Kabanata 12

67 3 0
                                    


Kabanata 12: Katapusan


" Sa wakas may sapat nang kuryente para makontrol ko ang machine" - ibinaba ni Manong Jay ang reverse lever kaya hihigupin pabalik ng time machine ang oras , panahon at ang mismong traveller


Umiilaw ang berdeng bumbilya sa gilid ng pintuan , indikasyon na nagtagumpay ang reversal na ginawa ni Manong at sa ilang saglit lang ay unti-unti nang bumukas ang pinto


"Nasan ako?"- tanong ng medyo nalilitong si Elay


"Nakabalik ka na sa kasalukuyan Elay ! Ikaw talagang bata ka ! Pinakaba mo ako"- saad ni Manong nang makita niyang ayos lang si Elay


Tinignan ni Elay ang repleksyon niya sa pinto ng time machine at pansin niyang iba ang suot niyang damit ; yung damit na suot-suot niya bago siya bumalik sa nakaraan


"Kamusta ka namang bata ka ha ? Wala bang masakit sayo ? Anong panahon ang napuntahan mo ? May pinagsabihan ka ba ng tungkol sa imbensyon ko ?"- sunod sunod ang naging tanong ng matanda dahil wala talaga siyang ideya sa kung ano at saang panahon napunta si Elay



" ok lang po ako"- pagsisinungaling ng dalaga


Ang totoo nasasaktan siya dahil hindi man lang siya nakapagpaalam at hindi niya nasabi kay Jackson ang sitwasyon niya


Totoong gusto niya si Jackson at handa siyang sumama sa Europa o kahit saan pa ngunit hindi na niya ito magagawa dahil nakabalik na siya sa tunay niyang panahon.

"Ang mabuti pa Elay umuwi ka na. Gabi na , baka hinahanap ka na sa inyo"- sahi ni Manong Jay



"Po? Gaano katagal po ba akong nawala?"- usisa ni Elay


"Halos isang araw din. Bakit Elay ?"- tugon ng matanda



"Ah wala po "-saad ni Elay


Ngayon lang nar-realize ni Elay ang mga pangyayari


Nagpaalam na siya sa matanda at umuwi na


Pagkaalis na pagkaalis naman ni Elay , hindi na napigilan pa ni Manong Jay ang sarili at nagsimula na siyang mapaiyak



Ang time machine kasi ay dinisenyo niya para sa isang gamitan lang dahil ayaw niyang magamit ito ng iba at maabuso . Binabalak kasi ng matanda na bumalik sa nakaraan para hanapin ang minamahal niya pero malabo na itong mangyari dahil nagamit na ni Elay ang machine



Hindi na mahahanap pa ni Jackson si Elizabeth , ang kanyang minamahal na naglaho 41 years ago



~~~~~ FLASHBACK ~~~~~


'Dito nalang muna ako sa seesaw maghihintay' sabi ni Jackson sa sarili


Maaga kasi siyang umalis sa kanila para hindi siya madatnan ng magulang niya na hindi pa nakakauwi galing trabaho


Naayos na rin niya ang lahat , Si Elizabeth nalang ang kulang.



'Nasan na kaya siya?' - tanong ng binata sa isip dahil hindi pa rin dumarating ang minamahal niya



Naghintay si Jackson pero walang Elizabeth na sumipot sa usapan nila.



Bumuhos ang ulan at kasabay nun ang mga luha na umagos mula sa mata ng binata




~~~~~ END OF FLASHBACK ~~~~~


"Elizabeth , mahal ko.... patawarin mo ako . Di ako nakagawa ng paraan para mahanap ka"- sambit ni Jackson o mas kilala bilang Manong Jay habang umiiyak



Unti-unting naninikip ang dibdib ng matanda at nahihirapan na itong huminga hanggang sa mabawian na siya ng buhay sa tabi ng imbensyon niya na siyang may dahilan ng lahat.



"Lola!!!! Namiss ko po kayo!"- sigaw ni Elay nang makauwi na siya sa kanila


"Hay nako Eliza !Saan ka ba nagsusu suot ha ?"-sabi naman ni Lola Saling na sinalubong ang yakap ng apo


"May binisita lang po akong kaibigan Lola .Si Lolo po tulog na ?"- pagbabagao ng topic ni Elay para di siya mabisto


"oo tulog na . Alam mo naman yun apo"- tugon naman ni Lola Saling



"Sige po Lola , akyat na poa ko sa kwarto"-hindi na hinintay pa ni Elay ang tugon ni Lola Saling at dali dali nang umakyat sa kwarto niya



'Hay nako Eliza , apo ko ! Naaalala ko talaga sayo ang kaibigan kong si Elizabeth.... parehas kayo....bigla bigla nalang nawawala'-sabi ni Sally o mas kilala natin bilang Lola Saling sa sarili niya


Kinuha ni Sally ang luma niyang pitaka at doon hinugot niya ang lumang litrato nila ng kaibigan niyang si Elizabeth 


'nasan kana ba Elizabeth? Sigurado akong matutuwa ka kapag nakita mo ang apo ko dahil para kayong pinagbiyak na bunga'



Walang kamalay malay ang dalagang si Elay na ang Lola Saling niy at ang kaibigan niyang si Sally ay iisa...



Walang ideya si Elay na si Manong Jay at ang sinisinta niyang si Jackson ay iisa...



     Sa kasamaang palad , namatay siJackson na wala man lang kaalam-alam na ang time machine niya ang dahilan kung bakit nakilala niya si Elay sa nakaraaan at ito rin ang dahilan kung bakit siya nangungulila



Siguro nakatadhana talagang hindi nila malaman....



Siguro pinagtagpo lang si Eliza at Jackson pero hindi talaga sila para sa isa't isa.....



Kahit siguro anong gawin  natin basta kung hindi para sa atin , hindi yun ibibigay....



THE END




"Ano ba yan Gem , bakit mo pinatay si Jackson ?"- reklamo ng bestfriend ko matapos niyang mabasa ang kwentong sinulat ko



" Eh gusto ko eh ! Ako ang writer Grace at wala ka namang magagawa "- sabi ko naman sa kanya 



" Wala bang book 2 ?"- hirit niya 



"Tapos na ang kwentong yan... Isa pa may bago naman akong sinusulat "- masayang sabi ko sa bestfriend kong mukhang naexcite naman



"Wahh! Pabasa ako pag natapos na ha?"



( Si Gem po ay ang main character ko sa previous book ko na 'The Writer' at si  Grace ang bestfriend niya )

Kung Maibabalik ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon