" Tuloy po kayo mam. Hinihintay na po kayo nina sir at mam sa loob, " sabi ng katulong kay Bea habang pinagbubuksan ito ng gate.
Ngumiti si Bea at pumasok ito ng gate. Malawak ang bakuran sa harapan ng malaking bahay ng pamilya ni Stephanie.
Sanay na ito sa bahay nina Stephanie dati pa. Palagi siyang bumibisita sa kaibigan noon, kasama ng iba pa nilang mga kaibigan. Dahil kilalang palaaral si Stephanie, dito sila madalas gumagawa ng mga assignments at group projects. Madalas din silang naiimbitahan sa mga social gatherings dito. Minsan naman ay nagsesleep over sila mga babae sa kwarto nito.
Pero this time, iba ang nararamdaman ng dalaga. Nanlalamig ito. Di mapakali. Marahil na rin sa tagal na panahon na di na siya nakapunta dito. O marahil sa kadahilanan na alam niya ang totoong mga nangyari at nakokonsenya siya sa nangyaring aksidente.
Nilingon niya ang hardin. Sa gitna nito ay isang magandang gazebo na gawa sa kahoy.
Nakita niya ang mga kaibigan nito. Nagtatawanan, nagkukwentuhan. Nakita niya rin ang sarili. Masaya niyang kausap si Stephanie.
Parang ang bagal ng oras. Parang naka slow motion ang lahat. Pinikit ni Bea ang mga mata.
" Mam? " sambit ng katulong.
Dinilat ni Bea ang mga mata. Wala na ang mga kaibigan niya. Wala na rin si Stephanie. Ang tanging nakikita na lang niya ay ang gazebo na ngayon ay puno ng mga baging at mga damong ligaw. Parang napabayaan na.
" Dito po tayo mam, " sabi ng katulong habang hinahatid siya papasok ng bahay.
Binuksan ng katulong ang pintuan. Napatigil si Bea. Handa na ba talaga niyang harapin ang mga magulang ni Stephanie? Handa ba siyang tingnan sila sa mga mata at magkunwaring wala siyang kinalaman sa mga nangyari?
" Bea, " sabi ng isang babae.
Tiningnan niya ang pinagmulan ng boses.
" Bea iha, come in, " ang sabi ng mommy ni Stephanie na si Ester. Nakangiti itong sinalubong ang dalaga. Natutuwa na nakita uli ang malapit na kaibigan ng anak. Ngunit ganun pa man ay may bahid lungkot pa rin na nakikita sa mga mata nito.
" Hello po Tita, " bati ni Bea at hinalikan ito sa pisngi.
" Rodrigo dear. Andito na si Bea, " tawag naman nito sa asawa. Maya maya pa ay bumaba sa hagdanan ang daddy ni Stephanie.
" Bea! " masayang bati naman nito sa dalaga.
" Hello po Tito, " ngiti naman ni Bea.
" Please come in, " imbita uli nito.
" Ah Lagring, " ang sabi naman ni Ester sa isang katulong. " Pakihanda kami ng miryenda sa garden please. Thank you. "
" Opo mam. "
Bumaling uli ang tuon ni Ester sa bisita. " Oh I'm so glad you decided to drop us a visit iha. Com'n join us. "
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
" Yes we've heard the news iha. It's terrible, " sabi ni Ester habang nag-uusap sila sa hardin.
Ang mga nangyaring patayan ang tinutukoy nito. Alam nina Bea at Jay na dahil masyadong sensationalized ang balita, hindi maiiwasang mabalitaan din ito ng mga magulang ni Stephanie. Pero sinabihan na siya nito ng pinsan na iiwas ang usapan sa alam nilang koneksyon ng sunog sa mga nangyayari. Sigurado sila na kapag nalaman ng mga magulang ni Stephanie ay tiyak na magpapaimbestiga ang mga ito. Sa ngayon hindi nila kailangan ang karagdagang problema.
BINABASA MO ANG
Shhh... Wag Kang Sisigaw
Misterio / SuspensoTumakbo ka... magtago ka. Pero ano man ang mangyari... ano man ang makita mo.... Shhh... Wag kang sisigaw!