Lost Chapter

7 1 0
                                    

Aiden POV

Nagising ako dahil sa ingay, Nakita ko ang mommy ko na umiiyak .
"Mommy di pa ako patay!"
"Letse kang bata ka pinag alala mo kami ng daddy mo!"Wika ni mommy syempre may kasamang palo.
"Array mommy masakit!"
"Sorry baby!" wika nito saka niyakap ako.
Eto na naman tayo baby na tawag niya.
"Mom nasaan si mike?" Tanong ko kay mommy
"Nasa prisinto, dinala niya lahat na ebidensya na hawak mo. "
"Sino pala ang nagdala sa akin dito?" Tanong ko ulit.
Naalala ko ulit ang nanyari  bago kami bumangga.

Flashback

Buti nalang nasa loob ng suit ko ang ebidensya. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse at agad na tumalon.  Kasunod nun ay ang pagliyab ng sasakyan
Sa bangin

Kahit masakit ang paa ko dahil sa pagtalon minabuti kong umalis sa lugar na iyon Para makahanap ng tulong. Akala ko katapusan ko na.
'Thank you Lord hindi mo ako pinabayaan.' Taimtim kong wika.

Nagpasya akong pumasok sa guba dahil sa tirit na ang araw. At meron akong nakitang kabahayan sa kabila nito kanina.

Pero hindi ko inaasahan mahaba pala ang kagubatan kaya nagpasya akong umupo at sumandal muna sa isang puno. Kinuha ko ang phone ko, 20% nalang ang battery nito. Buti nalang hindi nabasag. Sa paraan ito malalaman ni mike kung nasaan ako.

Nang nakapagpahinga na ako, nagpasyhan kong tumayo ulit. Pero nakakadalawang hakbang palang ako dumidilim na ang paningin ko. Siguro dahil sa wala akong kain simula kagabi at isabay pa ang pagod ko ngayon. Naramdam ko nalang napadapa ako sa lupa then everything went black.

End of Flashback

" Si mike, nakita ka niya sa kagubatan buti nalang nagka signal ang phone mo . Nakita ka niyang naliligo sa sarili mong dugo. Maputla akala ko mawawala ka na sa amin ng daddy mo. Anak sino ba ang mga kaaway mo, bakit ka nila gustong patayin?"

"Mga ka school mate ko dati mommy, Sila yung mga ex boyfriend ni jocelyn. Ako lasi ang may kagagawan kung bakit sila hiniwalayan ni jocelyn." wika ko, pero hindi ko maisip bakit umabot pa sa ganitong patayan.
Kung tutuusin para sa kabutihan nila ang ginawa ko.

"Yan yan ang napapala mo kapag kinuha mo ang gusto mo sa dahas.!"Sermon ni mommy
"Nasaan pala ang anak ko?" tanong ko kay mommy
"Nasa lola niya, ikaw bata ka paano mo haharapin si jocelyn ngayon may anak ka sa iba."
"Mom, alam na niya na may anak ako, kaya nga sila umalis eh. Pero gusto ko pa rin siyang pakasalan mommy. Kaya lilipad ako papuntang bathaman kapag okay na ang lahat."
"Sana matanggap ka niya, Wala ka talaga pinagkaiba sa daddy mong babaero."
"I heard my name sweetheart!"
"Che!  isa ka pa, kung bakit ba naman lahat namana sa iyo ng anak natin yan ugali mo pati yang pagiging babaero ko!" Inis na wika ni mommy kay daddy
"Sweetheart matagal na iyon gang ngaun pa ba hindi mo pa rin nakakalimutan?"
"Hmmmp, paano ko makakalimutan kung yun ang dahila kung bakit muntik ng masira ang pamilya natin. Pasalamat ka hindi mo anak iyon. Hindi tulad nito anak mo talaga naman nag kaanak pa sa ibang babae!"
"Mom stop, gusto ko ulit matulog."Wika ko nalang para tumigil na si mommy sa kakangawa.

Kasalukuyan akong nonood ng Balita sa Ipad ko. Nang may nagpop up na message sa Messenger ko.
Laking tuwa ko nang malaman galing kay jocelyn.

Babe,

I know your alive please tell me where you are, nag aalala kami sa iyo.

Rereplayan ko sana ng may umagaw sa Ipad ko.
"What the f**ck mike!" inis kong wika
"Diba sabi ko huwag kang magbukas ng kahit anong social media. Bakit ang tigas ng ulo mo!" Inis nitong wika
"I'm bored." nakabusangot kong wika.
Dalawang linggo na kasi ako dito sa ospital.
"Please lang makisama ka para sa inyo din ang ginagawa namin. Kaya nga ako naglabas ng report na nakasama ka sa pagsabog para lumabas ang mga kumag na iyon."

A Playboy & A Playgirl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon