I'm so sorry ngayon lang ako nakapag-update. My schedule for the past few weeks were brutal since may sinalihan akong event and I was juggling work and training every day. Ramadan din kaya struggle with the shifting schedules. Anyway, yeah, hindi ko talaga naisingit magsulat kasi I'm so tired already na tulog agad ako pag-uwi.
Hope you'll like this chapter! Thank you x
- -
Masama ang tingin ni Marco sa mga kaibigan niyang tawa na naman nang tawa habang magkakasama sila.
Paano, siya na naman ang source of entertainment ng mga ito.
"Daldal mo eh no?" pikon na sabi niya kay Patrick, na tinawanan lang siya.
"Why? Ang cute naman ah!" React naman ni Aeriel, na lalong ikinakunot ng noo niya.
Puro mapang-asar na tingin ng mga kaibigan niya ang nakukuha niya kaya naman hindi niya mapigilang mapikon sa mga 'to.
"Oo nga, bro. Talagang binilan mo buong staff ng milktea! Ibang klase!" Sabi naman ni Josef, aliw na aliw sa napipikong kaibigan.
"May kasalanan nga kasi ako sa kanya kaya I did that! Wag niyong masyadong kulayan," sagot niya dito. Bumaling siya kay Patrick at sinuntok ito sa balikat. "Kung ano-ano sinasabi mo! Stop feeding them lies!" Singhal niya sa best friend, na ikinatawa ng lahat.
"Cute mo, bro," nakangising sabi ni Patrick.
He scoffed and grabbed his beer at hindi na lang pinansin ang pang-aasar ng mga kaibigan.
So much for having a peaceful night out with friends.
-
The next day, Marco finally had some free time to visit his mom. 3 days siyang walang nakaschedule na commitment since halos dirediretso siyang nagtrabaho noong mga nakaraang araw at binigyan din siya ng oras bago umalis papuntang Portugal.
Well, akala niya rest day niya and makakapaglaro lang siya ng DOTA sa bahay.
When he arrived at his parents house, wala roon ang mama niya at mga kapatid niya ang bumungad sa kanya.
"Bunso!" Sigaw ng panganay nila at niyakap siya. Nasa Pilipinas pala ito, hindi niya alam.
"What are you doing here?" Tanong niya nang lumapit ito sa kanya at bumeso.
"Am I not allowed to go home? Bahay ko rin kaya 'to," pilosopong sagot sa kanya nito. He just rolled his eyes.
"Ikaw lang nandito? Where's mom?" Tanong niya. It was his ate's turn to roll her eyes at him.
"Napapala ng hindi umuuwi! She went to Baguio for a business trip. She messaged us kaya sa group chat." Sagot sa kanya nito, tumango-tango lang siya.
"Naamoy ko si Marco!" Biglang sigaw ng isang boses.
"That's because I'm here!" Sigaw naman niya pabalik. Maya-maya nasa harapan na niya si Michelle.
"Ate may driver na tayo!" Tili nito.
"What the fuck?" Reaksyon ni Marco nang hila-hila na ni Michelle ang braso niya. "Ayoko! Magpapahinga ako." Dagdag pa niya.