Naniniwala kaba kapag nagising ka ng madaling araw ng walang dahilan is parang may kakaibang elemento o nilalang ang nakatingin sayo o nakatitig sa iyo? Alam kong marami sa inyo ang hindi maniniwala kung hindi niyo pa naeexperience ang mga bagay bagay sa mundo. Kaya nga may paniniwalang to see is to believe diba? Lagi ito nangyayari sa time ng Devil's hour. 3 o'clock AM.
Pano pag mulat mo ay makita mo mismo ng dalawa mong mata ang kakaibang bagay/nilalang na ito? Ano ang gagawin mo? Ayan ang paulit ulit na tanong sa kaibigan.
Nangyari ito sa aking kaibigan na pangalanan na lang nating si kuya sam. Siya ay may tatlong anak at may asawang simple ang pagkatao. Siya ay lumaki sa laguna at dito na rin nakapag asawa si kuya sam. Dahil hindi permanent ang negosyo ng kaniyang asawa ay madalas palipat lipat sila ng inuupahang bahay. Ang kuwarto nila ay sakto lang sa kanilang mag anak , kurtina lang ang takip dito at kita mo na ang living room na kung saan may simpleng pagkaayos lang dahil sa konti lang ang laman at makikita ang tv at ref . Tama kayo maliit lang ang bahay nila kuya sam. Ito na rin ang nagsisilbing hapag kainan nila dahil sala na rin sila nakaing mag anak. Ang comfort room naman ay hiwalay sa kanilang bahay pero katabi lang din ito ng kuwarto nila , kung dudumi ka o calling nature ka ay kailangan mo pang lumabas ng bahaypara makagamit ng cr. dati ay may malaking butas dito na tagos sa kuwarto nila kuya sam. Sa sobrang laki ng butas ay kasya ang tatlong tao. Pero ngayon ay wala ng butas dahil hinarangan na nila dahil sa isang kakila kilabot na pangyayari. Nangyari ang pangyayaring iyon ng buntis ang asawa ni kuya sam. Dahil nga maraming pamahiin ang mga matatanda ay sinabihan sila ng lola ni kuya sam na maglagay ng bawang at asin sa bintana at magtabi ng buntot pagi.
Isang gabi habang natutulog silang buong mag anak. Ay may kakaibang naramdaman ang asawa ni kuya sam na pangalanan nating ate erica. Pakiramdam ay parang sobrang init , kakaiba sa mga nakalipas na araw. Bandang alas tres pa lang ng madaling araw ay hindi na siya mapakali sa pwesto niya.
Kahit nakatutok na sa kaniya ang electricfan ay pawis na pawis pa rin siya.kahit pa manipis ang kanyang suot na pantulog ay sobrang init pa rin ang pakiramdam ni ate erica. Sa sobrang init ay tinaas niya na ang sando niya at nilabas ang malaking tiyan , dahil don ay saglit na guminhawa ang kaniyang pakiramdam at nakatulog na siya. Pero hindi sa malamang dahilan ay bigla na lang siyang nagising sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi din niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay parang may matang nakatingin sa kanya habang natutulog. Hindi nga siya nagkakamali dahil pagtingin niya sa butas na nasa cr ay may nakita siyang isang lalaki. Nakatitig ito sa kaniya at pinandidilatan ng mga mata na tumatagos sa kanyang tiyan.
Gustong gusto niyang sumigaw ngunit napipe siya dahil sa mga nakita. Takot na takot kaya't di siya makagalaw. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya tuluyang naigalaw ang katawan niya. At sinumulan niya ng igalaw yung siko niya upang gisingin si kuya sam. Habang ginising niya ang knyang asawa ay di niya natitinag ang mga tingin ng isang lalaki. At akala ni ate erica na papasok yung lalaki dahil humawak yung lalaki na aakmang aakyat. Akala niya nang una ay nanaginip lang siya, sa isip isp niya sana ay magising na siya sa mga nangyayari. Pero mga ilang segundo ay nagising na si kuya sam.
Nakita na lang ni kuya sam si ate erica na nakanganga at nakatitig lang sa butas ng cr. nagtaka ang kaniyang asawa at napatingin din si kuya sam sa direksiyon ng pinagtutulalaan ni ate erica at pagtingin niya sa tinitingnan ni ate erica ay nakita niya ang misteryong lalaki.at na kipag tinginan pa itong misteryong lalaking ito kay kuya sam. Sinigawan at pinagmumura ni kuya sam yung lalaking misteryo ngunit walang naririnig ang lalaki. At hindi parin umaalis ang lalaking mamisteryo sa pagtingin sa butas. Pumunta sa cr si kuya sam upang tingnan yung lalaki ngunit biglang naglahong parang bula ang mamisteryong lalaki. Nagmadali siyang nagtungo palabas upang malaman kung anong klase tao ang mamisteryong lalaki. Sinuyod niya ang pwedeng pag taguan ng lalaki pero wala talaga siyang nakita. Ang pinagtaka ng mag asawa bakit wala man lang bumukas ng pinto ng tumaks yung misteryong lalaking yun, kahit yabag ng paa ay wala silang narinig o yabag pa ng pagtakbo ay wala silang narinig. Pagbalik nila sa bahay bigla na lang umiyak si ate erica kay kuya sama aat yumakap.
You? Nagigising kaba tuwing madaling araw sa hindi maipaliwanag na dahilan? Pwes wag kang didilat dahil baka mamaya hindi lang siya nakatingin sa butas habang tinititigan ka. Baka pagdilat mo , nakaharap na ang mukha mo sa mukha niya at tinititigan ka habang ikaw ay natutulog. Sleepy!
----------------------------
---------------------------------------
---------------------------------------------
Whoo! Success first time ko mag wrote ng horror story based naman po ito sa real life. Next chappy! "Third Eye"
BINABASA MO ANG
Nag-iisa kaba?
HorrorGusto mo bang matakot? Then read this? Ang tanong nag-iisa kaba? Tara't samahan mo akong subaybayan ang mga kababalaghang nangyayari sa bagay bagay sa mundo. Paano kaya kung ikaw ang nasa sitwasyon na ito? Na hindi ka pinapatahimik ng mga ligaw na...