Chapter 8 - Heartache ni Badboy

1.3K 11 1
                                    

I a n' s POV

FLASHBACK ****

Waaaa! Napasobra ata ang inom ko kagabi, buti nalang at Saturday ngayon. Si Kirvee na ang naghatid kay Gab sungit at sa bestfriend nyang nakainom kagabi.

Haaaaaay Monica! Ikaw pa din ang laman ng isip ko. Nakipag away na naman kasi sya sakin.. Akala ko okay na kami matapos ko maexplain sakanya yung nangyari samin ni Gabriela nung nakulong yung sungit na yun pero hindi pa din pala. Tss. Bungangera pa naman yun.

Pagtingin ko sa phone ko, 43 msgs. at 13 missed calls. Wow ha! Ang dami. Sikat? ^___^ Pag open ko nung missed calls lahat galing kay Monica. Haha! I told you, di din ako matitiis nun e. Yung text naman ang tiningnan ko, una kay Kirvee.

From: Bro_Kirvee

Bro, musta ka? Sorry di na kita nasamahan uminom kagabi. Sila Ela kasi e. Umm.. Okay na ba kayo ni Moniks?

Oo. Kaya kami magkikita ni Kirvee kahapon sa may park para mag inom at pag usapan ang problema namin ni Monica. Of all people, si Kirvee ang pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Yan lagi ang nasa tabi ko e. Mahal ko yan syempre bilang kapatid, at ganun din sya sakin alam ko.

Mahal ko si Monica at alam na alam nya yun. Kaya pag may problema kami, sya lang ang lagi kong pinagsasabihan nun. Tong si Monica naman kasi, napapadalas na namn ang away namin at alam nya naman na ayaw na ayaw ko ng ganun. Sino bang may gusto??? Madalas yan, magbbreak kami, months din ang lilipas, pinakamatagal na 5 months tapos pag kinausap ko sya at sinuyo, magkakabalikan kami.

Tiningnan ko naman yung ibang message sa inbox ko, 15 unknown numbers, 20 sa tropa, puro gm nag aaya magbasketball, at kay Monica 7, syempre yun ang inopen ko.

From: Monica_babe

Ian, I'm sorry I have to do this. But this relationship won't work anymore. I'm sorry. Goodbye.

From: Monica_babe

I did send you some pictures. I told you not to be with that Gabriela anymore, but still you did. I hate you!

From: Monica_babe

<Picture 1>

Tong 1st picture, nandun ako sa park habang kausap si Gab. Sobrang naka smile ako. Pero diba dapat pakinggan muna ni Monica explanations ko? Kaya lang naman ako masaya dito kasi nahuli ko si Gab na nagtatago sa puno habang nakatingin kay Kirvee, at nagulat talaga sya. .____.

From: Monica_babe

<Picture 2>

Eto naman palabas kami ng subdivision. Ka line ko si Gab dito tapos nasa likod namin si Jepai at si Kirvee. Si Jepai kasi tinukso ako kay Gab kaya pinilit nyang maging magkalinya kami, pero afterwards kay Kirvee naman nya tinukso si Gab. Nako. >.<

From: Monica_babe

<Picture 3>

Eto na yung last picture, kumakain kami sa resto, kami ang magkatapat ni Gab tapos katabi nya si Jepai. Inaasar ko sya dito kaya sobrang smile na naman ako. Tsk.

From: Monica_babe

Babe, what’s happening to us? Sabi ko wag ka nang makikipagkita sa Gabriela na yan. :(

My first romance. My first heartbreak.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon