Sa buhay ng tao, may pagkakataong hindi talaga pwede ang dalawang tao na maging sila dahil baka nakatadhana sila na maging kaibigan lang. Kaibigan na tunay. Sa istorya ni Jazzen ibinigay niya kasi ang lahat lahat kaya siya nasaktan ng lubusan. Hindi siya nagtira para sa sarili niya. Pero kahit hindi man naging sila atleast naging parte parin ng buhay ni Jazz si Josh dahil sa pagkakaibigan nilang dalawa. Thankful siya dahil kahit papaano naging masaya na siya sa status nila ni Josh at natutunan niya na may mga bagay talaga na kahit anong pilit nating abutin hindi maaabot dahil hindi ito para sa atin. Maghintay lang tayo at manalig sa Diyos dahil ibibigay naman niya ang kailangan natin basta tayo ay maglingkod at maniwala sa kanya. God has always a plan to us. Plan that make us to become better...