Hindi ko na talaga alam when's the next update. I work 12-14 hrs a day 6x a week so forgive me. 😂
Do not repost any of my edited media. Thank you!
UNEDITED
———Dreaming of You [2]
It's been a week.
A week.
Hindi pa rin niya alam whether to text her or what. Don't get him wrong, he'd been liking her Instagram posts but he knew that it's different from actually talking to her after they met.
"What the fuck is wrong with you?" Tanong niya sa sarili niya habang tinitignan ang empty screen ng text message niya kay Julie.
"Why can't you just say hi?" Dugtong niya sa sarili, naiiling sa dismaya.
Hindi niya alam kung bakit nahihiya siya lalo na't alam niyang they hit it off the night they were personally introduced.
He doesn't want to be aggressive dahil ayaw naman niyang magbigay ng maling motibo sa dalaga at ayaw naman niya itong mailang.
Just like what he said, if after that night they'd be just friends, it's alright with him. If what he feel's just a mere interest then at least they've become friends. For now, all he know is that he really wanted to get to know her more.
Kasalukuyan siyang nasa set ng show niya at nag-aantay for his scene kaya naman napapaisip siya kung ano ang gagawin.
—
Sa kabilang banda naman, Julie's busy with their rehearsals nang tumabi sa kanya si Gabbi. Gabbi was giving her this smug look kaya natawa siya.
"What?" Natatawang tanong niya dito.
"Sus! Don't what me! Ano nangyari?" Her friend asked expectantly.
"Saan?" Kunot noo niyang tanong. Gabbi swatted her arms.
"Sa inyo ni Marco!"
"Ah!" React niya, laughing. "Wala naman nagkwentuhan lang kami." Dagdag niya. Gabbi frowned.
"Iyon lang? Hindi man lang kinuha number mo?"
"We exchanged numbers, yeah." Julie answered cooly. Wala naman din kasi siyang ineexpect galing sa binata.
"Iyon lang? Hindi ka tinext or tinawagan?" Gabbi looked at her phone and said, "it's been a week!"
"Hala! Ano bang meron? Ayos lang ano," natatawang sagot niya dahil agit ang kaibigan.
"Hay nako talaga hindi ka man lang tinext!" Umiiling na sabi ni Gabbi, busy sa pagtatype sa phone niya.
"Teka lang. Usap tayo later. Kausapin ko lang si Khali," Paalam ni Gabbi. Tumango lang siya at hinayaang umalis muna ang kaibigan para makausap ang boyfriend nito
Hindi pa niya oras para magrehearse kaya she's currently lounging sa isa sa mga upuan sa studio, watching her co-workers practice their thing.
Natatawa siya dahil nagkukulitan ang mga kasama niyang bagets doon.
Parang kami lang dati, isip-isip niya at nangingiti.