Nakaupo si Jay sa labas ng operating room. Tatlong oras nang nasa loob si Paolo at mag aalas tres na ng madaling araw. Hinihintay niya ang kahit anong balita galing sa doktor nito.
Mayamaya pa ay dumating si Patricia sa ospital. Tinawagan niya ito dahil hindi niya mahanap ang pinsan.
" Jay, " tawag ni Patricia.
Napatayo ang binata. " Si Bea? "
" She's safe, " sagot ng babae. " Si Paolo? "
" Nasa loob pa, " sagot naman ni Jay.
" Explain to me what happened, " tanong ni Patricia.
" Hindi lang nag-iisa ang killer. Dalawa sila, " paliwanag ni Jay. " Isang lalake at isang babae. "
" What? " gulat na sambit ni Patricia.
" So kung sino man ang gumawa nito maaaring ang partner niyang babae, " patuloy ni Jay.
Siya rin namang dating ni Bautista.
" Hindi si Paolo ang killer, " sabi nito.
Tiningnan ni Jay ang partner. Bakas sa mukha ang pagkalito.
" Nanotify na ng ospital ang emergency contact ni Paolo, " patuloy ni Bautista. " Papunta na ng Manila ang kapatid nito sa Cebu. Jay, hindi si Paolo ang nawawalang kapatid ni Stephanie. "
Napatingin si Patricia sa dalawang detectives. Walang naiintindihan sa pinag-uusapan nila.
" Hindi, " umiling si Jay. " Imposible yan pare. He's a viable suspect. "
" Kung hindi ka pa rin kumbinsido, heto, " inabot ni Bautista ang cellphone ni Paolo kay Jay. " Natrace ko ang huling tawag na natanggap sa cellphone na iyan. At alam mo ba kung kaninong number nanggaling ang tawag? "
Hinawakan ni Jay ang cellphone.
" Kay Troy, " patuloy ni Bautista. " So kung sino man ang kumuha kay Clarisse at Troy ay ginamit ang cellphone na iyan para makipagkita kay Paolo sa condo. "
" For what? " tanong ni Patricia.
" Para iset up siya, " sagot ni Jay. " Maraming nalalaman ang killer tungkol kay Paolo, tungkol sa inyong lahat. "
" He's a victim of circumstance, " nagliwanag ang lahat kay Patricia. " Alam niyang pareho sila ng lugar na pinanggalingan ni Paolo. Ginamit niya ito to throw you off your investigation. "
Napaupo uli sa silya si Jay. Sa mga napag-alaman nila ngayon, back to zero uli ang imbestigasyon.
Ilang sandali pa ay lumabas na mula sa operating room ang doktor.
" Ligtas na ang pasyente, " sabi nito. " Kailangan lang niya ng maraming pahinga. Bukas pwede nyo na siyang makausap. "
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
" Hindi mabuti ang kalagayan ng anak natin, " sabi ng daddy nila.
Nasa sala silang dalawa ni Stephanie at naglalaro pero naririnig niya ang mga magulang na nagtatalo sa kusina.
" Fred bata lang si Jeremy! " sabi naman ng mommy nito. " Hindi niya alam ang ginagawa niya. "
" Arlene, nung una may inapakan siyang ibon na nahulog sa sanga. Sumunod naman may nilunod siyang pusa. At ngayon naman tuta ang pinatay niya, " paliwanag ni Fred. " Baka sa susunod saktan na niya ang kapatid niya. "
" Hindi mangyayari yun, " sambit ni Arlene na umiiyak. Likas sa isang ina ang ipagtanggol ang anak.
Napabuntunghininga ang lalake. Hinawakan sa mga balikat ang asawa. " Look. Tanggapin nating may problema si Jeremy. Hindi normal sa isang bata ang manakit ng hayop. "
BINABASA MO ANG
Shhh... Wag Kang Sisigaw
Misterio / SuspensoTumakbo ka... magtago ka. Pero ano man ang mangyari... ano man ang makita mo.... Shhh... Wag kang sisigaw!