22 A Playboy & A Playgirl

103 4 2
                                    

A Playboy & A Playgirl

Chapter 22

Aiden POV

Yes salamat nalaman kong inlove pala sa akin si curdapia thanks to my auntie. Ang bait talaga ni Lord sa akin.

"Pare ano ang iniisip mo?"

"Iniisip ko ang princesa ko!"

"Asus pare, princesa oh baka naman playmate?"

"Princesa yon pare ano ka ba, alam mo naman mala princesa ang ganda nun!"

"Hay naku pare, nakahanap ka na ng katapat mo! Alam mo ba na ang princesa mo ay ex boyfriend niya ang mga tatlong yan!"wika ni mike na isa rin sa mga barkada niya, pinaka matino sa lahat si mike.

"Alam ko pare, ako pa nga ang dahilan kung bakit sila hiniwalayan ni jocelyn!"

"Talaga, bakit hindi ko nalaman yun."

"Eh paano mo malalaman pare kung absent ka nitong buong week, ano nga pala nangyari sa iyo?"sabat ni sam, sabay tapik sa balikat ni mike.

Napayuko naman si mike.

"oh anu yan, mukhang may problema ka ah!"tanong ko.

"Ikakasal na ako, sa susunod na linggo!"

"ANO!"sabay namin wika ni sam.

"Nakadisgrasya ako pare, kaya kailangan ko siyang pakasalan!"

"akalain mo ang matinong to, mauuna pa sa atin tol!"natatawang wika ni sam.

"Hoy tumigil ka nga! Mike pare, ok lang magpakasal ka basta mahal mo ang babaeng yun!"

"Yun nga pare eh, hindi ko siya mahal!"

"Sira ulo ka pala eh! Bakit hindi ka nag ingat!"

"Nag ingat naman ako pare, malay ko bang may butas ang trust na gamit ko."

"tsssst! Pakasalan mo nalang, baka matutunan mo din siyang mahalin balang araw!"

"Yun nga eh, sa Sabado na ang kasal ko, punta kayo ah!"

"Oo naman, dadahin ko pa si princess ko para hindi ako maboboring dun!"

"ako rin dadalhin ko si michelle ko!"sabay ni sam.

"Michelle? Kayo na ulit?"

Nagkamot siya ng batok..

"Oo eh, mahal ko yung tao eh!"

"Eh diba may boyfriend na yun?"

"meron nga, ok lang na pangalawa ako!"

"hahaha ano na ang mga nangyayari sa sa atin, ikaw sam dating playboy, pumapayag na maging laruan ng isang playgirl. At ikaw aiden, ang dating playboy naiinlove sa playgirl. At ako ang matino sa lahat, mauuna pa akong magkapamilya kaysa sa inyo, magkakabarkada nga tayo."

"hahaha tama ka pare, atlist pare may paninindigan tayo!"wika ko

"tama"wika ni sam.

"Pare teka lang muna, diba yon yung princesa mo?"

"Saan?"

"Hayun oh, nasa gitna ng field, may mga napalibot sa kanyang mga babae rin!"

"Oo nga siya nga, teka bakit sila nandiyan?"

"Lapitan mo kaya!"

"sige!"wika ko sabay tayo.

"Sandali pare, yung mga ex niya oh, papalapit sa kanila."

"Pare sandali lang pupuntahan ko muna siya!"wika ko sabay tayo.

Naglakad na ako papunta sa field.

"You bitch! Lahat nalang ng hots guy dito sa school pinaglalaruan mo!"narinig kong wika ng babae sa kanya.

"At bakit! Ako ba ang lumalapit sa kanila? Hoy christine! Sila ang lumalapit sa akin kaya hindi ko na kasalanan kung bakit ko sila pinaglalaruan!"

"Walang hiya ka talaga, akala ko ba hindi mo siya gusto at ipapaubaya mo siya sa akin!"wika ni christine sabay sabunot kay curdapia.

"HOY!!"sigaw ko at patakbong lumapit sa kanila.

Sige pa rin ang sabutan nilang dalawa.

Ang mga Ex ni curdapia, pinipigilan si christine.

Pumunta ako sa gitna nila.

"STOP THAT!!"galit kong wika kay christine.

Tinanggal ko ng sapilitan ang kamay nito sa ulo ni curdapia.

"Ikaw huwag na huwag mo siyang sasaktan kung ayaw mong mapatalsik dito sa paaralan ito, naintindihan mo!"galit ko wika.

"Bakit siya, nandito naman ako!"medyo mangiyak ngiyak niyang wika.

Hindi ako sumagot,

hinila ko si curdapia palayo sa kanila.

"HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KITA MAKUKUHA TANDAAN MO YAN!"sigaw niya na may halong pagbabanta.

"YOU WILL NOT WIN!!"sagot ko rin.

Dinala ko si curdapia sa opisina ni tita.

"Anong masakit sa iyo?"tanong ko.

"Wala ok na ako, salamat!"

"wala yon, basta kapag may gagawin silang hindi maganda sa iyo sabihin mo sa akin!"

"Pwede ba layuan mo nalang ako!"

"ha-bakit?"

"Ikaw ang dahilan ng pag aaway namin ni christine! Ayaw ko ng gulo, siguro naman alam mo ang pinagdadaanan namin ng mommy ko! Ayaw ko ng makadagdag sa problema niya!"

"hindi-hindi ko yon gagawin!"

"Please! Layuan mo na ako! Babayaran ko nalang ang utang ko"wika niya sabay hugot ng checke sa bag niya.

At sinulatan ito.

"take this! Please, huwag ka ng magpakita sa akin!"

"curdapia naman, huwag naman ganun, mahal kita ngaun lang ako nagmahal ng totoo. Please huwag mo naman akong itaboy!" wika ko sabay yakap sa kanya.

Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Thanks for you're help!"wika lang niya saka tumayo.

"JOCELYN!"habol ko sa kanya.

"Aiden, sundin mo ang hiling ko!"

"Hindi ko kaya!"umiiyak kong wika, oo masakit na tinataboy ako ng babaeng mahal ko.

"Kung mahal mo talaga ako, handa kang maghintay ng tamang panahon, sa ngaun, ayaw ko ng gulo, hindi pa tapos ang problema namin ng mommy ko, ayaw kong dumagdag! Kaya please sundin mo ang hiling ko."wika niya ng hindi man lang tumingin sa akin.

"Jocelyn kaya naman kitang protektahan!"

"You're protection is not enough! Hindi naman tayo pareho ng classroom!

I don't want to bullied of anybody! Lalo na kung lagi kong kasama sa isang kwarto!"wika niya saka tuluyan ng lumabas ng opisina.

Napaupo ako sa sofa, hindi ko kayang mawala sa paningin ko si curdapia. I love her so much, sa dalawang linggo namin laging magkasama, nasanay na ako sa presensya niya.

Bakit ganun, kung kailan pa ako tumino saka naman dumating ang problemang to. 

A Playboy & A Playgirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon