Ayon mag kaklase nga kami ng mukhang unggoy na iyon.At panibagong pakilanlan na naman pero syempre hindi ko sinabing apo ako ng may ari.
I know malalaman din naman nila eh at chaka ayoko ngang ipagkalat na apo ako ng matandang hukluban na iyon.
"Miss Fernandez, where do you want to sit?" tanong ng prof namin.
Ako nga pala iyon. Mabilis na naipabago ni lolo ang apelyido ko. Syempre naninibago pa din naman ako kasi hindi naman iyon ang last name ko dati kaya hindi agad ako nakasagot sa prof at inulit pa niya ang tanong. Dun pa lang ako natauhan.
"Ahh... ehh..." hindi ko alam ang sasabihin ko buti na lang may nakita akong vacant sit at itinuro iyon. "On that chair na lang po ako." turo ko.
"Okay you can go now." sabi nung prof.
Hindi naman gaanong kilala ang apelyido ng lolo ko kahit siya ang may ari. Basta don Alejandro lang ang pagkakakilala sa kanya dito sabi sakin nung isa sa BG (short for body guard) ko. Tanging ang mga closest friends lang ni lolo ang may alam ng totoong pagkatao nya.
Amputek ha si unggoy pala ang katabi ko hindi ko kaagad napansin. Asar much ito.
Buti na lang hindi na sya namansin kaya natapos ang klase ng mapayapa.
"Hay ang hirap naman nito wala man lang makausap hindi ako sanay." Sabi ko sa sarili ko nasa canteen na ngayon para kumain. Ayokong lumabas ng campus eh. Tinatamad ako. :)
"Hi Miss pwedeng maki-share?" tanong sakin ng magandang babae. Nakangiti sya at mukha namang friendly kaya tumango na lang ako.
"By the way ako nga pala si Venice." pakilala nya at inilahad pa ang kamay sa akin
syempre suplada ako nag-alangan muna ako kung tatanggapin ko ba o hindi. at sa huli nakipag hand shake na din ako tutal bago lang naman ako sa school na ito. kailangan ko din ng friend.
"Sabrina nga pala."sabi ko ng matanggap ko na yong kamay nya at syempre ngumiti na din ako.
"I know." Malumanay na sabi ni Venice. "Classmate kasi kita kaya kilala kita." sabi niya pa.
"Ahhh..." tumatango-tango kong sagot.
"Transferee ka pala." she started talking ang daldal nya ha. "San ka galing na school?" tanong pa nya.
"Ah sa sacred heart ako galing." sagot ko. wala na akong planong dugtungan yon eh tinatamad nga akong magsalita eh. am bad ko talaga.
"Pwede ba tayong maging friend?" sabi pa nya.
patay naman ako gustong maging friend? Sige na nga papayag na ko.
"Sure why not." nakangiting tugon ko. Ngumiti din sya ng super tamis. oo as in nalasahan ko lasang chocolate nga eh. ang cute nya kasing tumawa nawawala ang mga singkit nyang mata.
"Ayan may new friend na ako." sabi nya na pumalakpak pa. napatingin tuloy samin ang mga kumakain sa canteen. ngumisi lang kaming dalawa sa mga usyosero't usyoserang nakatingin samin.
Kumain kami ng sabay at nagkwentuhan ng may marinig kaming mga nagtitilian.
"Ano ba yan ang ingay ano bang meron?" Tanong ko.
"Ah wag mo ng pansinin ang mga yan. Mga echoserang Froggy lang ang mga yan na nangangarap mapansin ng mga hearthrob ng schoool." si Venice.
"Ahh ok sabi mo eh." itinuloy ko na lang ang pagkain.
Nagulat pa ako ng may umupo sa tabi ko. Ano ba yan di na natapos ang nang-aaabala sa aking pag lafang. kaasar na ha hindi na ito nakakatuwa.
Tawagan ko na lang kaya ang mga BG ko para paalisin ang lahat ng tao dito para makakain ako. Lol. Syempre joke lang yon. Kawawa naman ang mga magtitinda dito wala ng kikitain.
BINABASA MO ANG
Te Amo Senyorita
Любовные романыWhat if one day magising ka na hindi pala ikaw ang taong inaakala mong ikaw? At ang mga taong nakapaligid sayo ay hindi pala dapat na syang nakakasalamuha mo. Ano ang mararamdaman mo kapag nalaman mong hindi ka totoong anak ng mga kinilala mong mag...