Chapter 16 - Birthday Celebration (Outing)

1.1K 8 4
                                    

So 1 week na ang lumipas. Haha! Okay na yun. Medyo pabilisin natin ang takbo ng storya nito. Para tapos agad! Haha. Joke. Pero basta 1 week na ang lumipas at ngayon na nga yung outing na yun! Haha. Enjoy!

----Yaelash! :)

E l a' s POV

*Kriiiiiiig* *Kriiiiiiig* (Alarm)

Saturday morning, ngayon yung birthday slash outing na sinasabi ni Ian, pinayagan naman ako agad nina mommy kasi pinagpaalam naman ako ni Ian. Actually, dito sya nagdinner kagabi, sya ang nagdala ng foods na pinagsaluhan namin nung dinner. Saraaaap nga eh! Sobra! Haha. Pumayag din sila agad nung nalaman nilang kasama din naman si Kirvee, tiwala kasi talaga sila dun e, mas tiwala sila kay Kirvee kaysa kay Ian, sabagay, si Ian may pagka gangster at badboy ang itsura e, si Kirvee naman mala angelic face ang mukha. Oha! :)

Haaaay! Inlove na ata talaga ang lola nyo! Ang bait bait kasi pala talaga ni Ian. Yun nga lang, maangas, mayabang at minsan di talaga gentleman. -_____-" Pero nakakatuwa kasi naman nakakasundo nya na ang pamilya ko. Tapos dati laging cutting classes din yan noon, ngayon hindi na, dati lagi yang late, ngayon 5 minutes before time nasa classroom na yan. Nakakatuwa di ba? Sa pagmamahal naman, hindi mo kailangang baguhin ang isang tao, mamahalin mo sya kahit ano pa sya di ba? Pero if he's changing for the better, mas okay naman din siguro yun e? Haha. Yun lang, di ko alam kung kamusta grades nya. Hehe! Sige, pag napasama sya sa top 5 sa klase nila, sasagutin ko na sya. HAHAHA! Well, imposible yun, 2nd to the last lang naman sya sa ranking nila out of 40 students sa classroom nila. C'mon! Haha!

Saktong may kumatok naman sa pinto..

Manang lolay: "Gabriela, gising ka na ba? Baka dumating na si Ian."

Ela: "Ay opo manang lolay, gising na po. Mag aayos na po."

Naligo na ko at nagbihis, nagsuot lang ako ng shorts na black at plain white shirt na di ganun ka fit pero lutang yung kasexy-han ko, Haha! Kasi naman beach resort naman yung pupuntahan namin di ba? Inayos ko na din ang mga dadalhin ko, overnight kasi kami dun. Medyo excited ako kasi first time kong makakasama yung tropa nya. Lalo na andun din si Kirvee kaya kampante talaga ako, panatag ang loob ko. Haha. Yun lang si Jepai di makakasama, aalis na kasi nextweek ang dad nya, kaya time for her family pa din ang pinili nya.

Nung tapos na ko mag ayos, may kumatok na naman sa pinto ko, grabe naman si Manang, mas excited pa ata sya kaysa sakin eh. Haha!

Ela: "Manang, oks na po ako. Palabas na po."

Pero di sya sumagot sa akin. Pagbukas ko ng pinto... O.O

"Hi baby girl, ang ganda mo. Hehe! Ready ka na?"

Nag smile sya sakin at kinuha ang backpack na dala dala ko. Di ako nakapagsalita agad kasi naman ang gwapo at ang hot nya. Haha! Nakasuot sya ng white shorts na knee length tapos white sando plus polo na blue, medyo light lang yung pagka blue tapos nakabukas yung butones nung polo nya, tapos naka rubber shoes sya na may touch of blue din. Hot nya promise! ;) Nakakapaglaway-- HUH?! Anong iniisip ko?? -.- Pero totoo naman, ang hot nya eee. :3

Ian: "BABY GIRL??"

Ela: "Aaaa! Oh, anu ba yun??"

Ian: "Bat ba kasi nakatulala ka dan?"

Ela: "Ha? Nakatulala? Asa ka naman. Feeling mo tinitingnan kita? Pinagnanasahan kita? Asa ka!"

Ian: "Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong sinabi na-- Ohh, Gab a, ikaw ha. Pinagnanasahan mo ba ko? HAHAHA."

OMG. Bat mo kasi sinabi yun ela??! 

Ian: "Oh, namumula ka na! Haha. Ang cute mo!"

My first romance. My first heartbreak.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon