Kabanata 10

56 5 0
                                    

Kabanata 10 : Siopao

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang magtime travel ang dalagang si Elay. Nasasanay na rin naman siya sa lagay niya ngayon ngunit hindi maiwasan na sumagi sa isip niya ang pamilya at mga kaibigan niya sa kasalukuyan .

"Uy Elizabeth!"

"Uy!"

Minsan ay natutulala nalang ang dalaga kapag naalala niya ang problema

"Ay ! Ano nga ulit yung sinasabi mo?"-gulat na pahayag ni Elay

"Tinatanong kita kung pwede ka ba mamaya ?"-pag-uulit ni Jackson sa sinabi niya kanina

"Oo naman ! Matatapos ko naman agad lahat ng inutos sakin eh"-nakangiting tugon ni Elay

"Sigurado yan ha? Ililibre kita ng paborito mong siopao."-panunuhol ng binata para siguradong mapapapunta ang dalaga

"Talaga ? Promise yan ah ! Oh siya uuwi na ako para maluto na nila Allyson 'tong mga pinamili ko "- sabi ni Elay kay Jackson

Nagkita kasi sila kanina sa pamilihang bayan. Si Elay kasi ang nakatokang mamalengke ngayon habang may kinita namang kababata si Jackson na ngayon ay kargador na ng mga gulay at prutas

"Sige ingat ka! Mamaya magkita tayo sa parke malapit sa simbahan"- huling bilin ng binata bago sila maghiwalay ng landas

mansyon

"Talaga nagkita kayo ni Sir Jackson , Elizabeth?"

"Gwapo pa rin ba siya?"

Kasalukuyang kinukulit nila Geneva at Allyson si Elay nang malaman nila na nagkita sila ng binatang si Jackson.

"Oo nagkita kami pero aksidente lang yun"- pag-amin ni Elay habang isa isang nilalabas ang laman ng supot ng pinamili niya

"Ang swerte mo talaga ! Sana ako nalang ikaw "-sabi ni Geneva habang naghuhugas ng mga gulay

"Alam mo Elizabeth kahit na may pagtingin ako kay Sir Jackson boto ako sa inyong dalawa"- singit naman ni Allyson na tinutulungan si Elay sa pagsalansan ng mga pinamili


"Anong pinagsasabi mo diyan Allyson? Magkaibigan lang kami"- saad ni Elay

"Hay nako dun naman nagsisimula yun! Una kaibigan lang tap----"

"Tapos hanggang dun nalang yun!"- hindi na pinatapos pa ni Elay ang sinasabi ni Sally

"Kainis ka talaga Elizabeth ! Sige iyo na si Sir Jackson. Marami pa namang mga kalalakihan diyan na di hamak na mas matipuno kaysa sa kanya "- pagsuko ng mangiyak ngiyak nang si Geneva

"Walang iyakan Geneva!"- asar ni Sally

"Oo nga . Bakit ka ba halos mangiyak ngiyak na diyan ? Lalaki lang yan !"- sabi ni Allyson sa kaibigan

"Ano ba kayo? Kayo kaya maghiwa ng sibuyas diyan ! Ewan ko nalang"- sabi ng umiiyak na ngayon na si Geneva habang naghihiwa parin ng sibuyas

Tanghalian

"Mrs. Rodriguez pwede ba akong lumabas mamaya?"- paalam ni Elay habang nagsasalin ng juice sa mga baso


" Saan ka naman pupunta ?"- tanong ni Louis , ang nag-iisang anak ni Mr. at Mrs. Rodriguez na kaibigan naman ni Jackson

"Ah Sir niyaya po kasi ako ng kaibigan niyo po. Si Sir Jackson"- pagkasabing- pagkasabi nito ni Elay ay nanlaki ang mga mata nila Allyson at Geneva tsaka nagpalitan ng makahulugang tingin . Samantalang tinapunan naman ng mapang-asar na ngiti ni Sally si Elay nang magkatinginan sila.

"Ah ganon ba ?"- yan nalang ang nasabi ni Louis bago nagpakabusy sa pagkain niya at hindi na pinansin pa si Elay

"Okay lang naman sakin Elizabeth , masipag ka naman. Basta alas kwatro dapat nakabalik ka na maliwanag ba?"- sabi ni Mrs. Rodriguez

"Opo Ma'am , salamat po "- nakangiting pahayag ni Elay nang pagbigyan siya sa hiling

"You're welcome "- nakangiti ring sabi ng amo ni Elay sa kanya

"Hay nako Elizabeth sinasabi ko na nga ba!"-sabi ni Sally kay Elay na kasalukuyang nag-aayos para sa pagkikita nila ni Jackson

"Ililibre daw niya ako ng paborito kong siopao eh kaya pumayag ako tsaka kaibigan ko naman siya ha !?"-paliwanag ni Elay

"Oh siya sige hindi na ako makikipagtalo sayo . Ingat ka ha ? At tsaka 'wag kang papagabi . Alas kwatro bumalik ka na "-bilin ni Sally

"Oh Elizabeth , makikipagkita ka kay sir Jackson ng ganyan?"- gulat na tanong ng kakarating lang na si Allyson

"Bakit ? Okay naman yung suot ko ah!"- walang ideyang tugon ni Elay

"Hay nako ! Maglagay ka naman ng kahit konti lang na kolorete sa mukha "- sabi ni Allyson sabay kalikot sa mukha ni Elay

"Yan ! Ayos na"- masayang sabi ni Allyson nang matapos siya

"Salamat Allyson pero tingin ko hindi ko naman 'toh kailangan"-sabi ni Elay habang
ang sarili sa parke

* Parke *

"Ang aga mo naman Jackson "-sabi ng kararating lang na si Elay

Napatayo naman bigla si Jackson ng makita niya si Elay

"Elizabeth , lalo kang gumanda diyan sa ayos mo "-puri ng binata habang nakatingin sa mga mata ni Elay

"Salamat . Teka nasan na yung siopao na ipinangako mo?"- paninigurado ni Elay dahil kung wala ang paborito niya , uuwi nalang siya

"Eto dala-dala ko na . Medyo mainit init pa yan"- sabi ni Jackson nang maiabot na niya ang supot kay Elay

"Yun ! Tatlo ! Mukhang mapapalaban ako ngayon ah!"- masayang saad ni Elay

"Syempre tatlo para I love you"- pasimpleng banat ni Jackson

"Ewan sayo!"- pigil ngiting sabi ni Elay

Habang nagsasaya sa nakaraan si Elay , nag-aalala naman sa kanya ang mga mahal niya sa buhay at si Manong Jay

"Nako ! Anong oras na wala pa ang apo ko "- nag-aalalang sabi ni Lola Saling habang nakadungaw sa bintana

Kapag nagtime travel kasi , pwede mong kontrolin kung anong oras at kung anong panahon . Sa kaso ni Elay , naset niya ng hindi sinasadya ang machine sa 1 araw sa kasalukuyan katumbas ng 2-3 buwan sa nakaraan

'Konti nalang maayos ko rin 'tong machine ko at maibabalik ko na rin si Elay' sabi ni Manong Jay sa sarili na kanina pang umaga nagt-trabaho para maisaayos ang imbensyon niya

Kung Maibabalik ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon