Chapter 3: The Reunion

626 12 3
                                    

" Kailangan nating maestablish kung ano man ang koneksyon nyong lahat sa kaso ni Stella Perez at kung bakit lahat kayo nakatanggap ng mga threatening notes na ito, " sabi ni Jay sa kanila. Nakaupo na silang lahat sa dining room.

Tabi tabing nakaupo sila Bea, Paolo, at Patricia. Nasa kabilang side naman ng mesa sila Clarisse, Troy, at Diane. Habang nasa dulo naman nakapuwesto si Andrew.

" Bago nangyari ang pagpaslang kay Stella, " may napansin ba kayong kakaiba? " tanong ni Jay. Binaling nito ang tingin sa pinsan na si Bea. " May napansin ka bang taong umaalialigid dito sa bahay? "

Umiling si Bea.

" May mga natanggap na ba kayong mga death threats prior to this? " tinanong naman ni Jay sila Clarisse.

" No, " sagot nito.

" Kailangan ko ang mga sulat na mga natanggap ninyo. Kakailanganin ko ito sa imbestigasyon, " patuloy ni Jay. " Andrew, pwede ko bang makuha ang natanggap mong sulat? "

" I'm sorry, " sagot ni Andrew. " Sinunog ko na ang sulat. Ayokong makita ito ng pamilya ko. Baka matakot lang sila. "

" You did what? " sambit ni Clarisse.

Bigla namang nagring ang cellphone ni Jay. Hinugot niya ito mula sa bulsa ng pantalon at sinagot. " Hello? " Sandaling nakinig sa kausap sa kabilang linya. " Okay, pupunta kami diyan. "

Bumaling siya sa grupo. " Nakita daw ang suspek na si Architect Michael de Guzman ng mga airport security. Sinubukan daw nitong lumabas ng bansa. Hawak na siya ngayon ng mga pulis. Kung gusto nyo, sumama kayo sa akin sa presinto. "

Nagkatinginan sina Clarisse at Diane.

" May problema ba Clarisse? " tanong ni Jay dito.

Nilibot ni Clarisse ng tingin ang mga kasamahan sa kuwarto, pagkatapos ay nagsalita.

" S-si Architect Michael de Guzman, " mahinang sagot nito. " Siya ang architect ng nasunog na dorm sa university. "

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

" Like i said, wala akong alam sa sinasabi ninyo!, " pagtutumangging sagot ni Michael de Guzman. Nakaposas ang mga kamay na nakaupo sa interrogation room.

" Kung wala kang alam bakit ka nagtatago sa batas? " tanong ni Detective Bautista sa kanya. " Nagtangka ka pang lumabas ng bansa. "

" What do you expect detective? " sagot ni Michael. " My face is plastered all over the news! Wanted ako sa isang krimen na hindi ko naman ginawa! "

" So hindi mo kilala ang biktima na si Stella Perez? " sarkastikong tanong ni Bautista sa kanya.

" Never in my life have I heard that name detective, " ang sagot ng architect.

" So paano mo maipapaliwanag ang mga records ng mga pag-uusap nyo ng biktima sa internet? " sabi ni Bautista habang nilalapag sa mesa ang mga dokumentong naglalaman ng mga chat records nila ni Stella. " Ayon dito, 2 buwan na kayong nagchachat ni Ms. Perez. May mga nakuha rin kaming mga litrato mo sa computer niya. At ayon sa isang testigo ay ikaw ang kausap ng biktima na magkikita kayo sa oras at lugar na kung saan nangyari ang krimen. "

" This is ridiculous! " sabi ni Michael habang binabasa ang mga papel. " Hindi ako nakikipagchat detective. And I don't even know how that woman got my photos! "

" Ang babaeng sinasabi mo ay pinatay architect! " pagalit na sabi ni Bautista. " Ngayon ang gusto kong malaman ay kung ano ang motibo mo sa pagpatay sa kanya?! "

Shhh... Wag Kang SisigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon