IV

13 2 2
                                    

Papasok na ako sa room ng makita ko si myloves ko. Haaay. Ang sarap mabuhay. Kung sana magkagusto din sya sakin kahit na ba puro clip tong buhok ko. Kaso mukang imposible.

"Hello Gab. Bat parang ngayon lang ulit kita nakita? Di tuloy nabubuo yung araw ko,except this day." Sabi nitong seryosong seryoso. Kitang kita ko sa mga mata nyang hindi sya nagbibiro. Owmy golly wow. Pagkakataon ko na to para lumablife! :'''>

"Ahm,ano kasi di ako masyado lumalabas ng room eh. Hehe. Di naman kita nakikita pag umaga. Miss mo ko no? Hahaha. Joke." Sabay peace sign. Ang landi ko ngayon.

"Oo eh. Sobra kitang miss." Aniya.

Sobra kitang miss.

Sobra kitang miss.

Sobra kitang miss.

Sobra kitang miss.

Sobra kitang miss.

Sobra kitang miss.

"Hoy Gab! Bat tulaley ka??" Biglang tanong ni Zhelle. Isa sa mga kaibigan ko.

Saka lang ako natauhan.. umalis na pala si nathan sa harap ko. Baka nahalata nyang crush ko sya? Paktay! Baka di nako pansinin non. Tssk.

"HOY!!" muling sigaw ng katabi ko.

"Aray! Kabingi ka! Ninanamnam ko pa yung moment namin ni Nathan eh." Sabi ko naman na kunwari ay galit.

"Sa kakanamnam mo,nilayasan ka na ng dream boy mo oh!" Sabay tuto kay Nathan na naglalakad papunta sa room nya.

"So? Atleast nagkamoment kame. Tse!" Sabi ko naman.

Sabay na kaming pumasok sa room. At sa pagkagulat ko eh biglang tumabi sakin si Clyde.

"Gab,ano nailakad mo na ba ako sa pinsan mo??" Bungad nito.

Wala man lang goodmorning? O di man lang nya ako aasarin? Hayst. At mas lalo akong nabadtrip nang mapagtanto kong kaya pala nya ako kinaibigan ay para ireto ko sya sa pinsan ko!

Ang sakit di ba?? Yung nagugustuhan ko na sya kasi ang bait nya tapos may kelangan lang pala sya sakin kaya ganun! Wait! Ako? May gusto sa kanya? Oh sh*t. Cut that crap. Di yun totoo. Isipin nyo wala kayong nabasa! >.<

"Oo. Nasabi ko na sa kanya. Oh masaya kana?" Pagtataray ko sa kanya. Kabadtrip kasi eh!

"Yes! Thanks Gab! D'best ka talaga!" Tuwang tuwang sabi nito.

"K.fine." walang ganang sagot ko.

--------

RECESS TIME.

nandun lang kami sa loob ng canteen habang kumakain. Napansin yata ni Caitlyn ang pagiging matamlay ko.

"Ok lang ba Gab?" Ang tanong nito.

"Ah oo. Okay lang ako Cait." Sagot ko.

Tila hindi naman sya kumbinsido pero tumango parin sya bilang pagsagot saka nagpatuloy sa pagkain.

Nakita ko yung pinsan ko na gustong ligawan ni Clyde. Grrr.

"Ate Jas! May sasabihin ako." Sigaw ko dto.

"Ano yun?" Aniya nung makalapit sya sakin.

"May gustong manligaw sayo. Yung classmate ko. Si Clyde. Kilala mo?" Ang sabi ko. Sa totoo lang kasi,nagsinungaling ako kay Clyde. Hehe. Di ko pa nakakausap ung pinsan ko. Ngayon palang.

"Ah yung cute na chubby?? Cge. Tingnan ko kung magugustuhan ko sya." Sabi nito saka umalis.

Akala ko pa naman ayaw nya. Di kasi ganun yung mga type nya. Pero bakit pumayag sya?? Hayst. Wala na kong magagawa. Saka wala dapat akong pakialam kasi si Nathan yung crush ko diba? Hay naku.

Speaking of Nathan,ayun sya sa kabilang parte nitong canteen at may kalampungan babae. Ang sweet nila. Kakilig. :''>

Ha??! Wait! Si Nathan ko may kalandian?? Huhubelchi. Pero kinikilig ako ng konti sa ginagawa nila. Baka sa lahat ng babae sweet si Nathan? Baka pinapasakay nya lang ako sa pambobola nya? Ang gulo ng buhay ko. Pang wattpad na pwedeng ipadala sa MMK.

Pagbalik namin sa room,isang ngiti ang isinalubong sakin ni Clyde. Tumabi pa sya sakin at kwento ng kwento. Kesyo pinansin daw sya ng pinsan ko,kung ano ano pa na hindi ko naman pinansin. At ang huling sinabi nya ay ihahatid nya pauwi ung pinsan ko at kasabay daw dapat ako. Ano??! Naiinggit na nga ako isasabay pako. Tsssk. Di ko napigilan ang sarili kong sumigaw.

"Shut up Clyde!" Lahat sila nagulat at tumingin sakin. Sino ba naman di magugulat eh nandun sa harap yung teacher habang nagdidiscuss. Ang epic ko talaga! Si Clyde kasi eh!

Ang nagyari eh naiwan kami sa room para maglinis. Bwisit talaga to sa buhay ko! Kung pwede lang ipakulam to ginawa ko na.

Kwento parin sya ng kwento. Kapikon na.

"I hate you Clyde. So shut the f*ck up!" Biglang asik ko sa kanya.

"Uuyy. The more you hate the more you love." Sabi nitong ngingiti ngiti.

Ako lang ba? O talagang namumula ung pisngi nya? Nagbablush ba sya?? Aysh.

Salamat at natapos na kami. Sabay na kaming umuwi. At salamay naman di kami nag away sa daan.

"Babye Gab. Agsjdkdhkns" aniya.

Di ko narinig ung huli sinabi nya. Kasi naman,medyo bingi na nga ako tapos ang hina pa nya magsalita. Lechugas.

--------

Di ako makatulog sa sinabi nya. "The more you hate the more you love" totoo kaya un?

My Enemy Is My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon