Huwag kang pipikit
Kitang-kita ni Alex nang humabaang dila ng babae at nahati sa dalawa. Todo sindak na nagtatakbo si Alex. Tama si Kevin, bilisan niya ang takbo. Tama si Ed, huwag siyang pipikit. Dahil sa kanyang pagpikit, lulukuban siya ng dilim, at hindi na siya puwedeng magising... hindi na puwedeng magbalik...
HUWAG kang pipikit!
Baka sa iyong pagdilat...hindi ka na magising!
"Dok, buhay pa ba ako?" halos palakihin ni Alex ang mata habang sinusuri siya ni Dr. Ewell.
Napakunot ang noo ng doktor. "Buhay na buhay ka pa. Hayan nga, o... gumagalaw ang iyong mata at humihinga ka pa."
Hanggang kelan siya magiging dilat?
"Matulog ka muna, Alex... pagod na pagod ka na," payo ng manggagamot.
Napasigaw si Alex. "Hindi! Hindi ako puwedeng matulog!" Parang baliw na idinilat niya ang mga mata sa pagitan ng mga daliri. Kung puwede nga lang bang tukuran ng palito ng posporo ang talukap ng mata ay ginawa na sana niya. Huwag lang siyang pumikit. Huwag lang antukin.
Matindi ang naging epekto kay Alex ng nangyari sa kaibigang si Kevin. Natagpuang wala na itong buhay sa hinihigaang kama kagabi. Binangungot daw. Pero bakit lubog ang mata?
Paano naman ipapaliwanag ang nangyari kay Ed noong isang linggo? Natagpuan ding walang hininga si Ed sa mismong kuwarto nito. Overdose daw sa gamot. Pero bakit sugat-sugat ang paa?
Bago pa man mangyari ang lahat nang ito ay masaya silang magkakasama sa masukal na lugar sa Magallanes. Hindi pinapasok ang lugar na ito dahil marami raw nagkukutang rebelde dito. Iyon ang trip nila ng barkada, mas mapanganib mas may thrill
Minsan na rin nilang pinatunayan ang pagkahilig sa adventure nang pasukin nila ang tribu ng mga namumugot ng ulo. Kumaripas sila ng takbo nang sa bukana pa lamang ay may humagis na baboyramo sa paanan nila na wala na ang ulo. Ang bilis nilang nagpulasan gayong hindi pa nakakarating sa paroroonan.
Ang dami nilang gustong puntahan. Ang kuwebang puno ng kalansay. Ang isla na tirahan ng mga pusang kumakain nang buhay na tao.
Puro naman sila kabog. Masabi lang na nailabas ang takot.
Si Ed, dating lalampa-lampa. Laging binabatukan ng mga nambu-bully sa eskuwela. Simula nang marating nila ang mga lugar nasa bangungot lang puwedeng makita ay nagawana nitong manindak. Mas marami pa ang kuwento kaysa sa totoo.
Si Kevin ay laki sa magulong pamilya. Lumaki sa tahanan na parang sona ng digmaan. Nakakatakot tumuntong sa lugar nila dahil kung hindi ka hahabulin ng sumpak, hahabulin ka ng pana. Hindi siga si Kevin, siya pa nga ang mahilig delihensiyahan ng pantoma. Nailalabas lang ni Kevin ang pagiging astig sa mga lugar ng guniguni.
Si Alex ay may tattoo pa raw sa braso. Ang laki ng kanyang braso, mamasel-masel at puno ng laman. Sino ba naman ang mag-aakala na sa laki ng katawan niya ay takot siya sa butiki, salumilipad na ipis, sa ulol na aso? Takot din siyang bastedin ng nililigawan niyang si Editha. Lahat na lang ay kinatakutan niya. Sa pagsama-sama sa dalawang kaibigan ay malalabanan daw niya ang takot. Fear factor.
"Kapag kami ang kasama mo mawawala ang lahat ng takot sa mundo." Ang yabang ng mga ito kung magkuwento.
"Minsan lang ang sarap tadyakan ng dalawang ito," minsan ay naibulong ni Alex sa sarili. Kundi ba naman mga nuknukan ng duwag, humuni lang ang kuwago o pumagaspas ang paniki pakiramdam ba naglabasan na ang lahat ng maligno. Ang bibilis pa tumakbo. Breaking the record Kung isinali siguro sa Bejing Olympic baka nakapag-uwi pa ng gintong medalya.
Ang huling pinuntahan nila bago sila nagkawatak-watak ay ang lugar papuntang Magallanes. Binabagtas ng kotse ni Kevin ang kahabaan ng highway, madilim at walang posting nag-iilaw. Matalahib ang lugar at napabalita pa nga na tapunan daw ng mga biktima ng summary execution. Nakakatakot. Sakatahimikan ng gabi ay pumunit ang malakas na sigaw.
BINABASA MO ANG
Nag-iisa kaba?
TerrorGusto mo bang matakot? Then read this? Ang tanong nag-iisa kaba? Tara't samahan mo akong subaybayan ang mga kababalaghang nangyayari sa bagay bagay sa mundo. Paano kaya kung ikaw ang nasa sitwasyon na ito? Na hindi ka pinapatahimik ng mga ligaw na...
