Kabanata 1

319 4 6
                                    


                                                             Kabanata 1 : Haunted House 


"Teka guys ! Are you sure na papasukin talaga natin yang bahay na yan ? "- paninigurado ni Stacey , ang maganda pero medyo (medyo lang naman) shu-shunga shungang member ng Bes-T


"Oo naman gurl! like duh !? Nandito na us kaya let's go! go ! go na !!"- excited na sabi ni Chanel , ang kikay pero medyo social climber na member ng Bes-T 


" Hoy Elay ! Ano pang hinihintay mo diyan ? Bilisan mo nga !"- sigaw ni Jennifer,ang pinakamatalino pero ma-attitude na leader ng Bes-T


"A--ahh Oo ! Eto na ako !"- sagot naman ni Eliza a.k.a Elay ang pinakamabait at pinakaignoranteng member ng Bes-T



              ( Quick background about Bes-T 

                      Ang grupo nilang Bes-T ay nagsimula sa magkababatang sina Chanel at Stacey . Nagkakilala sila noon sa isang audition para sa commercial ng isang shampoo brand , unfortunately hindi sila napili pero naging magkaibigan sila pagkatapos nun . Noong grade 10 naman sila , naging kagrupo nila sa isang project si Jennifer at dahil nga si Jennifer ang pinakamatalino at bossy sa kanila , siya ang naging leader ng grupo . Hindi kalaunan , kinaibigan narin nila ang loner nilang kaklase na si Elay at sinali sa grupo nila dahil sa kabaitan nito . )


"Stacey buksan mo yung pinto"- utos ng maattitude nilang leader kay Stacey na agad namang sumunod


 "Teka lang kaya ko toh...Uhmmm wait kaya ko talaga 'toh ! Uhmm guys , paano nga ba to buksan ? "- nagpapalit palit ng tingin si Stacey sa mga kaibigan niya umaasang tutulungan siya


 " Guys !!!!! Chanel paano nga ba ulit binubuksan yung pinto na may knob ? Nakalimutan ko kasi eh ! Hehehe !"- kamot sa ulo na sabi ni Stacey sa kaibigang si Chanel


 "Yuck ! Ang alikabok kaya friend !? Bahala ka diyan !!"-maarte namang sagot ni Chanel habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay 



Totoo naman kasi . Sa sobrang daming tuyong dahon at basura na nakapalibot sa bahay plus yung mga alikabok at agiw hindi mo talaga aakalain na may nakatira dito. Siguro yun na din ang dahilan kung bakit 'Haunted House' kung tawagin ng mga bata ang bahay na ito. Yun din ang dahilan kung bakit napagtripan ng Bes-T na pasukin ang bahay 



Samantala , napa-face palm nalang si Jennifer dahil kay Stacey at Chanel .


 'Bakit nga ba si Stacey pa inutusan ko ?' Sambit pa niya sa isip .

"Lumayas nga kayong dalawa diyan !"-hinawi ni Jennifer ang mga kaibigang nakaharang sa pinto at siya na mismo ang nagbukas nito. 

" Ay oo naalala ko na ! Ganon lang pala buksan yun !"- maligalig na pahayag ni Stacey nang mabuksan ang pinto 

 Napailing nalang tuloy si Chanel at Jennifer habang palihim na tumatawa si Elay sa likod nila.

Naunang pumasok si Chanel sumunod ni Jennifer at magkasabay naman sila Stacey at Elay .


" Ang dilim naman ditey ! Wala bang ilaw dito ? Ang poor naman pala"- komento ni Chanel habang dahan - dahan silang naglalakad sa loob ng bahay 


"May liwanag dun oh ! Tara puntahan natin "- yaya ni Elay sa mga kaibigan niya

 Sinundan nila ang kaunting liwanag na naaaninag nila at dinala sila nito sa isang nakasaradong pinto . 

Sa mga maliliit pala na uwang sa pinto nanggaling ang kaunting liwanag na sinundan nila kanina . 


" Ano kayang nasa likod ng pinto na yan ?"- usisa ni Stacey 

"Buksan natin para malaman natin syempre !"-maangas na sabi ni Jennifer

"Ay ako na magbukas !"- prisenta ni Stacey

 "Hay nako wag na ! Si Elay nalang !"- pagtutol sa kanya ng leader nila


 " Ha !? Bakit ako ??"- gulat na tanong ni Elay nang marinig ang pangalan niya

 " Bakit aangal ka pa ? Eh ikaw kaya pinakamalapit sa atin sa pintuan"- matapang na saad ni Jennifer

 Kinabahan si Elay sa totoo lang dahil wala talaga silang ideya sa kung ano ang nasa likod ng pinto 'Bakit ako pa?' sabi pa niya pero syempre sa isip lang .


"Sige ako na magbubukas"- lakas loob na sabi ni Elay kahit na nanginginig naman siya sa takot 



Bubuksan na niya sana ang pinto ng biglang......

Kung Maibabalik ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon