II

16 1 0
                                    

Ang ingay! Ang ingay ingay ng mga walangya kong kaklase! Lahat may kanya kanyang ginagawa. Kaya naman nakaisip ako ng bright idea *Ting*

*knock *knock. Sound effect nung pagkalampag ko sa pinto. "ANNOUNCEMENT!" Sigaw ko. nakuha ko lahat ung atensyon nila. Nakatingin silang lahat at hinihintay ung sasabihin ko. "Sabi ni ma'am... ANG GANDA KO DAW! SHETE." saka alo umupo habang tatawa tawa. Lahat sila nagreact. Ang daming violent reactions. Bakit? Ganun ba ko kapangit? Sabi ni Nathan ko ang ganda ko daw eh. :''> bago pa ko mangarap eh dumating na ung teacher namin..

Mabilis na tumakbo ang oras. Di ko nga nahabol eh,bilis kasi. Hahaha. At eto pauwi na kami. Di ko na ulit nasilayan ang Nathan myloves ko. Hay. Kalungkot. Pagdating sa kanto naghiwa-hiwalay na kami ng daan. At sa kasamaang palad eh mukang maglalakad din pauwi tong bff kong si Clyde (sarcastic tone)

Habang naglalakad ako,di ko sila tinapunan ng kahit na sinpleng tingin. Baka mapansin nya pa ako at asarin na naman. Pero shet lang! Ang malas ko talaga ngayon! Nakita nya ako. "Oy Ethel bibe! Este Gab. Pwede ba magtanong? Hahaha." Sabi nito sa mapang-asar na tono. "Oy baboy! Este Clyde pala. Nagtatanong ka na.  Bobo." Sagot ko naman. Biglang nagtawanan yung mga kasama nya. At yung reaksyon nya? Parang gusto na kong suntukin. Naalala ko tuloy nung second year kame....

Inaasar nya ko ng walang tigil. Pikon na pikon na ko. Naiiyak na ko kaso di ako makaiyak. Hanggang sa napuno na ko at nilapitan ko sya sabay suntok sa tyan nya. Grabe. Ang lambot. Parang tumalbog lang ung kamay ko pabalik. Haha. Maya maya ay nakita ko syang nagsumbong sa teacher ko pero di sya pinansin nito. At pagtingin nya sakin dinilaan ko lang sya saka tumalikod. Pakiramdam ko bawing bawi ako. Hahaha

Back to reality...

Nakangiti pala ako. Buti nalang di nya nakita. Kundi aasarin na naman ako nun bukas. Malapit na pala ako sa bahay. Derederetcho akong pumasok sa gate. Hindi ko na sila tinapunan ng kahit isang tingin. Hanggang sa narinig kong sumigaw ung baboy este si Clyde. "Babye Gab! See you tomorrow!" Sabay ngiti at wave ng kamay.. Yung totoo??? Sinapian ba sya? What's with him? Biglang naging ganun? I just shrugged my shoulders at pumasok na sa loob ng bahay.

My Enemy Is My Boyfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon