Nakaraan IV

726 28 1
                                    

"I am not."

Aliyah

"Pinakabilin-bilin ko sa'yo 'yong pasahod! Ano na namang ginawa mo?!"



Marahan kong sinusuklay ang mahaba at kumikinang kong buhok habang naririnig ang bulyawan nina mama at tito.




"Sawang-sawa na ko sa'yo Robert! Palagi mo nalang nawawala ang bawat pera na pinagkakatiwala ko sa'yo! Una! Pambayad ng mga bills sa clinic. Pangalawa! Pera para sa idedeliver na gamot! Ngayon! Pati pasahod ng mga nurse ko?!"



Ibang-iba na ang tono ni mama. Bakit kasi hindi nya pa hiwalayan?!


"Naririnidi na ko sa'yo babae ka! Ang aga-aga 'yan ang ipapaalmusal mo??!"

Napapabuntong hininga nalang ako sa mga nagiging sagutan nila. Kulang nalang mag fliptop sila araw-araw.


Habang pababa ng hagdan ay abala rin ako sa paghahanap ng earphone ko. Masisira lang lalo araw ko pag kinausap ko pa sila.





Gaya ng inaasahan, sobrang maalaga talaga si mama. Wala kang masasabi sa pag-aasikaso nya. Nakakalungkot lang na, hitik sa pagkain ang mesa pero wala ni isa ang nakaupo para tumikim ng mga nandidito.

"Why am I still here? Tss." Mahinang sabi ko habang kumukuha ng ilang pirasong toast bread.




"Iyan na naman ang almusal mo Aliyah?" Mahinahong boses ni mama. Sa inis ko siguro'y hindi ko na namalayan ang paglapit nya.


Tinanggal ko ang isang kapares ng earphone ko at tipid na ngumiti kay mama.


"Just enough for my breakfast ma. Where's tito? Tapos na po kayong mag-away?" Ngingising sabi ko while sipping my coffee.


Kinuha nya ang toast bread na hawak ko at pinalitan ito ng kung anong sandwich na nasa loob ng tupperware.



"I'm sorry Ali, pati ikaw nagsasuffer sa pagsasama namin ng tito Robert mo."


Ito talaga ang palagi kong hindi maintindihan kay mama. Lumalala si tito Robert lalo pag nakakahawak sya ng pera pero mahal nya pa rin, natitiis nya pa rin. Stupid love.

Niyakap ko si mama to lessen her stress. Gustuhin ko mang hiwalayan nya si tito, I know, she can't do that. Okay naman din ang treatment na ipinapakita ni tito sa akin, sa pera lang talaga sya may problema.





Tito Robert is not my biological father, obviously. My father died in an accident. Funny part is, itong si tito ang kumontak sa amin noong nangyari 'yon. He's total stranger. Malalim na masyado ang gabi nang mangyari 'yon, and yes, nasaktuhan ni tito ang kotse ni papa na nakahinto at nakabangga sa mga naglalakihang bato sa kalsada. I think sa Pampanga 'yon. He's an engineer, may project daw sila na kailangang irush. Napaka-workaholic kasi.

"What's wrong?" Tanong ni mama sa pagkatulala ko.










"Namiss ko lang sya ma."

@26 (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon