18: Sinigang

54 20 2
                                    

(Sunday)

Dinilat ko ang mata ko at nagmasid sa buong paligid. Doon ko nalaman na kwarto ko to at bahay na namin. Babangon na sana ako sa pagkakahiga pero napakasakit ng ulo ko at parang di ko kaya.

"Oh bakit ka nandito?" sabi ko ng bumakas ang pinto at nasa labas si Jian na may dalang tray.

"Gising ka na pala, umalis na ang parents mo, yung ate mo naman may pinuntahan yung kapatid mo daw may tutorial class, kaya ako muna pinagbantay sayo."

Pumasok siya sa kwarto ko na may dalang lugaw at maiinit na tubig. Ano nga bang nangyari kagabi? How come na napunta ako dito?

"Kaya ko ang sarili ko, umalis ka na."

Nilagay ko ang pagkain sa lamesa. Tumayo ako kahit napakasakit ng katawan ko. Pero di ko parin kaya, nahihilo ako.

"Sure ka ba. Kumain ka muna." mahinahong sabi niya.

"Bakit ka ba nandito? Saka ano bang nangyari kagabi?" inis na tanong ko.

"Hinatid kita dito at naabutan ka ng magulang mo kaya ayun pinagpahinga ka. Bumalik ako kaninang umaga para malaman ang lagay mo, saktong walang magbabantay sayo kaya ako nagpresenta."

"Bakit mo ginawa yun?"

"Umupo ka muna okay, mapaano ka pa eh." mahinahong utos niya. Napaupo ako ulit sa kama dahil di ko na kaya ang sarili ko. Ang sakit sa head feeling ko may migraine ako.

"Mamaya aalis, narin ako. May pupuntahan rin kasi ako mamaya. Papabantay nalang kita kay Hailey."

"Baka gusto mong magpatayan lang kami dito eh." I smirked.

"Sige umalis ka na, kaya ko mag-isa." I added.

Lumabas na siya ng pinto, buti naman makakapagpahinga na ako ng walang iniisip. (=_=)

Ininom ko ang gamot na kasama sa pagkaing binigay niya. Kinain ko narin yung lugaw. Geez, bakit ganito yung lasa? Ang alat. Nasobrahan sa asin.

Napatulala ako habang kumakain, naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Nag-away kami, pero parang kanina nung nakausap ko siya parang wala lang sa kanya. Idagdag pa tong lugaw, edi lalo ko pang naalala.

(Flashback)

"HUYY! SAN KA PUPUNTA BAKA MAGKASAKIT KA!!" sigaw niya sakin. Dahil hindi ko masaydong makita ang daan, naabutan niya ako at naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

"Bitawan mo ngaa akoo! Kahit ngayon lang."

"Ano ba kasing problema mo?"

"WALAAA!"

"Eh bakit ka nagkakaganyan?"

Naglakad ako ulit sa gitna ng ulan. Nababasa na ako pati rin siya. Para kaming basang sisiw.

"ALTHEAAA! Tumigil ka nga, okay naman tayo kanina hah?"

I didn't response to him pero napahinto ako. Ramdam kong nasa likod ko siya at pareho kaming nababasa ng ulan.

"EWAN KO BAAA, HINDI KO RIN ALAMMMM!" sigaw ko.

"BAKIT? Dahil ba kay Belle at nagkakaganyan ka, dahil ba sinama kita at di mo nagustuhan, dahil ba nagagalit ka kasi iniwan kita kanina, Dahil ba-

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon