Chapter 5: The Grim Messenger

451 7 2
                                    

" Daddy! " masayang sabi ng isang maliit na batang babae habang sinasalubong ang ama.

" Baby! I missed you, " masaya namang niyakap ni Michael ang anak. Pagkatapos ay niyakap rin ng mahigpit ang asawa. " Hon! "

Sa may di kalayuan ay ang abogado niya na kausap sina Jay at Detective Bautista. Nasa presinto sila at kasalukuyang inaayos ang release papers ni Michael.

Pagkatapos makausap ang abogado ay nilapitan ng dalawa si Michael at ang pamilya nito. Sinenyasan ni Michael ang asawa na dalhin muna sa malayo ang bata.

" Maraming salamat detective, " turan nito kay Jay.

" Pasalamat ka sa pangalawang biktima at napatay siya habang nakakulong ka, " sagot naman ni Bautista na bahagyang napatawa.

Tiningnan ni Jay ang partner. Ganun talaga si Detective Bautista. Kung minsan hindi mo nagugustuhan ang sense of humor. Pero pinagsasalamat na lang nito na magaling din itong imbestigador.

Ngumiti lang si Bautista at nagkibit balikat.

" Wag ka munang magpasalamat, " sabi ni Jay sa architect. " Kailangan pa namin ang kooperasyon mo. Kailangan nating malaman kung bakit ikaw ang sineset up ng killer. "

" May naiisip ka bang tao na maaring gumawa sa iyo nito? " tanong naman ni Bautista. " Isang kaaway, o taong may galit sa iyo? "

" Detectives, hindi ako perpektong tao. Maybe I have done some mistakes in the past, " panimula ni Michael. " Pero hindi ako masamang tao. At wala akong maisip na sino man o kadahilanan kung bakit may makakagawa sa akin nito. Ganito karumaldumal na krimen? Malalim na galit at poot lang sa mga taong involved ang pwedeng magtulak sa isang tao to do such crime. "

Nag-isip ng malalim si Jay. Sino kaya ang pwedeng magtanim ng galit sa pinsan nitong si Bea at sa mga kaibigan nito? At sa anong kadahilanan?

" Well gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa inyo sa paglilinaw ng kaso, " sabi ni Michael. " Asahan niyo ibibigay ko sa inyo ang full cooperation tungkol sa imbestigasyon. But if you will excuse me detectives, naghihintay na sa akin ang pamilya ko. "

Tumango si Jay at pinagmasdan si Michael na masayang lumapit sa asawa at anak na naghihintay sa kanya.

Mayamaya ay hinugot ni Jay ang cellphone niya na nasa bulsa at dinial ang number ni Bea.

" Jay, " sagot ni Bea na kalalabas lamang ng shower.

" Insan, wag kang aalis ng bahay, " sabi ni Jay. " Wag kang aalis. Papunta na ako dyan. "

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

" Magkape ho muna kayo sir, " paanyaya ni Andrew kay Torres at sa isa pa nyang kasamahang pulis. Nasa labas sila ng bahay ng binata para magbantay. May mga pulis ring sumama kina Clarisse at Troy. May pinadala rin sila na mga police escort sa Cafe Ortiz para kay Patricia. Kasalukuyan namang andun sina Jay at Bautista sa bahay ni Bea.

" Naku salamat po sir, " sabi ni Torres habang kinukuha ang isang tasang kape kay Andrew at inaabot naman ang isa sa kasama.

" Baka gusto niyo hong pumasok sa loob? " tanong ni Andrew. " Masyado hong malamok dito sa labas. Pagpasensyahan niyo na po ang lugar namin. "

" Okay lang po kami dito sir, " sagot naman ng pulis. " Maraming salamat po. "

" Andrew anak, " sambit ng ina ni Andrew na si Aling Lorena sa likuran nito.

" O nay, " sabi naman ng binata. " Ba't ho kayo bumangon? Malamig ho dito sa labas baka mahamugan kayo. "

" Okay lang ako anak, " sagot ni Aling Lorena. " Nag-aalala lang kasi ako sa'yo at sa mga nangyayari. Eto nga't kailangan pa tayong bantayan ng mga pulis. "

Shhh... Wag Kang SisigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon