Chapter 3: Misnamed

26 3 0
                                    

"Love, san mo gusto kumain? Let's eat i'm hungry" tonong ni Rob habang kaming dalawa'y nag lalakad lang dito sa SM mega mall. Tuwing weekends kami gumagala, sometimes with my friends at minsan nama'y kami lang dalawa lang. Rob is already 18 kaya may lisensya na siya, kaya kahit saan naming gustong pumunta pwede naming puntahan kasi may sariling sasakyan na rin siya.

"No love, mag arcade muna tayo maaga pa naman eh. At saka nabobored na ako kaka lakad dito" hindi ako sumangayon sa pag aya nyang kumain.

"Okay then, let's go kahit saan naman tayo pumunta basta't kasama kita, hindi ako nabobored" pagpaparinig nya dahil sinabi kong nabobored na ako.

Pinisil ko naman ang kaniyang pisngi na naging dahilan nang pamumula nito, hindi mapagkaila ang kaniyang pagiging mestiso.

"Wait, can we buy a present for Cheska? It's her birthday tomorrow,punta tayo ng Forever 21" pag aaya ko sakanya nang maalala kong birthday pala ni Cheska bukas. Sinang- ayuhan naman nya iyon at nagsimula na kaming maghanap.

"How 'bout this love?" Pinakita ko kay Rob ang isang faux patent leather boots to help me decide.

"Let's buy that love, i like it, but i like you more"  I just chuckled nang sabihin nya ang pambobolang yun. 

Pagkatapos naming bayaran iyon ay pumunta naman kami agad sa Quantum Amusement upang makapag arcade at nang ma satisfied na ako ay pumayag na ako na kumain kami.

Hindi ko namalayan na 8:00pm na pala at gumagabi na kaya't nag aya naakong umuwi.

"Hi Ches! Happy birthday" bati ko kay Cheska habang busy sa pagkikipag lambingan sa boyfriend nya.
"Thank youuuu i love you Sam! Bati nito pabalik at inabot saakin ang invitation card para sa 18th birthday nya mamaya sa isang 5 star na hotel.

"Hindi makaka punta si Rob Ches dahil may outing sila with his family at pinapabati ka nya saakin. Babawi nalang daw siya sa susunod" natawa si Cheska nang sabihin ko iyon.

"I know Sam kaya iba ang magiging Chaperone mo mamaya for my party hehe" sumasayaw pa sya nang sabihin nya iyon saakin.

"At ready your blue bill" pahabol nya at kumindat pa.

"Sinong chaperone ba yang sinasabi mo?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
"Malalaman mo lang mamaya dahil siya ang susundo sayo papuntang Peninsula which is the venue of my debut.  Binigay ko na rin yung address mo sa kanya, trust me mag eenjoy ka sis" halata na e-excite siya nung sabihin nya iyon saakin.

Nag aayos na ako ngayon, i'm wearing a red off shoulder dress at plain lang  at body fit ito since red ang theme ng kaniyang party tinernohan ko ito ng 2 inches black heels.  I'm now wearing a simple make up at kinulot ko nalang ang ibabang parte ng aking buhok to look elegant.

"Ma'am may naghihintay po sa baba" binilisan ko na ang kilos ko at kinuha ang bag ko't lumabas na kwarto ko.

Nagulat ako nang makita ko ang isang lalaking naka sandal sa pader na malapit sa pintuan ng bahay namin. Naka black tuxedo ito at napansin ko rin ang ka gwapuhan nito. Bagay sakanya ang kanyang singkit na mata at ang kanyang high fade quiff haircut. It's Vince.  Agad naman akong bumalik at nag tago sa loob ng aking kwarto.

To: Cheska

"Why him Ches?"

Agad naman itong nagreply nang nag text ako sakanya

From: Cheska

"Pagbigyan mo na ako Sam, look it's my birthday"

Hindi ko na sya nireplyan at huminga muna ako ng malalim bago lumabas at magpakita na kay Vince.

Tinignan nya ako sa mata at parang natutunaw na ako sa bagsik ng kanyang titig. Bumaba na ako at kinuha nya ang aking mga kamay upang alalayan ako sa aking pagbaba.

Beautiful GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon