I am Stephanie Marie Sabrina Madrigal Dela Torre. Hahaha. Ang ikli ng pangalan ko noh.May galit ata sakin mga mgulang ko kaya ang haba ng ibinigay nilang pangalan sakin. Pero ok lang mahal ko naman sila at sobrang mahal din nila ako. Nag-iisa ata akong anak na babae.
Sabi nga i'm the flower between 4 torns. Hahaha. Nag imbento daw.
Pero totoo nag iisa akong anak na babae kaya lahat ng gusto ko bigay lahat as in lahat. Ako ang precious gem sa pamilya at ako din ang bunso.
"Hi mom, hi dad!" masayang bati ko sa mga magulang ko ng dumating ako sa bahay galing sa school.
Humalik ako sa pisngi ni mom at ganun din kay dad. Hindi na uso samin ang of pagmamano kasi parang sign of respect na din ang pag halik sa pisngi.
"kumusta ang aming precious?" tanong sakin ni mom. Nakangiti siya ngunit may napansin akong kakaiba? Parang malungkot si mommy.
"I'm fine mom. My schooling is ok din naman." sagot ko na nakakunot ang noo. "Is there something wrong mom?" tanong ko nung tila parang may sasabihin sakin si mom na hindi nya masabi. Si dad naman nakatingin lang samin.
"It's nothing anak." sabi nya. Tinitigan ko lang siya na parang hindi naniniwala sa kanya.
Kilala ko ang mom ko. Ganan yan kapag may gumugulo o bumabagabag sa kanya. Hindi din siya tumitingin sa akin habang nagsasalita. Halatang may itinatago siya na hindi ko malaman.
"Mom i know you. You want to say something." sabi ko.
Tumingin lang siya kay dad na parang humihingi ng tulong.
"Dad what is it?" tanong ko kay dad. dahil mukhang walang planong magsalita si mom.
Huminga muna ng malalim at tumikhim si dad bago nagsalita.
"Anak, alam mo naman kung gaano ka namin kamahal ng mom mo at ng mga kuya mo di ba?" tanong sakin ni dad.
"Of course dad i know how much you love me and cared for me." naguguluhan kong sagot. "Ano ba talagang nangyayari dad?"
"Ganito kasi yon anak." sabi ni dad at nagsimula ng tumulo ang luha ni mommy kahit wala pa namang sinasabi si dad. "HINDI KA NAMIN TUNAY NA ANAK." mahinang sabi ni dad pero narinig ko pa din.
Parang biglang gumuho ang mundo ko at tumigil ang pag inog nito. hindi ako makapaniwala.
All this time pala isa lang akong ampon. I'm an orphan! Hindi ako makapagsalita basta nakatulala lang ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.
Bigla akong tumakbo palabas ng bahay nasanggi ko pa ang isa sa mga kasambahay namin. Narinig ko pa ng tawagin ako ni Mommy.
Lumabas ako ng bahay at sumakay sa kotse ko na niregalo sakin ni Kuya Samuel noong nag seventeen ako.
Paborito kasi akong kapatid ni kuya Samuel eh. Siya ang paganay sa aming lima. Ay apat na lng pala sila dahil nga ampon ako eh... ampon...
Nagmaneho lang ako ng nagmaneho hanggang sa makarating ako sa may Roxas Boulevard.
Bumaba ako ng kotse ko matapos kong maipark. Umupo ako sa may bench dun na malapit sa dagat. Pinagmasdan ko lang ang karagatan.
Hindi ko namalayan na may tumutulong luha na sa aking pisngi. Nagulat na lang ako ng mapasigok ako.
"Hay ang tanga ko naman umiiyak ako." sabi ko sabay punas ng marahas sa aking pisngi. Ang ayoko sa lahat ay ang umiyak at masaktan ng ganito.
Oo nasasaktan ako ng hindi ko alam ang dahilan. Gusto kong magalit sa totoong mga magulang ko kung bakit nila nagawang ipamigay ako. Marami akong gustong itanong sa kanila.
BINABASA MO ANG
Te Amo Senyorita
RomanceWhat if one day magising ka na hindi pala ikaw ang taong inaakala mong ikaw? At ang mga taong nakapaligid sayo ay hindi pala dapat na syang nakakasalamuha mo. Ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mong hindi ka totoong anak ng mga kinilala mong mag...