" Manang Doris, " tawag ni Clarisse sa matandang kasambahay. Alas siyete na ng umaga at papasok pa siya ng opisina ng alas diyes.
" Ay good morning po mam, " sagot naman ng katulong.
" Si Sir Troy mo? " tanong nito sa matanda.
" Ay nasa poolside po mam. Nagbabasa po ng dyaryo. "
" Okay, " sabi ni Clarisse habang naglalakad sa direksyon kung nasaan ang swimming pool. " At saka pakidala na rin yung breakfast namin. Dun na kami kakain. "
" Opo mam. "
Binuksan ni Clarisse ang sliding door papuntang swimming pool at nakita niya ang kasintahang nakaupo at nagbabasa ng newspaper.
" Hey good morning babe! " bati ni Troy sa kanya.
" Good morning, " nakangiting sagot ni Clarisse sabay binigyan ng halik ang lalake, saka umupo sa katapat na upuan nito.
" Did you sleep good? " tanong ni Troy.
" With all the things happening? " iling ni Clarisse. " You tell me. "
Tinupi ni Troy ang binabasang newspaper at nilapag sa mesa. " Babe, stop worrying. Masyado ka ng stress. "
Nagbitiw ng buntong hininga ang dalaga. " I don't know babe. Hindi ba dapat mag-alala tayo sa mga nangyayari ngayon? "
Tumayo si Troy at minasahe sa balikat ang dalaga. " I have a better idea babe. Why not go out of the country? Magbakasyon tayo. Take a pick. Sa U.S., sa Europe, o kahit sa Singapore. Just to take your mind off things. "
" Hindi pwede babe, " sabi ni Clarisse. " Alam mong marami akong inaasikaso sa opisina. Especially now na wala na si Daddy. "
Umupo uli si Troy sa katabing upuan ng dalaga. " O kung ayaw mo ng out of the country trip eh di out of town na lang. We could book a trip to Palawan maybe. Just for a couple of days. "
Tututol pa sana si Clarisse sa suggestion ng nobyo ng pinutol ang pag-uusap nila ng katulong na si Manang Doris.
" Mam, " sabi ni Manang Doris. " Andito po si attorney. Hinahanap po kayo. "
" Okay papasukin mo siya Manang, " sagot ni Clarisse.
Mayamaya pa ay pumasok ang family lawyer nila na si Attorney Robles.
" O attorney, what can I do for you? "
Seryoso ang mukha ng abogado na sinagot si Clarisse. " Iha, we have to talk. "
" Broke?!!! What do you mean broke attorney?!!! " galit na tanong ni Clarisse sa abogado. Nasa loob sila ng home office ng dalaga. Si Troy nakatayo sa may sulok.
" Lubog na pala sa utang ang daddy mo iha. Matagal na palang bankrupt ang kompanya, " nalulungkot na sagot ni Attorney Robles.
" What about the hotels attorney? The malls? Yung share namin sa Philippine Power Company?! "
" Lahat ng mga negosyo na pag-aari ng pamilya ninyo ay nakasangla sa banko. Ang share niyo naman sa power company, from what I have just learned, is naibenta na rin ng daddy mo sa iba. " sagot ng abogado.
" How did this happen?! " galit na galit ang dalaga. " How did all these get past you? Abogado ka ng pamilya, dapat alam mo lahat ng nangyayari! "
" Last year pa pala nagdeclare ng bankruptcy ang daddy mo Clarisse, without my knowledge, " paliwanag ni Attorney Robles. " He got another lawyer to take care of everything. Marahil sa kadahilanan na nag-iingat ang daddy mo na hindi makarating sayo ang masamang balita. Ayaw niyang mag-alala ka. "
BINABASA MO ANG
Shhh... Wag Kang Sisigaw
Misterio / SuspensoTumakbo ka... magtago ka. Pero ano man ang mangyari... ano man ang makita mo.... Shhh... Wag kang sisigaw!