Juls&Aliyah

936 42 0
                                    

A/N: Magiging mahirap para sakin mag update nito. Ilang POV's ang mafefeature, all are important. So sana sa lahat ng magtatangkang magbasa, simula nyo po and don't dare to skip chapter/s. Possible pong malito kayo. :) I'll do my best para matapos 'to kahit wala akong tulog sa trabaho. Again, kung may makikita kayong wrong grammar/s ipagpaumanhin dahil high school grad. lang ang author nyo haha. Thank you :)

✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Aliyah


Ilang mahihinang katok dito sa binatana ng taxing sinasakyan ko ang nanggulat sakin.

Finally, dumating na rin si Juls.




Kaya ito, ang ganda ng pagsimangot ko habang pababa ng taxi. Napakatagal kasi ng kumag na 'to. 1hr. mahigit na kong nagpapa-aircon sa loob.





"Sorry Ali, kanina ka pa ba?" Pagpapaumanhin nya habang kamot kamot ang makakapal na kilay.






Ipinakita ko sa kanya ang oras sa phone ko nang matauhan naman.
"What time is it?"





Nanliliit pa ang mga mata nyang tinitingnan ang oras. Kailan pa naging malabo mata nito?








"Ahhhh——12.....12:52! Oh yes! Mag-1 na pala. Anong oras ka pa ba nandidito?"






Lalong kumulubot ang noo ko sa nasabi nya. Nang-aasar yata 'to.








"You told me, 11pm tayo magkita rito nakalimutan mo na?!!"
Bumabaliko-baliko ang labi ko sa pagkainis. Bakit ba ko pumayag na makipagkita rito?????








Napatakip sya ng bibig nya pero kitang-kita ang pag ngiti ng dalawang naniningkit na mata nya. Nanadya talaga 'to. Hindi na nagbago!





"I'm so so—*burp*"






Nilapitan ko sya para may kumpirmahin. And yes! Sabi ko na nga ba, nakainom ang babaeng 'to.







"You are drunk? Bwisit ka Juls."

Mabilis kong nabalikan ang pinto ng taxi para sana umalis na, nang banggitin nya ang pangalang hindi ko kailanman makalimutan.




"Nakita mo ba si Violet? Mukhang umuwi na nga yata. May ibibilin pa sana ako." Iiling-iling pang pagkakasabi nya habang nangingiwi sa pagpipigil ng tawa.






"Ano ba Juls?! Nakipagkita ka lang ba talaga para mang-asar? Hindi ko sya nakita at kung oo, kung nagkita man kami, wala na sana ako ngayon dito. You really fucked up."





Napasandal ako sa taxi at biglang nanghina. Ilang taon na pero ganon pa rin ako sa kanya. Obviously, mahal ko pa nga..

@26 (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon