Ang saya saya! Monday na naman... yohoho.. pangiti ngiti pa kong naglalakad papuntang school. Third year high school na ko.. Madami ng nagbago,yung school ko,uniform, natural! Yung buhok ko mahaba na! Yiiz.. yung payong ko folding na. Hindi na ko mahihiya dun sa mahaba kong payong nung elementary ako.. Pero isa lang di nagbago,yung kagandahan ko! Whahaha.. nasa kalagitnaan pa ko ng pagyayabang ko este pagmumuni muni ng biglang may sumigaw..
"Pwet! HAHAHAHAHA!" Sigaw nito habang nakasakay sa tricycle. "Baboy! Leche ka talaga! Grrrr." Ang ganting sigaw ko. Bwisit talaga sya kahit kelan. Yung baboy na yun. T*ngna nya. Umagang umaga. Ang saya saya ko pa naman kasi makikita ko yung crush kong si Nathan. Kaso wala. Sira na araw ko dahil sa lecheng baboy na yun. Magiging lechon sya sakin mamaya. Malapit lapit ko ng isumpa yung lalaking un..
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad para di ako malate at para malechon ko na si Clyde.. patay talaga sya sakin..
Pagdating ko sa school,ang muka ng pinakagwapo kong crush ang nakita ko. :''> alam mo yung,ang tangkad nya,yung mapupungay na mata,matangos na ilong,pantay pantay na mapuputing ngipin at yung mapupulang labi na kay sarap halikan. Ay! Erase. Erase. Di ako manyak no.
kaya ung muka kong parang nalukot na papel eh biglang naging mukang anghel. Nginitian ko si Nathan ng pagkatamis tamis na may kasamang beautiful eyes at kagat labi. Joke! Di kasama ung kagat labi. Ang halay. Haha. "Goodmorning Gab! Ganda naten ah? Nabubuo talaga araw ko pag nakikita ka." Sabay ngiti. Putspa! Pakingteyp! Spell kinikilig, A-K-O! Sino ba nman hindi kikiligin? Ung campus heart throb binati ako saka binola. Psss. Bola. Bago pa ko tumili sa harap nya eh nginitian ko lang sya bilang tugon ko. O di ba,ganda ko. Hahaha. Saka ako pumasok sa room.
Nakatulala lang ako habang inaalala ung mga sinabi ni Nathan. Feeling ko pwede na kong mamatay. Pero feeling ko lang un. Haha. Nang bigla nalang.. "hoy babae! Andito kana pala. Kanina ka pa namin iniintay." Ay nako! Kahit kelan panira ng moment tong si Ynell. Ang saya saya eh. Tss. "Hoy lalake! Wala pa ko dito. Imagination mo lang yan. Hahaha" sabi kong tumatawa. Pero sya,tinaas lang ung kilay. Ahitin ko yan eh! Haha. "Bakit ba? Anyare?" Tanong ko pa. Seryoso kasi eh. Ang aga aga. Pero umalis na sya at pumunta na sa may canteen. Dun kasi ung tambayan ng barkada. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod dun. At pagkarating ko,lahat sila nakatingin sakin na para bang sinasabing bakit ngayon ka lang ha? "Oh problema mga unggoy? Haha" sabi kong pabiro. Reaksyon nila? Poker face. Sabay sabing "maglinis ka na babaita!" Ay. Bongga. May speech choir pala dto. Tiningnan ko lang sila na pigil na pigil ang tawa. Lalo namang tumalim ang mga tinging ipinukol nila sakin kaya naman napilitan na akong maglinis. Mahirap na, tatlo sila isa lang ako. Hehe. Pagkatapos ay nagkwentuhan kame tungkol sa kung ano anong kaek-ekan. Parang isang taon kaming di nagkita kita eh 2days lang naman. Haha. Biglang nagbell hudyat para pumasok na kami sa selda este room nmin.
----
To be continued..