VI

11 1 0
                                    

Pakiramdam ko ngayon sobrang saya ko. Ganun ba ko kasama? Ang saya ko dahil hindi naging sila ng pinsan ko? Hayss.

"Pwede ba kitang ligawan?" O.o totoo ba tong naririnig ko? Si Nathan my loves nagtatanong kung pwede manligaw? Kung hindi pakisampal nga ako para magising sa panaginip ko.

"Bakit ko naman sasampalin ang babaeng gusto ko? Hindi ito panaginip lang Gab. Totoo ito. Gusto kitang ligawan." Sabi nitong nakangiti.

Nakatingin lang ako sa kanya. Laglag panga. Di pa rin ako makapaniwala. At ang nakakahiya! Naisatinig ko pala yung iniisip ko. Epic fail -.- "Kung gusto mo pala akong ligawan bakit nagtatanong ka pa? Bakit ganyan kayong mga lalaki? Tinatanong nyo pa kung pwede manligaw,eh pano pag sinabi naming hindi? Edi hindi na kayo manliligaw? Ganun ba yung "mahal"?" walang tigil kong litanya.

"Oh Gab. Relax. Para sure lang ako na walang magagalit pag niligawan kita." Nakangiti parin sya. Kainis ang gwapo parin.

"Merong magagalit. Yung Papa ko. Hahaha." Sabi ko sa pabirong tinig.

"Sus. Di yan. Magpapakilala ako." Confident pang sabi nito.

"Hahaha. Ikaw bahala. Sige pasok na ko sa room." Sabay talikod ko. Kinikilig ako. Magkakalablayf na kaya ako? Sana!

—————

Sa room...

"Ahh. Gab,pwede ba magpatago ng pera sayo??" Wow bago to ah?? Humithit na naman ata ng katol tong si Clyde.

"Bakit sakin? Akala ko si Lady yung humahawak ng pera mo?" Tinarayan ko nga. Badtrip padin ako sa kanya. Tss.

"Eh ayoko na sa kanya magpatago. Sige na. Please?" Pagmamakaawa nito.

"Kfine. Whatever." Sagot ko naman agad.

Pero ang totoo eh gustong gusto ko. Feeling gf naman ako.

Days had passed. Lagi akong binibigyan ng love letters ni Nathan. Nakakakilig. Pero parang may kulang. Ni hindi kami sabay kumain pag recess at lunch. Kahit isang beses di pa nya ako nahatid pauwi. Kabwisit lang. Nanliligaw ba talaga sya o napagkamalan lang nya akong mail box na laging hinuhulugan ng sulat??? Takte. Ayoko na. Di ko sya sasagutin. Tsssk.

On the other side,ito namang si Clyde,sweetness overload. Yung totoo? Sya ba yung nanliligaw? Kinakantyawan na tuloy kami ng buong klase. :''> saya lang. Landi ko. Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Enemy Is My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon