Nagulat kaming lahat sa biglang nagsalita. Napalingon kaming lahat sa may pinto ng classroom namin at nakita ko ang lalaking kanina ko pa inaantay na bumati sa akin pagkagising ko.
Nilapitan ako nito na tila nag-slow motion sa paningin ko. Tila wala ng taong nakapaligid sa amin tanging siya lamang ang nakikita at ang mga tunog ng sapatos nito lamang ang naririnig ko ng mga sandaling iyon.
Pati ang tibok ng puso ko ay hindi ko maintindihan sa sobrang lakas ng tunog nito. Na tanging si Jhesther lamang ang nakakagawa nito sa akin.
Napakurap pa ako ng lumapit ito sa akin at itikom ang aking bibig. Hindi ko napansin na nakaawang na pala ito.
"Close your mouth dear. I know I'm terribly handsome. Happy birthday," Nakangising sabi nito na sinabayan pa ng pagkindat sa akin na siyang lalong nagparigidon ng puso ko.
Namula naman ako sa pagkapahiya ngunit niyakap lamang ako ni Jhesther at hindi na pinansin ang pamumula ko. Napayakap na lamang din ako dito at hindi ko mapigilan na mapaiyak.
Naramdaman siguro nito na nabasa ang damit nito kaya marahan akong inilayo nito sa sarili at tiningnan sa mata.
"Why are you crying?" marahan na tanong nito sa akin.
Napailing lang ako at muling niyakap ito. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan sa tanang buhay ko. Kakaibang saya na bago sa akin.
Nagpalakpakan naman ang mga kaklase namin na tila nanonood ng isang shooting ng pelikula.
Napapahiyang lalo akong nagsumiksik sa dibdib nito.
Maya-maya lamang ay nagsimula na muli ang aming klase dahil dumating na ang aming professor at nagsipuntahan na kami sa aming mga pwesto.
Nang matapos ang klase ay niyaya ako ng mga kaibigan ko na magpapasalon daw. Pumayag naman ako dahil ipinagtulakan din ako ni Jhesther na sumama sa mga ito. May date daw kami nito mamaya. Kinilig naman ako sa sinabi nito at nagpatianod na lamang ako sa mga kaibigan ko.
Mahigit dalwang oras kami sa salon. Nagulat pa ako sa ayos ko hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang hindi ako ito. Pati ang mga kaibigan ko ay ang gaganda din ng ayos. Para kaming mga dyosa sa ayos namin. Damit ko nga lamang ang hindi gaanong maganda.
Binawasan ng kaunti ang medyo may kahabaan kong buhok na bumagay naman sa akin sa palagay ko. Nilagyan din nila ako ng kaunting makeup dahil daw birthday ko at may date daw ako. Ang damit na isusuot ko daw ay dadaanan ko na lamang daw sa bahay.
Nagulat pa nga ako ng makalabas kami ng salon dahil yong driver lamang namin ang naabutan ko at wala ang mga bodyguard ko na palaging nakasunod sa akin kahit saan ako magpunta.
Naghiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan at nag-paalaman sa isa't-isa. Nagtataka man ay nagkibit balikat na lamang ako. Hindi ko nga namalayan na ibang way pala ang dinaanan namin pauwi at mukhang napalayo pa ang dinaanan namin.
BINABASA MO ANG
Te Amo Senyorita
RomanceWhat if one day magising ka na hindi pala ikaw ang taong inaakala mong ikaw? At ang mga taong nakapaligid sayo ay hindi pala dapat na syang nakakasalamuha mo. Ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mong hindi ka totoong anak ng mga kinilala mong mag...