Chapter 3 - Asking for HELP

1.5K 10 0
                                    

E l a' s POV

Grabe naman sila mommy, hanggang ngayon wala pa din. Gabi na sila lagi umuuwi. Kung di si mommy ang nag aantay kay daddy, ang daddy naman ang nagaantay kay mommy. Gets nyo ba? Haha. Gulo. :P Nag aantayan kasi sila, tapos sabay silang umuuwi. Ganon. Gusto ko sana silang antayin ngayon, 3 days ko na kasi silang hindi nakikita. Ang aga din kasi nila umalis sa umaga. Sabi naman ni manang, pinupuntahan daw nila ako sa room pag dumadating sila, kaso tulog na ko. Di ko sila maabutan. Kaya ngayon, aantayin ko sana sila. Hinatid ko muna si Jepai sa kanila.

"Oi bff. Lutang ka na naman dan. Ano bang problema natin? Mahal mo na si Kirvee? Ang bilis naman ata? Haha."

"Grabe bff, di ako ganun no. PBB Teens? Haha. Wala. Okay lang ako. Antok lang siguro. Sige na, pumasok kna. Baka hinahanap kna din ni tita e. Goodnight!"

"Di yan. Wala pa si mom sa bahay, wala pa yung kotse oh. Sigurado ka bang okay ka? I mean, you can tell me if you want to."

"Wala to. Sila mom at dad kasi, 3 days ko nang di naaabutan, di nakikita. Nasa isang bahay lang kami ha." :(

"Sus. Di ka pa ba sanay? Buti ka pa nga 3 days lang, e ako? Haha. Si daddy nga di na ata ako naalala e. Tagal na nyang wala."

"Hayyy. Buhay nga naman natin bff. Parang life."

"Ano daw?! Haha. Osige na. Gabi na din, baka mapano ka pa sa daan. Uwi ka na. O gusto mong hatid kita?"

"HAHAHA. BALIW. Ano? Hatiran lang? Haha. Sige na, pumasok kna sa loob, I can manage. Goodnight bff, see you!"

"Goodnight bff."

Ayun na nga. Matapos ang aming dramahan, umuwi na ko. Habang naglalakad, di naman talaga ako matatakutin, tsaka alam ko namang safe sa lugar namin pero bakit parang may sumusunod sakin? Tumingin tingin ako sa paligid. Wala naman, baka pakiramdam ko lang yun. Hai. Bibilisan ko na nga lang ang lakad.

"HULI KA BALBON!"

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Parang awa nyo na po. Ibibigay ko ang lahat wag nyo lang akong gagalawin? Magkano po ba ang kailangan nyo? Wag lang po ang katawan ko!"

"HAHAHAHAHAHA. Hoy! Feelingera to. Akala mo naman gusto ko yang katawan mo. Sus. Mahiya ka nga!"

Teka, parang kilala ko ang boses na yun a. Tiningnan ko sya. Shet. Sabi na nga ba! Si Ian. Ang walanghiyang lalaking to. Anong ginagawa nito dito? Kahit kailan panira talaga to. Kahit kailan ang yabang!

"Hoy, ano bang ginagawa mo sa subdivision namin? Dun ka nga! Alis dito. Di nababagay sa lugar na to ang mga taong walang kasing yabang mo!"

"Pinapaalis mo ako?! Subdivision ninyo? E pano kung ikaw ang paalisin ko dito? Di mo ata alam na kami ang may ari ng buong subd. na to!"

"WHAAAAAAAAAAAAT?!" F*ck. Sila?! Ano daw? Shet. Ano ba naman yan. Pahiya pa ako. -________-

"Oo. Kung maka salita ka dan. Wag kang magyayabang sakin, dahil di pa ipinapanganak ang taong tatalo sa akin!"

*Slap*

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO! YAN PARA SA KAYABANGAN AT KAHANGINAN MO!"

*Slap*

"YAN PARA SA DI MO PAGSORRY SAKIN KANINA NUNG NADALI MO AKO!"

Nung third na sampal ko na dapat, napigilan nya ako.

"ANO BANG PROBLEMA MO?! BAT BA ANG LAKI NG GALIT MO SAKIN?! Teka, yung pangtatlo dapat na sampal para san yun? Sa panggugulat ko sayo? ANG BABAW MO!!"

"HINDI! PARA YUN SA MGA TAONG NAAGRABYADO MO! UMALIS KA NGA SA DADAANAN KO!"

Napatigil sya. Aba! At ang Ian na mayabang na nakilala ko, natameme na dun, wala na syang nasabi oh. Ayun, dire direcho na akong naglakad hanggang makarating sa bahay. Haiiiiist. Naiiyak ako sa sobrang inis! Haaaaay. Wala pa din sila mommy. ;(( Pumasok ako sa kwarto at di ko namalayang umiiyak na pala ako. Sa buong buhay ko, sya ang unang lalaking nagpaiyak sakin. Hai. Di ako weak! Di ako basta basta umiiyak e. Kahit nga sobrang drama na movie di ako naiiyak, pero sya! Sobrang nakakainis sya talaga!

My first romance. My first heartbreak.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon