Litrato

15 0 0
                                    

Sa matandang bahay ng mga De Dios ay tanging ang matandang dalaga na.si Celia na lang ang nakatira. May kani-kaniyang pamilya na ang limang kapatid ni Celia, at ilang taon na ring namamatay ang mga magulang nila. Bilang dalaga, si Celia ang nakatakdang mangalaga sa matandang bahay ng pamilya. Walo ang silid sa bahay na iyon. Luma na ngunit nagawang pangalagaan ni Celia. Ang estilo ng bahay ay parang estilo pa ng mga sinaunang bahay ng nagdaang panahon.

Sa edad na 55, kayang-kaya pa rin ni Celia ang magtrabaho. Ang kapirasong bahagi ng bahay ay pinagawa nitong tindahan. Iyon ang pinaglilibangan at pinagkakakitaan ni Celia.

Paminsan-minsan ay inaabutan ng pera ng mga kapatid si Celia. Para na ring tulong sa pag mi-maintain at pagpapaayos sa nasisirang bahagi ng matandang bahay.

Si Caridad ang kapatid ni Celia na pinakamalapit ang tirahan sa matandang bahay. Sa kabilang baryo ito nakatira. Doon kasi nakatira ang napangasawa nito.

Lalaki ang panganay na anak ni Caridad, si Arman na 17 taon gulang na. Si Arman ang pinakapaboritong pamangkin ni Celia. Noong ito ay maliit pa, matagal ding inalagaan ni Celia si Arman. Totoong na spoiled ito ni Celia".

Kahit sa edad na iyon ni Arman, hindi pa rin ito nagagawang tiisin ni Celia. Kapag humingi na o umungot ng kapritso si Arman ay hindi nakakatanggi si Celia.

Ang siste, sa sandaling tinanggihan ng magulang, kay Celia tumatakbo si Arman. Alam nitong hindi siya pahihindian ng tiyahin.

Nasa college na si Arman. Ang hindi alam ng mga magulang at tiyahin, napasama ito sa barkadang hindi mabuti ang reputasyon. Natutong gumamit si Arman ng ipinagbabawal na gamot.

Iyon ang dahilan kung bakit madalas mapagalitan ng ama at ina si Arman nitong huling mga araw. Nadadalas ang hingi nito ng pera. Kung anu-anong alibi ang sinasabi nito matustusan lang ang bisyo.

Isang umaga ay dumating si Arman sa bahay ng tiyahin. Nasa tindahan noon si Celia, sa ibaba ng matandang bahay.

"Tita, may one thousand ka ba d"yan. Pautang naman, o."

Pinukol agad ng naninitang tingin ni Celia ang pamangkin.

"Bakit...may trabaho ka ba at nangungutang ka? Ang nangungutang lang iyong may trabaho para may pambayad."

Bahagyang sumimangot si Arman.

"Pahingi na lang kung ayaw n'yo ng utang. Sige na, Tita."

"Katatawag lang sa "kin ng Mommy mo bago ka dumating. Huwag daw kitang bibigyan ng pera."

Tuluyang pumalatak si Arman.

"Aanhin mo ba kasi ang pera? Hingi ka daw nang hingi nitong huling mga araw."

"Para naman kasing hindi ninyo alam.. .siyempre madaming ginagastos sa school. Sige kung ayaw n'yo huwag na lang. Buwisit!"

"Hoy teka! Arman.. .Arman!"

Ngunit hindi na ito pinansin ni Arman. Napailing na lang si Celia.

Ang totoo, hindi umalis si Arman. Nagtungo ito sa likod bahay. Doon ito dumaan, sa likurang bintanang bahay.

Nangunyapit si Arman hanggang makapanhik sa itaas ng bahay. Tiyak ang direksyong tinumbok ng mga paa nito. Ang silid ni Celia.

Tila magnanakaw na naghalungkat sa loob ng silid ni Celia si Arman. At hindi ito nahirapan. Madali niyang nakita ang kaha na taguan ng pera at alahas ni Celia.

"Yes!"

Dumampot ng bungkos ng pera si Arman sabay silid nito sa bulsa. Aalis na sana ito nang maispatan ang isang kuwintas.

"Mamahalin "to.. .puwedeng gawing pera. Yes!"

Mabilis nang tumalilis ng kuwartong iyon si Arman. Paglabas ng pinto ng kuwarto ni Celia ay mabubungaran ang isang dingding. Sa dingding na ito nakasabit ang mga pictures ng mag-anak na De Dios. Kung bakit sa isang larawan natuon ang mga mata ni Arman paglabas na paglabas ng silid. Sa lumang larawan ng kanyang Lolo Pancho, ang ama ng ina niya at Tiya Celia.

Saglit hindi nakakilos si Arman. Eksakto sa mga mata ng kanyang lolo humangga ang tingin ni Arman. Saglit na nagkatitigan ang kanilang mga mata.

Pagkuwa'y mabilis na umiwas ng tingin si Arman at may pagmamadali nang bumalik sa bintanang dinaanan. Nang magawang makababa, pa simple pa nitong nilingon ang tindahan ng tiyahin. Saka pasipul-sipol na lumakad palayo.

Lumipas ang isang linggo na hindi namamalayan ni Celia ang 'krimen' na ginawa ng pamangkin. Hindi nakagawian ni Celia na palagiang tingnan ang kaha na pinagtataguan ng pera at mga alahas. Kapag naisipan lang nito iyon ginagawa. O kapag naka-schedule na itong magdeposito sa bangko. Minsan isang buwan iyon.

Isang gabi, inutusan ni Caridad si Arman na pumunta sa tiyahin sa matandang bahay upang dalhan ng ulam si Celia. Nagluto kasi si Caridad ng ginataang laing na paborito ng kapatid na si Celia.

"Kay Cathy n'yo na lang iutos, "May. Pinanonood ako, e."

"Ikaw "tong lalaki saka gabi na delikadong palakarin itong kapatid mo. Lumakad ka na hanggang mainit itong ulam."

Inis man ay napilitang sumunod si Arman. Bukas pa ang tindahan ni Celia nang dumating si Arman.

"Ipasok mo na nga sa kusina yan at magsasara na rin ako, e. May ginawa akong salad. Kung gusto mo, mag-uwi ka na rin no'n."

"Wow salad! Sige, Tita, gusto ko "yon."

Nawala ang inis ni Arman. Pumasok ng bahay at nagtuloy sa kusina. Sa ibabaw ng mesa nito inilagay ang dalang ulam. Pagkuwa'y nilapitan ang refrigerator para kumuha ng salad.

Ngunit bago pa mabuksan ang refrigerator ay napalingon si Arman. Sa pakiramdam nito'y waring may nakatingin sa kanya.

Mero'n nga, ang lumang larawan ng kanyang lolo. Matiim ang titig nito kay Arman.

Mabilis na napalitan ang kulay sa mukha ni Arman. Namutla ito.

Hindi na nag-atubili si Arman at halos takbuhin ang pinto.

"Tita, uuwi na "ko!"

Sumigaw lang ito at ni hindi nilingon ang gawi ng tindahan.

"Hoy!" si Celia. nakasungaw sa bintana ng tindahan. "Nakakuha ka ba ng salad!"

Ngunit malayo na si Arman. Pagdating ng bahay ay sa kuwarto nagtuloy si Arman. Ni hindi pinansin ang tanong ng ina. Napilitan tuloy si Caridad na sundan sa silid ang anak.

'Tinatanong ko kung naibigay mo sa Tita Celia mo iyong ulam."

"Oho."

Napakunot-noo si Caridad. May napuna sa anak.

"Bakit pawis na pawis ka? May masakit ba sa yo? Arman, ano ba'ng nangyayari sa 'yo ha?"

Umiling si Arman. Hinapit ang katawan.

"M-Medyo giniginaw lang ako..."

Lalong kumunot-noo si Caridad. Mabilis na sinalat ang noo ng anak.

"Butil-butil ang pawis mo pero giniginaw ka? Wala ka namang lagnat, a?"

Ang totoo. sa matandang bahay pa lang ay binalot na ng kakaibang lamig ang buong katawan ni Arman. Matapos matitigan ang matiim na mga mata ng kanyang lolo sa lumang larawan nito.

Paano nupunta ang picture na iyon do'n? Nasa dingding sa itaas 'yon, a? Lolo, sorry na...promise hindi ko na ulit gagawin 'yon. Hindi ko napagnanakawan si Tita Celia, promise...

Kung totoo ngang nanita ang titig ng Lolo Pancho niya sa luma nitong larawan, walang makapagpapatoo. Kung ang nararanasan ng mga sandaling iyon ni Arman ay usig ng kunsiyensiya. tanging si Arman lang ang nakakaalam.

Ang Wakas

Nag-iisa kaba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon