Kabanata 8

52 3 0
                                    


( Sorry guys for the late update :< Busy kasi ako sa sayaw hahahaha . Enjoy ^_^ )



Kabanata 8 : Pagbalik sa Nakaraan


 "Nasan ako?"-tanong ni Elay dahil hindi niya alam kung nasaan na siya napadpad


 Wala kasi siyang kamalay-malay na nasa nakaraan pala siya taong 1982 , 41 years mula sa kasalukuyang panahon na 2023


 "Bakit kaya nila ako pinagtitinginan?"-bulong ng dalagang si Elay sa sarili dahil pansin niyang pinagtitinginan siya ng mga tao


 "Uy bakit ganyan suot mo? Hahahaha! Ang baduy naman!"


 "Pauso! Ang pangit naman ng estilo mo!" 



 Samu't saring pang-aasar ang natamo ni Elay mula sa mga tao



 "Ano bang mali sa suot ko?"-tanong pa ni Elay sa sarili 



 Wala naman kasi talagang mali sa suot niya. Iba pa kasi ang fashion statement ng mga tao sa panahong iyon kaya para sa kanila,baduy si Elay 



 Hindi nalang pinansin ni Elay ang pamimintas sa kanya at nagpatuloy nalang siya sa paglalakad . 



May nadaanan siyang naglalako ng diyaryo kaya naman huminto muna siya at kumuha ng isa



 "Anoo!?"- napasigaw si Elay dahil sa nabasa niyang petsa sa diyaryo 


 NOBYEMBRE 06 1982 


 'Hindi pa nga ako buhay neto eh!' sabi pa niya sa sarili 


 Ipinanganak kasi si Elay noong 2005 at sa kasalukuyang taon na 2023 , 18 taong gulang na siya


 'Patay! Paano ako babalik sa kasalukuyan?' -kinakabahan si Elay dahil natatakot siya na baka 'di na siya makauwi



 Hindi kasi sinasadyang mapindot ni Elay ang mga numerong 1,9,8 at 2 sa time machine kaya naman sa taong 1982 siya dinala ng makina 



 "Uy kakaiba yang porma mo ah! Bago ka lang ba dito?"-tanong kay Elay ng isang babae na sa tingin niya ay kaedaran lang niya 



 "Ah oo eh ! Anong lugar ba ito?"- usisa ni Elay sa dalagang kaharap niya 


 "Ito ang San Vicente ! Ako nga pala si Sally , ikaw ?"-nakangiting sabi ng dalaga 


 "Ako nga pala si E---"- natigilan si Elay dahil iniisip niya kung sasabihin ba niya ang tunay niyang pangalan o hindi


 "Ikaw si ?"- hinihintay naman ni Sally ang sagot ni Elay


 "Ako si Elizabeth "- nakangiting sabi ni Elay 


 Naisip niya kasi na lagyan ng beth ang pangalan niya para magtunog luma 


 "Wow! Parang Queen Elizabeth . Tara sama ka sakin"- hindi na hinintay ni Sally ang sagot ni Elay at agad na niyang hinila ito 



 "Eto Elizabeth isuot mo"- nakangiting saad ni Sally habang iniaabot kay Elay ang isang pares ng damit at shorts niya 



 "Ahh salamat Sally"-saad naman ni Elay bago pumasok sa C.R at nagbihis 


 Nandito kasi sila ngayon sa bahay ng amo ni Sally . Isa kasi siyang kasambahay ng pamilya Rodriguez , ang pinakamayamang pamilya sa San Vicente


 "Aba bagay sayo ang damit ko! Sige na nga iyo na yan!"- komento ni Sally nang lumabas si Elay mula sa C.R 



 "Talaga bagay sakin? Nagtampo ka naman agad Sally! Syempre bagay sa ating dalawa toh!"-sabi ni Elay na tinutukoy ang suot niyang damit


 "Oo nga pala Elizabeth saan ka pala umuuwi? Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"-tanong ni Sally


 Natauhan tuloy bigla si Elay at naalala niya ang sitwasyon niya ngayon 

 'Oo nga pala! Hindi ko pala ito panahon. Hinahanap na kaya ako nila Lolo at Lola ? Alam kaya ni Manong Jay na pinakielaman ko ang imbensyon niya?' 


 Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ni Elay kaya hindi niya napansin na ang dami na palang sinasabi ni Sally 


 "Uy Elizabeth ! Bakit bigla ka yatang tumahimik?"- puna ni Sally


 "Ah wala "- pagsisinungaling naman ni Elay


 "Nako! Siguro naglayas ka noh? Alam mo ako din lumayas sa amin noon . Si tatay kasi puro inom nalang ang inatupag siguro di niya matanggap na iniwan na kami ni Nanay . Alam mo pwede ka ritong tumira basta magiging katulong ka ng mga Rodriguez. Mababait naman sila"-mahabang paliwanag ni Sally sa bago niyang kaibigan



 Dahil hindi rin naman alam ni Elay ang pagbalik sa kasalukuyan , pumayag nalang siya sa alok ni Sally



 'Mabuti na rin siguro toh ! Atleast may tutuluyan ako

Kung Maibabalik ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon