Chapter 55 : Besties Part 1 (:

104 3 1
                                    


Francine's --

"Adrian????" Gulat kong sinabi. Halata naman diba?

"Francine????" Sabe naman niya pabalik

**

It's been years ever since I've met him. Adrian, Adrian Anderson. Siya yung Katangi-tanging ex ko na minahal ko ng sobra at ang naging dahilan kaya ako nagkaroon ng para bang pagka-amnesia. Nung mga time kase na yun, Na may kami pa — Hindi ko alam kung anong nangyare samin.

Para bang bigla nalang nawala lahat? In just a snap, Nagbago ung pagmamahal niya sakin. That time — Paulit-ulit kong tinatanong sarili ko... "Anong kulang sakin?" "May mali ba?" "Anong pagkukulang ko?" Mga ganyang bagay. Hanggang sa hindi ko na kaya, Parang nagbreakdown nalang ako.

-Flashback-

"Anong mali satin? Anong mali SAKIN?" Sabe ko habang umiiyak na ng sobra

"There's nothing wrong with you Francine!! Okay? Wag mong iisipin na ikaw ang may kasalanan dito. You don't know what's happening"

"Then helped me try to understand everything! Ano bang kailangan kong gawin? Ha?" Unti-unti akong lumapit sakanya tas hinawakan ko ung kamay niya "Please? Tulungan mo naman ako oh"

Ni-lean ni Adrian ung Noo niya sa Noo ko. Habang tahimik kaming dalawa, andame ng pumapasok sa utak ko. Please? Please? Wag muna. Ikaw na Adrian eh.Mahal na mahal na mahal na kita eh. Alam ko na we're still too young for this one, But I can't help it so much.

I'm not used to push people away from me, Especially kung importante sila sakin — Si Adrian ang dahilan kung bakit ganto ako ngayon. Alam mo yun? Masayahin, Parang kahit anong problema yung dumating sa buhay ko. Kayang-kaya ko. Kase hindi ako nag-iisa.

Siya yung tipo ng lalake na kahit anong mangyare, hndi talaga siya aalis sa tabi mo kahit gano pa siya kabusy. Kase, alam niyang kailangan mo siya. Hndi siya magdadalawang isip na itigil lang ng ginagawa niya para sayo.

We may be perfect in the eyes of others, But there are times na nag-aaway rin naman kami. Sympre tao rin naman eh? Kaya ayun. Pero what now? I know it's unusual na parang babae pa nagmamakaawa na sana wag kaming magbreak. Pero wala eh, Pag mahal mo — Mahal mo. Ganun lang naman kasimple yun eh.

"Francine?" Sabe niya habang hinawakan muka ko. Ako naman, tumingin sakanya eye-to-eye habang nag iintay kung anong bad or Good sasabihin niya. Tumungo si Adrian tapos parang kinu-kusot, kusot ung mata mga niya. "What?" Kinakabahan kong sinabi "What Adrian?"

Bigla siyang humarap sakin tas nakita kong lumuluha yung mga mata niya, And that's it — I know something I don't like will happen tonight. "I'm Sorry" Bigla siyang lumuhod sa harapan ko habang hawak hawak ng mahigpit yung kamay ko. Pagkaluhod niya sinabi niyang "I'm sorry, But this won't work anymore. Thanks for everything you've done to me. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal na mahal kita."

"Huy, tumayo ka nga dyan." Sabe ko habang hinihila siya pataas pero nagpupumigil siya. This is the moment na never kong ineexpect na mangyare saming dalawa. Maya-maya pa, Biglang kumukulog-kulog na. Is this a sign? Para kase sakin kapag uulan it means loneliness or sadness. "Adrian, Tumayo ka na dali" Sabe ko habang hinila siya pataas. "Bat kailangan mo gawin yun? Ano nanaman ba yang sinabi mo?"

"Let's end this up"

"Wha-what?! Ano?! Bakit?!"

Umiling lang siya na parang clueless sa sasabihin niya. "Hindi mo ko maiintindihan sa ngayon eh"

"May involve ba?!"

"Wala.. Walang involve. Ikaw lang ha? Ikaw lang?"

"Then ano — Anong nangyayari?"

Concert Queen 2 : Sequel to Concert QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon