Kinabukasan,imbis na isipin ko yung love of my life ko na si Nathan,eh iniisip ko padin yung kaweirduhan ni Clyde kahapon. Ugh. Bat ko ba iniisip yung baboy na yon.? Habang maayos akong naglalakad,may namataan akong pamilyar na bulto ng katabaan. Psssh. Si Clyde lang pala. -.- pero sa pagtataka ko,ay bigla nalang syang ngumiti. Pantay-pantay din pala ngipin nya. "Ingak ka Gab! See you sa school." Aniya. "Thank you. Sige. Kita-kits." Ang sagot ko naman sabay ngiti. Huwait!! Talagang nagbatian kame??? Bakit parang? Parang lumukso ung puso ko sa galak at sa sobrang bilis ng tibok nito eh para akong hinabol ng sampung kabayo? OA ko na. Haha pero bakit ganito? Naguguluhan ako. Sheyt. O baka naman friends na kame. Kaya nanibago lang ako sa pakikitungo nya? Teka? Did i say friends? Kame? Yuck. Pero baka nga naman mabait sya? Kasi yung mama nya mabait,yung kapatid nya mabait din in fact close nga kame nun eh,masyado lang kontrabida si Clyde at pinapalayo nya sakin si Cloud. Ang ganda pa naman nya. Sarap pisilin ng pisngi. :''>
Natigil ang pag-iisip ko ng may magsalita sa harap ko. Akala ko si myloves kaso iba. >.< "Hi Gab. Uhm,ano kasi.. may gusto akong sabihin.. ano.. uhm." Sabi nitong tila kinakabahan. "Ano??!mang aasar ka na naman?? Ang aga aga Clyde. Wag mo kong bwisitin. Suntukin kita dyan makita mo!" Ang biglang bulyaw ko sa kanya. Tila naman natuwa pa ito sa ginawa ko at parang kumislap pa ang mga mata sa saya samantalang ako parang anumang oras eh mabubugbog na sya. "Chillax lang Gab. Kaya kita inaasar eh,ang bilis mong mapikon. Gusto ko lang naman sabihin na sana friends na tayo." Sabi nito saka ngumiti. "Huwat?? Lord magugunaw na ba ang earth? Wag naman sana. Gusto ko pa mag-asawa." Sagot ko naman. "Ano? Payag ka ba? Sige thank you friend!" Aniya sabay pisil sa pisngi ko. Pero di pa ko pumapayag ah?? ang assumming talaga nya. Tsss. Hanggang natapos ang araw na di nga nya ako inasar at sa halip ay puro ngiti ang ginawa nya. Gab na din ang tawag nya sakin. Ano kayang meron? Bakit ganyan sya??? Hay nakuuu.
Dumaan ang ilang araw, 2 weeks to be exact. At magkatabi kami ni Clyde sa upuan. Oo. Friends na kami. Mabait naman pala tong lalaking to eh. Biglang lumapit si Lady,kaklase namen. At napag-alaman kong kay Lady ipinapahawak ni Clyde yung mga pera nya. Parang nagselos naman ako. O.o ay hindi hindi. Nainggit lang ako. Ewan pero un ang nararamdaman ko. Tapos pagtingin ko kay Lady ay ngiting aso ang hitad! Grrr. Tila ba iniingit ako. Oo na! Aalis na sana ako sa tabi ni Clyde ng bigla nalang nya akong pigilan. At sinabing "pwede bang tulungan mo ko sa pinsan mo? Gusto ko syang ligawan eh. Please Gab?" Bat parang pagkasabi nya ng mga salitang yun eh nasasaktan ako. Sumisikip yung dibdib ko. Teka. Di ko naman sya gusto. "Osige." Yun lang ang nasabi ko saka ako tumayo.
Nakauwi na ko pero di pa ko nagpapalit ng pambahay. Kalahating oras na kong nakatitig sa kawalan. Bakit ba ko nagkakaganito?? Hindi ko alam kung nagseselos ako or what??? Tsss. Nalilito na ako...