Prolouge?

53 1 4
                                    

Nasanay akong lagi kaming nag-aasaran hanggang mauuwi sa away. Pakiramdam ko nuon sya yung taong pinakakinamumuhian ko,as in! SAGAD TO THE BONES! CAPSLOCK PARA DAMANG DAMA. Pano ba naman,umagang umaga tatawagin nya kong "Ethel bibe" kasi daw ang laki ng pwet ko para akong bibe. Di ba kabwisit? Di pa sya makukuntento,may isa pa syang tawag sakin, "Igat" di ko alam bat tinatawag nya kong ganyan. Ah basta! Kabwisit sya. Parang di matatapos ang isang araw na hindi nya ko aasarin,buti nalang natuto na ko at inaasar ko nalang din sya pabalik. Kapag napikon kasi ako,papangit ako which is ayoko namang mangyare. Haha! K.

Pero nung tumuntong kami sa hagdan este high school,di na nya ako gaanong inaasar,siguro nagmatured na sya, salamat naman at naisip nyang magmature di ba??. TEKA... parang may mali... di nyo pa pala ako kilala. Haha. Sa kakukwento about sa mortal enemy ko eh di na ko nakapagpakilala. Sensya naman no. Ako nga pala si Gabrielle Ayala. Ganda ng pangalan ko no? Pero mas maganda ako. ;) so itutuloy ko na ang nobela ko... nung freshmen palang kame,may naririnig na kong may gusto na saken ang mortal kong kaaway... pano ako nagreact? Wala lang. Ang taba nya kasi kaya ang ganda ko. Anong connect?? Haha. Inaasar parin naman nya ako paminsan minsan hanggang sa dumalang nalang talaga. Mga isang beses isang linggo. Hanggang sa hindi na. Parang magugunaw na ang mundo,bigla syang bumait. Friends na yata kame? Maybe. Malay ko ba kung trip lang ulit nya tapos aasarin na ako bukas.. Hanggang isang araw...

****

Trivia: sa mga di nakakaalam,yung igat po isang isda na mahaba. Eel sa english. Haha. Madulas at mahaba. Ulit ulit? Hahaha. Yun lang. Thank yow!

(YELLY)

Napag isipan kong ito muna yung tapusin bago ung Diwata-Engkanto Lovestory. Kasi naisip ko ang ganda ko kaya ito nalang muna. Hahaha

My Enemy Is My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon