabigla sa mukha ni Violet lalo na nang ang kaibigan ay ngumiti pa ng pagkatamis-tamis.




"Hindi pumasok sa isip kong patulan ka Juls. Don't me.." Pagtataray ni Violet.




"Bibigay ko lang 'to 'wag kang feeling d'yan." Bumitaw din agad si Juls matapos ngang maiabot ang isang piraso ng gamot.

Muling tumayo si Juls at huminga pa muna kasabay ng mahinang hangin.

"Para san naman 'to ngayon? Seryoso ka talaga sa mga pinagagawa ni papa ha? Dapat talaga ikaw nalang naging anak." Pagbibiro ni Violet habang sinisipat ang gamot na ibinigay ni Juls.



"Alam nating dalawa na kaya mo rin ang field na 'to kung gugustuhin mo. I'm sure ganoon din ang nasa isip ni Aliyah noon." Ngingiti-ngiting sabi ni Juls.




Tumayo na rin sa pagkakaupo si Violet at nilapitan si Juls.

"I have this weird feeling Juls." Tumingin pa muna si Violet sa kaibigan bago muling nagsalita.

"Hahanga na talaga ko sa'yo pag tumama 'tong hula ko tungkol sa gamot na 'to."


Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Juls sa nasabi ni Violet. Ni minsan hindi pa nahulaan ni Violet ang lahat ng mga pinaiinom sa kanya. Daig pa nga ni Juls ang doktor. Kahit hindi nya tanungin ang health problem ni Violet napagagaling nya.


"This thing... Gayuma 'to right?" Violet is shaking. Ganon nalang kakilabot ang itsura nya sa pagsipat ng gamot.



Napahawak naman sa sentido si Juls habang iiling-iling.
"Do you think I'm a witch? Gusto mo orasyonan kita d'yan ng maalog utak mo?"




"Baliw tss." Dagdag pa ni Juls.




Lumawak naman ang naging pagngiti ni Violet sa nasabi ni Juls. Pakunwa'y seryoso sya naging hula nyang gayuma.


@26 (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon