Kabanata 9

50 4 0
                                    

Kabanata 9 : Jackson 



 "Mabilis ka palang matuto Elizabeth . Isang linggo ka palang mahigit pero natutunan mo na lahat ng gawain dito sa mansyon!"- puri ni Sally kay Elay habang naglalampaso sila ng sahig



 "Tinuruan kasi ako ni Lola"-proud na sabi ni Elay


 Laki kasi sa Lolo at Lola si Elay pero mas close siya sa Lola niya. 


 "Mabait ba ang Lola mo?"- tanong ni Sally 


 "Oo naman !Super close kami nun alam mo ba!?"- masayang tugon ni Elay 



 "Buti ka pa"-malungkot na sabi ni Sally


 "Ano ba yan! Wag ka na magdrama diyan! Alam mo bilisan na natin maglampaso kasi magdidilig pa tayo"- saad ni Elay para di na mag emote ang kaibigan niya


 "Ang ganda naman ng mga bulaklak ni Mrs. Rodriguez"-manghang sabi ni Elay habang inaamoy-amoy ang mga ito


 "Oo nga eh! Alam mo ba kaya yumaman ang pamilya nila ay dahil sa mga flower shops nila ? Minana pa nila yan sa mga Lolo't Lola nila"-kwento ni Sally habang nagdidilig siya


 'Grabe ang tagal na pala! Pag nakauwi na ako ise-search ko kung buhay pa rin ang business nila sa kasalukuyan' sabi ni Elay sa sarili 



 "Kyaahhhh!!"Nabaling ang atensyon nila Sally at Elay sa umirit. 


Sila Allyson at Geneva lang pala , mga kasambahay rin ng pamilya Rodriguez.


 "Hoy mga babaeng maiingay, bakit kayo umiirit?"-tanong ni Sally



 "Ano ka ba Sally ? Nandito kasi sa mansyon si Sir Jackson , yung kaibigan ng anak ni Mr. Rodriguez ? Ang gwapo talaga niya!"- kinikilig na kwento ni Geneva 



 "Oo tama yun! Ang gwapo niya! Balita ko matalino daw si Sir Jackson at nag-aral daw siya sa ibang bansa at isa pa wala pa siyang kasintahan"-dagdag ng kinikikig ding si Allyson



 "Kyaaahhh!"- sabay na irit ng dalawa



 "Hay nako Geneva at Allyson ! Tama na yang pag-aambisyon niyo at hanguin niyo na ang mga sinampay!"- utos ni Sally sa dalawa na agad din naman sumunod



 "Elizabeth dito ka muna ha? Ichecheck ko lang yung mga halaman dun sa likod"-paalam ni Sally tsaka umalis dala ang pandilig niya



 Bumalik narin sa trabaho si Elay 

Kung Maibabalik ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon