Chapter 20 - Inuman

942 15 14
                                    

I a n' s POV

Nakarating naman kami ng maayos sa subdivision, nakauwi na din kami sa sari sarili naming mga bahay. I wonder what happened to Gab and Kirvee? Hay. Di ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon. Dumiretso agad ako sa kwarto, gusto ko syang itext/tawagan pero baka mareject lang ako. Nakakapagod din kasing ipakita kay Gab kung gano ko sya kamahal kung in return di nya maparamdam sakin yun. May times na ang sweet sweet nya, minsan naman ang cold nya, para tuloy ang nangyayari, pinaglalaruan nya ang feelings ko. Pero, erase erase! Alam ko namang di ganung tao si Gab.

*knock knock*

Ian: "Pagod ako. Magpapahinga ako. Ayokong paistorbo."

Maid: "Ay sir, may bisita po kasi kayo."

Ian: "Bukas nalang kamo bumalik."

Maid: "Sir, tropa nyo po yung nandito eh."

Ian: "AISH!"

Binuksan ko ang pinto para sigawan ang makulit naming maid. Pero pagkabukas ko, nakita ko naman si Alfer na nasa living room at naghihintay sakin. May dala syang bote ng alak. Anong problema nya?

Alfer: "Pre, tara, inom?"

Tumango nalang ako at pinaayos ko sa maid ang terrace malapit sa may pool area. 

Ian: "Anong problema pre? Tara. Dun tayo sa may labas. Sa terrace, pinalinis ko na sa maid."

Alfer: "Wala naman pre. Gusto ko lang mag chill."

Ian: "Ah. Osige."

Nang makarating na kami sa terrace, naupo kami at binigyan nya ako agad ng isang shot. 

Alfer: "Pare, maganda si Jepai, di ba?"

Ian: "Sino? Yung bestfriend ni Gab? Oo. Okay lang."

Alfer: "Plano ko kasing ligawan."

Ian: "Talaga? Congrats pre! After such a long time manliligaw ka na ulit. Haha! Pero sigurado ka ba? Si Jepai na bestfriend ni Gab? Mahirap ligawan ang mga yan."

Alfer: "Pano mo naman nasabi? Eh tingin ko naman mukhang masaya ka kay Ela."

Ian: "Oo naman pre. Di naman maipagkakaila yun. Pero basta mahirap pre. Pero pag napasagot natin sila, nako, jackpot na!! Hahaha!"

Alfer: "Haha. Pare, may gusto sana akong itanong sayo."

Ian: "Teka, bago yan, shot muna!"

Ininom nya ang tinagay kong alak sakanya. Medyo hard talaga yung iniinom namin, ang bilis makatama. 

Alfer: "Oh yung tanong ko na."

Ian: "Oh ano ba yun?"

Alfer: "Anong nangyari kanina? Bakit biglang si Monica ang kinampihan mo? Kilala kita Ian, pag may mahal kang tao, sya lang talaga, gagawin mo ang lahat maipagtanggol lang sya, at si Ela dapat yun di ba?"

Ian: "Ah yun ba? Eh nakita mo naman na sinampal ni Gabriela si Monica di ba?"

Alfer: "Pare, wag mo na akong lokohin, pag may mahal kang tao, mapa mali o tama sya, ipagtatanggol mo sya. Kilalang kilala na kita. Aminin mo nga sakin, mahal mo ba talaga si Ela?"

Ian: "Pare, sa nakikita mo, mahal ko nga ba si Gab?"

Alfer: "Nung una oo, ramdam kong mahal mo sya, pero nung nangyari yung mga bagay bagay nung outing, parang di na ako kampante na mahal mo nga sya talaga."

Bago pa ako nakasagot ay tinagayan na naman nya ako, medyo nahihilo na ako. Talagang matapang ang alak na pinagsasaluhan namin.

Ian: "Pare, wag na lang nating pag usapan yan."

My first romance. My first heartbreak.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon