49 A Playboy & A Playgirl

6 1 0
                                    

Aiden POV

"Ano po ang kailangan nila?"takang tanong ng babae. Na pumunta sa tabi ko At sinuksok ang susi sa gate para ito ay mabuksan.
"Where are they? at sino ka bakit mo binubuksan ang gate?" tanong ko sa babae na mediyo may katandaan na.

Kanina pa kasi ako katok ng katok kaso wala naman sumasagot. At mukhang wala ngang tao sa loob.

"Sa bathaman po sir, pinauwi po sila ng mahal na hari. Nagpupunta ako dito para maglinis kada linggo."

Sh*t...Nagmadali pa naman akong umuwi para sana maka usap siya, umalis pala ng,walang paalam.
"Kailan sila umalis?"
"Nuong isang linggo pa sir"
Kaya pala hindi ko matawagan ang phone niya even my son phone.

Sana hindi tama ang kutob ko.
"Sige ho salamat" Wika ko sa bumalik sa kotse ko

"Mike where are you?" Bungad ko pagkapasok   ko sa  sasakyan ko.
"I'm at my office why?"
"Send me the address of carmelita"
"You sure pupuntahan mo?"
"Yes why not, i need to clarify something"
"Okay, pero mag iingat ka maraming press na umaaligid sa iyo."
"Yeah i know that, thank dude"
"Okay bye."

Pagkatangap ko ng  text ni mike agad akong nagmaneho papunta sa bahay ni carmelita.
Sa totoo lang wala pa akong tulog dahil hindi sinasagot ni jocelyn ang tawag ko. O tamang sabihin nq naka off ang cellphone nilang mag ina.
Kailangan kong makausap si carmelita para sa kapakanan ng anak ko sa kanya.
Pagkatapos kong ayusin ito, susunod ako sa mag ina ko sa bathaman. Sana hindi pa huli ang lahat.

"Aiden?"Bungad sa akin ni carmelita
"Can i come in?"Wika ko at pasimpleng pinagmasdan siya. Malaki ang pinayat nito, siguro nahihirapan siyang palakihin ang anak namin mag isa.
"A-ahh oo pasok ka, Pagpasensyahan mo na kung maliit lang ang bahay ko." Paumanhin niya.
"Its okay hindi naman bahay mo ang pinuntahan ko dito. Anyway where is my daughter?" Alam kong pranka ako pero wala akong paki alam.
"Daughter?"Takang tanong niya.
"Yes, bakit hindi ba ako ang ama ng anak mo?" Balik tanong ko sa kanya.
"P-paano mo nalaman?"

Umupo muna ako sa maliit na sofa.
"I have my ways carmelita, so where is she?"Seryoso kong wika
"Ahhh tulog siya. Sandali kuhanan muna kita ng maiinom"

Buti naman at tulog ang anak ko, Baka hindi kami makapag usap kung gising ito.

"No need hindi ako magtatagal, Now tell me what do you want from me. Bakit kailangan mo pang ilabas sa media na may anak tayo?" Galit kong wika.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, Nagulat nga ako ng madamay ang pangalan ko"
"Really?Then sino ang nakakaalam na ako ang ama ng anak mo?"
"Wala akong pinasabihan "

"You should tell me the truth carmelita, para maparusahan ko ang gumawa ng issue na  yan. Alam kong totoo pero dahil sa ginawa niya Lumayo ang babaeng mahal ko."

"I'm sorry pero wala talaga akong alam, nilihim ko nga ang pinagbubuntis ko. Dahil kapag malaman mo magagalit ka sa akin at pati na ang anak ko.Dahil alam kong hindi mo siya matatanggap. Dahil bunga lang siya ng pagkakamali. Sa una palang alam ko na na hindi mo siya matatanggap dahil nuong may mangyari sa atin akala mo ako si jocelyn."Umiiyak na wika nito.

"Tatanggapin ko ang anak ko dahil sa dugo't laman ko siya galing, pero hindi ko siya mabibigyan ng kompletong pamilya. Alam mo naman kung sino ang mahal ko. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan niya. Pero huwag lang ang kompletong pamilya. Now tell me the truth Carmelita."

"Si... m..ommy lang ang nakakaalam na buntis ako pero hindi ko sinabi kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko."

Umigting ang panga ko , hindi nga ako nagkamali ang mommy niya na mukhang pera ang may kagagawan nito.

A Playboy & A Playgirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon